Close Encounters: Six

479 26 12
                                    

RITA's POV

So here I am, back in his apartment. Memories bring back, memories bring back you nga naman. Wala namang pinagkaiba, it's as empty as I remember it. Mukhang naglinis siya today, ang kintab ng sahig eh. Ayan, tama yan. Mag-house tour ka nalang sa utak mo Rita. Lalo na ngayon, kailangan ko umiwas ng tingin kay Ken. Nagtanggal ba naman ng shirt sa harap ko, hindi na nahiya.

Fine, sige na nga curious din ako. Kumuha siya ng towel at pinunasan ang buhok niya. I looked at his tummy. Hmm. Wala namang flabs, pero wala ring abs. Kung mayroon man, siguro isang blokeng ab lang. I smiled widely at the thought, napatakip ako ng bibig kasi natatawa na rin ako. This didn't go unnoticed kay Ken.

"Share naman sa naiisip mo diyan, mukhang happy ka, ha." Ken was clearly amused. Mukha naman kasi akong sira. Tatawa ng walang dahilan.

"May naalala lang na joke."

"Ano yun, try me?"

"Huwag na, baka hindi ka matawa. Sa akin nalang yun."

"Okay. Ay sorry, I forgot. Kuha lang kita ng towel. Wait lang." Pumasok siya sa kwarto niya at narinig ko ang mabilis na pagbukas at sara ng cabinet niya.

May dala rin siyang white shirt pagbalik niya.

"Ayan, siyempre kailangan mong magpalit. Pahiramin muna kita." He said with a smile.

"Thank you."

"Mauna ka nang maligo. Ladies first."

Tama rin siguro na mauna ako, alang naman magtapis lang ako ng towel while waiting for him. Quick shower lang gagawin ko, importante lang naman yung ulo ko.

"Sigurado ka?"

"Yeah." Umupo siya sa may dining table at uminom ng tubig.

"All right."

"May shower gel ako. You can use my shampoo din, if you need it." Pahabol niyang bilin.

KEN's POV

Pagpasok ni Rita sa CR ay kumuha muna ako ng damit sa kwarto ko. Nagpalit ako ng shorts at sando. Binuksan ko muna ang TV, isa sa favorite movies ko ang palabas sa isang channel. Mahilig ako ngumuya ng kung anong pagkain kapag nanonood kaya kinuha ko yung siomai na natira sa meryenda ko kanina. Nag-init na rin ako ng tubig at gumawa ng tea. Naglabas ako ng isa pang tasa dahil aalukan ko si Rita mamaya paglabas niya. Bumalik ako ng upo sa sofa.

Napasarap ako ng kain at hindi ko napansin na natapon na pala yung soy sauce sa sahig. I stood up quickly to get some paper towels. Paubos na pala, hindi na kasya para sa kalat ko. Mabuti pang i-mop ko nalang. Wala yung mop sa kitchen, malamang nasa bathroom nakalagay.

I opened my bathroom door.

"AHHHH!!!" Nakalimutan kong nandito nga pala si Rita.. In my quick glance, I saw that she was wearing just her underwear. Oo na, hindi ko maiwasan sulitin yung mabilis na tingin ko and I saw her voluptous body that I described earlier more clearly. Shit! Mabuti nalang nagbibihis na siya, if I came a minute too early baka kung ano nang nakita ko. I then quickly covered my eyes.

"Rita, hindi ko sinasadya...I'm really sorry!" I apologized with my hand still on my face. Naririnig ko lang yung kaluskos ng towel na malamang binalot niya muna sa katawan niya.

"It's my fault din, kasi hindi ko na-lock...Naiihi ka na ba? Sorry ang tagal ko na ata dito sa CR mo..." Kinuha niya ang kamay ko para tanggalin sa mukha ko. Nakuryente ata ako sa paghawak niya? She was already wearing my white shirt that I lent her. Bakit bagay sa kaniya? Huy Ken, kalma.

"We're both at fault. Quits na tayo."

"Bakit ka nga pala pumunta dito?"

"Kukunin ko yung mop. Nandiyan sa loob ng shower." Pagturo ko, kinuha naman niya yun at inabot sa akin.

Close EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon