CHAPTER XXIV - PAST

291 8 4
                                    


CHAPTER XXIV
- L U M I E R E -

"Lumiere? Psst. Esteva! Lumiere Esteva."

Napakurap-kurap ako nang kumakaway-kaway ang palad ni Creed sa harapan ko. Ngumuso siya at tumaas ang kilay.

"O-oh, bakit?" tanong ko.

"Sigurado ka bang pupunta kang Lakewood? Tulala ka." aniya at nagpatuloy sa pagkain.

Hilaw akong ngumisi. "Yup. Ba't naman hindi?"

Naki-lunch sa bahay si Creed pagkatapos ng klase niya ngayong araw. Sabay na kaming pupunta ng Lakewood, katulad ng napag-usapan namin. Hindi ko pa din kung ano ba ang dapat kong maramdaman matapos namin pag-usapan ni Sin ang mga bagay na 'yon. Tama naman ang ginawa ko, hindi ba? Ginawa ko lang ang dapat kong gawin.

"Hm, mukha kasing ang lalim ng iniisip mo. Say, gusto mo bang mag-bar kasama sina Travis?" tanong niya.

Namilog ang mata ko. "Travis?! Nandito na sila?!"

Tumango siya at ngumisi. "Oo. Kakauwi lang nila kagabi kaya naman iniisip namin kung kailan tayo mag-bond. Sama ka ba? Mamayang gabi..."

Ang tinutukoy ni Creed ay ang mga pinsan namin sa father's side. Mga Anak sila ng dalawang kapatid ni daddy na si tito Herbert at tito Mario. Ang panganay na si tito Herbert ay may dalawang anak: si kuya Gin at si Travis na kasing-tanda ko lang. Si tito Mario naman ay mayroong tatlong anak: ang panganay na si ate Naomi, si Creed, at ang bunso nila na si Rance na mas bata kay Creed ng isang taon. Hindi ko masiyadong nakakasama ang mga pinsan kong 'yon dahil ang magkapatid na Kuya Gin at Travis ay sa Maynila nakatira. Si tito Herbert at tita Lea ay dito nakatira. Si ate Naomi at Rance ay sa Maynila nag-aaral. Si Creed lang ang nandito sa Mindoro kasama ni tita Judith at tito Mario.

Kahit na hindi ko sila ka-close masiyado, siyempre ay masaya pa din na makasama ko sila lalo na't masasaya silang kakwentuhan... at kainuman.

"O sige. Sama ako." ngumiti ako.

Wala naman akong ibang gagawin. Malamang ay galit sa'kin si Sin.

"Sure ka bang ayos lang kay tito Leon na uminom ka? Baka mapagalitan lang ako." umirap si Creed.

Tumawa ako. "Hindi 'yan. Kasama ko naman sina kuya Gin."

"So wala kang tiwala sa'kin?" pagsusuplado niya.

"Mas responsable si kuya Gin." pang-aasar ko pa.

"Kuya Creed, hi!" dumating si Lysander at sinilip ang kinakain namin.

"Hi, Ly." ngumisi si Creed. "Gusto mo bang sumama mamaya?"

"Saan?"

"Bar! Iinom tayo!"

"Hoy, Creed, hindi pwede uminom 'yan. Underage!" saway ko.

"Why not? Seventeen na si Lysander at mag-eighteen na siya next year. Ano naman?"

Umiling ako. "Tatadyakan kita."

"Ba't naman hindi? Ako nga, nakainom na nung sixteen-"

"Creed!" umamba akong tutusukin siya ng tinidor.

A Secret Worth A Playboy (CS #1)Where stories live. Discover now