CHAPTER XXIII - SAY YES

323 10 3
                                    


CHAPTER XXIII
- L U M I E R E -

"Hindi ba nauubos ang pera mo para kay ate, Sin?" tanong bigla ni Lysander habang kumakain kami ng Mcdo na pina-deliver ni Sin.

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. "L-lysander!" uminit ang pisngi ko.

Ano ba naman ang sinasabi ng demonyo kong kapatid?! Jusko!

"Ha? Bakit naman?" tumawa si Sin at bumaling sa'kin.

"Kasi palagi mo siyang binibilhan ng mga pagkain, Sin. Tapos may teddy bear pa-"

"Lysander, malilintikan ka na talaga sa'kin." sabi ko kaya natikom ang bibig niya.

"Hm, ano naman, Lysander? Kusa ko namang nililibre ang ate mo." ngumisi si Sin.

Umirap ako. "Tigilan mo nga si Lysander."

"Pareho nga kayo ni kuya Pierre, Sin, e. Ang hilig kasi ni kuya Pierre na dalhin si ate sa plaza tapos kakain sila ng mga street foods at barbecue ta's meron din para sa'kin pag-uwi nila."

Humagalpak ako sa tawa at hindi ako pinansin ni Lysander. Oh my... Hindi maipinta ang mukha ni Sin! Nakangiwi siya habang mahigpit ang hawak sa tinidor. Napatakip ako sa bibig ko at napailing-iling. Minsan talaga hulog ng langit si Ly. Ano ka ngayon, Sin?! Natameme ka, 'no?!

"H-ha?!" inis na sambit ni Sin matapos ang ilang segundo. "Hindi mo naman kailangang sabihin 'yon, Lysander! T-teka, pinaparinggan mo ba 'ko na bilhan ka ng mga street foods?! Ilan ba ang gusto mo? 'Yung buong plaza na lang kaya ang bilhin ko?"

Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko alam kung seryoso ba 'to si Sin sa mga sinasabi niya.

Umiling si Lysander. Buti na lang ay sa ganitong sitwasyon, walang malisya kay Lysander ang mga bagay na 'to kahit na alam ko ay may alam din naman siya kahit kaunti. "Sinasabi ko lang, Sin. Nakita ko kasi 'yung teddy bear na inuwi ni ate nung isang gabi, mula daw kay kuya Pierre."

"E-e, may teddy bear din naman akong binigay, a?! Sobrang laki pa nga..." parang batang giit ni Sin. Napairap na lang ako. Ba't ba siya nagpapauto kay Lysander? Halata namang gusto lang ni Lysander na ilibre siya palagi ni Sin. Tss! "A-at, bakit 'kuya Pierre' ang tawag mo kay Pierre?! Ba't sa'kin, hindi? Mas matanda pa nga ako kaysa kay Pierre!"

"Nasanay na 'ko, Sin, e. Saka since junior high ay kakilala na kita, hindi ako nasanay na tawagin kang kuya..." sagot ni Lysander.

"Alam mo, Sin, tama na ang kakasabi mo ng mga ganiyan, okay?! Hindi mo na mababago ang tawag ni Lysander sa'yo kasi sanay na siya ng 'Sin' lang." bumuntong hininga ako.

"Iba kasi kapag 'kuya' ang tawag!" ngumuso siya at humalukipkip. Bahagya siyang lumapit sa'kin at bumulong. "Pakiramdam ko ay may plus pogi points na si Pierre kaysa sa'kin."

Natatawa akong nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa isang 'to. Geez! Walang kwenta ang mga bagay na pinipilit niya kay Lysander.

6 PM na noon at hindi pa din tumitigil ang ulan. Tinuturuan na din ni Sin si Lysander at nakatambay lang ako sa sofa. Pinapanood ko sila. Nasa lapag sila, at nakapatong ang mga libro sa coffee table. Napanguso ako at sinulyapan si Sin.

A Secret Worth A Playboy (CS #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang