CHAPTER XXV - GOODNIGHT

278 11 3
                                    


CHAPTER XXV
- L U M I E R E -

"Oh my god! I missed you, Lumiere!" sinalubong ako ng yakap ni ate Naomi.

Tumawa ako at niyakap din siya. "I missed you, too!"

Nakapamulsang naglalakad si Travis sa likuran ni kuya Gin. Pinaglalaruan naman ni kuya Gin ang kaniyang mga susi. Si Rance ay nakasimangot dahil inaakbayan siya ng kuya niya na si Creed.

"Tsk! Kuya..." reklamo ni Rance at tinanggal ang kamay ni Creed.

Humalakhak si Creed. "Alam mo, mula nung sa Maynila kayo nag-aral ay sinusungit-sungitan mo ako palagi."

"Manahimik ka na nga, Creed." umirap si ate Naomi. "Oo nga pala, Lumiere, nasaan si Lysander? Ang tagal ko na siyang hindi nakita! Hindi ba siya sasama sa'tin?"

Ngumiwi ako. "Ate, underage pa 'yon."

"So? Noong underage din ako ay nakakapasok ako ng bar..." humalakhak si ate Naomi.

"'Wag mo itulad si Lysander sa'yo, Naomi. Matino 'yun, 'di gaya mo." pang-aasar ni kuya Gin na mabilis na binatukan ni ate Naomi.

Napatawa na lang ako sa nangyari. Si Travis ay nagsuot ng kaniyang earphones habang patuloy siyang kinakausap ni Creed. Bumuntong-hininga ako. Dati ay ka-close ko si Travis pero noong sa Maynila sila nag-aral ay nawala ang closeness namin.

"Alam niyo ba, may school fest sa school nina Lumiere!" banggit ni Creed.

Nakasakay na kami sa van na ni-drive ni kuya Gin. Sa front seat ay nakaupo doon si ate Naomi. Nasa tabi ako ng bintana at katabi ko si Creed at sa likod naman ay magkatabi sina Rance at Travis.

"Ah, talaga? Edi bibisita tayo bukas!" masayang anunsiyo ni ate Naomi.

"Tataba ka lang doon." natatawang sambit ni kuya Gin.

"Gin, manahimik ka diyan kundi sasapakin kita!"

"Hoy, Travis, pumunta ka bukas sa Lakewood, a. Sumama ka sa'min. Puro tulog na lang ang ginagawa mo..." sinilip ni kuya Gin si Travis.

Pasimple kong nilingon si Travis na nakasandal sa bintana, malamig ang tingin sa kuya niya. Bumuntong hininga si Travis.

"Sa bahay lang ako, kuya." aniya.

Ngumuso ako. "Ayaw mo ba bumisita sa school namin, Travis?"

"Bakit ko naman gugustuhing bumisita?"

Mariin akong napapikit. Okay, fine. Edi 'wag.

"Tss. Ang suplado mo talaga, Trav!" humalakhak si Creed at siniko-siko ako. "Hayaan mo na..." bulong niya sa'kin.

Nakarating na kami sa bar na tinutukoy nila. Ang pangalan ng bar ay 83-Width. Hindi ako mahilig pumunta sa mga bar kung 'di ako yayayain ni Freya kasama ang ilan niyang kaibigan.

"Finally!" bumaba na si Creed kaya sumunod na ako sa kaniya.

Nakababa na kaming lahat at nauna na si ate Naomi at kuya Gin, sumusunod lang kami. Kasabay ko si Creed sa paglalakad. Nilingon ko si Travis, naka-earphones siya at kasabay si Rance na parang walang interes sa paligid.

A Secret Worth A Playboy (CS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon