Close Encounters: Four

543 26 12
                                    

KEN's POV

"Ahh. Kapalit ba..." Sabi ko, nakahawak pa ako sa baba ko na para bang nag-iisip ng mabuti. I looked at Rita closely, nakaka-aliw ang itsura niya - kabado ata sa kung anong kapalit na hihilingin ko.

"Ano nga?" Rita asked impatiently.

"Eh 'di, 'thank you'!" Sabi ko, at doon nagsalubong na naman ang kilay niya. She's still waiting for a proper response.

"Huwag mo na akong deadmahin? Allow me to be your friend? That's all I ask." I said in a serious tone.

"Saan naman nanggaling yan? Hindi naman ako nangdedeadma ah. Sus. Akala ko naman kung ano..."

"Bakit, ano pa bang pwede?"

"Hmm. Wala naman. Oh sige na, tuloy na natin pagbuhat. Baka gabihin pa tayo eh. Salamat ulit."

Tinulungan ko si Rita na i-usog ang cabinet niya sa kwarto niya. Yun nalang at matatapos na kami. She brought out some stuff from boxes and started to put them one by one on the right places. Ayaw niyang itapon ang mga kahon kaya ilalagay daw niya ito sa ibabaw ng cabinet. I volunteered to do it for her.

"Rita, ako na maglalagay." I offered. She was standing on her tiptoes, clearly struggling.

"No, kaya ko na 'to. Wait, may upuan pala sa labas, kunin ko muna." She insisted.

"Ako na, nandito na rin lang ako." Inagaw ko ang kahon mula sa kaniya.

"Ang kulit!" Inis niyang sagot. Pagkahablot ay natumba kami sa kama niya, at nakapatong na ang katawan niya sa katawan ko - very reminiscent of that night in my room...Napalunok ako. We were stuck staring at each other. Parehas ata kaming natakot gumalaw.

RITA's POV

Nalintikan na. Eto kami ngayon, back where we left off that night. I can feel his heart pounding from his chest. Hawak-hawak niya yung kahon, pero nabitawan niya agad. His hands are now unconsciously placed on my back and my arms are placed over his shoulder.

Nabalik kami sa wisyo ng marinig ang boses ni Anna.

"Hala!" Anna shouted with a gasp. Mabilis kaming napatayong dalawa doon.

"Bes!!! Supported ko naman yung pagtuloy niyo ng naudlot ni Ken, pero kalmahan niyo naman. Bibigyan naman namin kayo ng privacy eh! O kaya dun ulit sa kabila, pwede naman!" Dagdag pa ni Anna. Pasmado talaga ang bibig eh!

"Anna!!! Ang malisyosa mo talaga kahit kailan!" Malakas kong hinampas ang braso niya. Her boyfriend Wes was following behind her, at siya rin ay aliw na aliw sa jowa niya.

"Wait, alam niya yung nangyari sa atin?" Mahinang tanong ni Ken sa akin. I shrugged him off.

"Wala namang ikuwekuwento na nangyari...Ssshhh! Pwede ba magmove-on nalang tayo." Lumabas ako ng kwarto ko at kinuha ang monobloc chair.

Five PM kami natapos. Gutom na rin ako. Isang mamon lang kinain ko buong maghapon.

"So, that's all of it." I said. "Thank you ulit for your help, Ken. You may go now. Baka busy ka pa." I tapped Ken's shoulder and waved him goodbye.

"You're welcome?" He was dumbfounded. Mukhang may hinihintay pa na sabihin ko.

"Grabe ka naman, bes! Papalayasin mo agad...Alam mo Ken, you should stay first. Dito ka na kumain. Libre na namin ang pizza. Diba, honey?" Pagbaling naman niya kay Wes.

"Yup! As a thank you na rin...Kami nalang ni Anna ang bibili kay sa magpa-deliver. Para mas mabilis..." Sabi ni Wes. Etong mag-jowa na 'to pinagkakaisahan pa ako!

Close EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon