Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 4

97.2K 2.1K 553
                                    

"Trying my hardest not to act how I feel."

NAKATULALA ako sa kisame ng kwarto ko habang hindi ako makagalaw sa pagkakahiga ko sa kama. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng nangyari kagabi o panaginip ko lang.

Gusto ko na sana totoo nga iyon dahil syempre, sa ilang taong pagmamahal ko kay Lucio Vin Palermo, nagkaroon ng pagkakataon na magkasama kami or magkausap kahit pa inalok niya lang akong maging sex buddy niya. Pero sa kabilang banda, hinihiling ko pa rin na sana panaginip na lang ang lahat dahil excuse me, may girlfriend 'yong tao, and worse, bestfriend ko ang girlfriend niya.

Hindi lang isang kabet ang kalalabasan ko nito kundi isa ring taksil.

Nasapo ko ang noo ko. Ang sakit ng ulo ko pero ramdam kong may mahapdi sa pagkababae ko. So ibig sabihin, totoo talaga ang mga nangyari.

We had sex. Oo, kami ni Lucio Vin Palermo—ang lalaking lihim kong minamahal ng twelve freaking years.

Bakit ba ako nagpadala kagabi? Bakit naging marupok ako? Bakit hindi man lang ako nag-isip? Bakit ko ginawa iyon at ba kita ko pumayag sa gusto niyang mangyari?

Ngayon, paano na ako? Paano ko haharapin si Kelly without feeling guilt. Hello, naka-sex ko lang naman 'yung boyfriend niya na sadly, hindi pa niya natikman. Jusko, nakauna pa akong makatikim sa boyfriend niya.

Gulung gulo ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin siya tinigasan? Ang choosy naman pala ng sword niya! Anong meron ako nawala si Kelly? Bakit sa tinagal tagal niyang hindi tinigasan, bakit sa akin?

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko. At lalong hindi ko alam ang gagawin ko. Para kong binigyan ng problema ang sarili ko.

Tumingin ako sa side table ko nang mag-beep ang phone ko.

Halos man laki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nagmessage sa akin sa facebook.

Napabango na ko. Nanatili ako ng nakaupo sa kama ko sa kabinuksan ang chat niya.

Lucio Vin Palermo
I'll wait for you.

Napalunok ako. Paano kumalma? Utang na loob, ang aga aga pero ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Una, hindi naman kami friends sa facebook so siguro sinadya pa nyang hanapin ako at pangalawa, nag-chat siya na never ko ginawa sa loob ng twelve years and last but not the least, hihintayin niya raw ako.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa excitement na nararamdaman ko.

Taksil ka, girl! Inahas mo ang boyfriend ng bestfriend mo!

Hay, ano ba 'tong pakiramdam na 'to? I need to stop this. Hihintayin daw niya ako. Naalala kong usapan namin na mag-uusap kami ng maayos ngayon sa condo niya kapag kinuha ko ang kotse ko.

Hingang malalim. Kalma lang, self. Mag-uusap lang daw.

Tumayo na ako saka ni-replyan siya.

Catherine Reyes
Pupunta na ako.

Itinapon ko sa kama ko ang phone ko saka dumiretso sa cabinet ko. Anong magandang isuot? Jusko, karamihan sa damit ko ay office attire. Mga shirts lang din at pants. Ang manang ko talaga pumorma. Hindi naman sa nagpapaganda ako para kay Lucio pero gusto ko pa rin namang magmukhang tao sa harap niya.

Nang makapili ng damit ay dumiretso na rin agad ako sa banyo. Naghubad ako saka nag-shower.

Kung iisipin, mali ang nagawa namin kagabi. Napakalaking pagkakamali. Sa part niya dahil may girlfriend siya at syempre sa part ko dahil parang lumabas nga na kabit ako. Kasi kung sa akin lang, wala namang magagalit dahil single ako pero kasi siya meron.

Casanova's Club #1: Guilty PleasureWhere stories live. Discover now