Chapter 36
Steven POV:
Kitang-kita ko sa dalawa ang kasiyahan sa kanilang mukha.
Nandito ako sa pinakadulo habang umiinom ng wine.
Matalim na titig at umiigting ang aking panga dahil sa galit.
Hindi ako galit kay Shamyka, bagkus, kay Tyler kumukulo ang dugo ko.
Gusto n'ya talagang angat siya sa lahat.
Pati yung dalaga, inagaw niya sa akin.Yes, I love Shamyka.
Hindi ko alam kung pa'no o kailan ko siya minahal. But damn it!
Nagseselos ako sa tuwing nakikita ko s'yang masaya nang dahil kay Tyler.And I want to stop it as much as possible.
Kung kailangan kong daanin sa dahas ang lahat, gagawin ko.
Makuha ko lang si Shamyka."Enjoy.", tipid na bigkas ko habang nakangisi.
Nilagay ko ang wine na iniinom ko sa mesa at tumungo palapit sa pwesto nila.
Nakababa na sila ng stage, kaya bibilisan ko na ang aking plano.
"Congrats to the both of you.", bigkas ko nang huminto ako sa harapan nila.
Pekeng ngiti ang umukit sa labi ko kasabay ng paglahad ko ng kamay para ishake-hands sana ang babae.
Pero malakas itong tinapik ni Tyler palayo kay Shamyka."Hindi mo kami madadaan d'yan.",
"--Layuan mo ang fiance ko.", madiing saad ng binata."Cinocongrats ko lang kayo, Tol.",
"--Mali ba 'yon?", balik na sambit ko."Labas sa ilong ang pagkasabi mo no'n. Sa tingin mo ba maniniwala ako?",
"--So back-off.", huling sabi niya at tsaka hinila si Shamyka.Abot-tingin ko na lamang sila habang umaalis ng venue.
And I guess, sa rooftop sila tutungo.
Pagkakataon ko na 'to para magamit ang alas ko.
Kaya dinial ko ang number ng ka-miyembro ko para ipahatid sa kanila na simulan na ang plano.
"Sa roof top. Kayo na ang bahala. Linisin niyo ang gawa.", paalala ko rito.
"Opo, boss. Kami na ang bahala.", tugon nila sa akin.
Kaya inend ko na ang tawag at tinago ang cellphone sa bulsa.

YOU ARE READING
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Teen FictionTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...