Close Encounters: Eight

517 26 8
                                    

KEN's POV

Nandito ako ngayon sa apartment nila Rita. Sabi ko I'll work, and I even brought my laptop with me, but I'm so distracted... Mas busy akong panoorin si Rita mag-luto. Ang cute niya kasi, halatang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. I can hear her hum some songs while she's working.

Oh my goodness, that voice...Kayang-kaya ko yun pakinggan buong araw at hindi ako magsasawa. Kaya naman when I had a chance ay pumunta talaga ako sa lounge na pinagtratrabahuhan ni Rita.

Nung kumakanta siya noon, kahit nakaupo siya, I could see her body sway in time with the music. She's very animated when she sings, I was studying her expressions the whole time. Every time she pouted her lips, I could feel my heart skip a beat. It's like she wants you to feel the music and not just hear it. I realized the difference fully now.

"Okay ka lang diyan, Ken?" Biglang tanong sa akin ni Rita.

"Oo naman, don't mind me." I gave her a quick smile and went back to work.

"Ayan, I'm done. Tikman mo nga, Ken." Lumapit siya sa akin hawak-hawak ang spatula niyang may kakaunting sauce. She blew on it quickly and put it in my mouth without warning. Nagkaroon tuloy ng dumi sa gilid ng bibig ko.

"Ayy." Pinunasan niya yun gamit ang daliri niya. Bago niya pa yun ipahid sa towel na kukuhanin sana niya sa bulsa niya ay inunahan ko siya at dinilaan ang sauce sa daliri niya.

Matagal siyang tulala bago niya na-process yung ginawa ko. Bakit nga ba, Ken?
Hinampas niya yung balikat ko.

"Huy!!! Ang baboy nun! Yuck!" Reklamo niyang parang nandidiri pero hindi rin niya napigilang tumawa.

"Bakit, malinis naman kamay mo diba? Sayang yung sauce..." I shrugged.

"Well... Nako talaga, Ken ha! Iwan na nga kita diyan." Nagsimula naman siyang mag-handa ng mga plato.

Pumunta naman muna ako sa apartment ko para kumuha ng plate, spoon at fork.

"Ano yan?" She asked me when I returned.

"Nakakahiya naman, paghuhugasin pa kita ng plato kaya kumuha na ko ng sarili ko." Sagot ko.

"Para kang sira, ibalik mo yan. May bisita bang nagdadala ng sariling plato?" Sinunod ko naman siya. Binalik ko na rin ang laptop ko sa bahay ko, yung dining table kasi yung ginamit ko kanina.

Nagkakahiyaan pa kami kung sino mauna kukuha ng ulam.

"Ang tagal. Gusto mo ba ilagay ko pa?" She laughed a little and put some caldereta on my plate.

She was watching my first bite, probably anticipating if I'll like it. I chewed on my food and gave her a genuine smile of approval afterwards.

"Kamusta?"

"Masarap!"

"Walang halong echos?"

"Oo naman. Anong tawag sa specialty mo na to?"

"Caldereta yan, hindi ba kalasa?" She inquired.

"I'm naming it CaldeRita because it's your cooking. The pun is there na, why did you miss the opportunity?" I joked.

"Ikaw na ang witty. I'm glad you liked it."

"Mukhang mapapadalas akong makikain dito ha. Kung ganito ba naman kasarap..."

"Pwede naman, basta ikaw mamili ng sangkap. Baka kasi mamulubi ako sa'yo. Ang lakas mo kumain!" Biro niya.

Close EncountersWhere stories live. Discover now