Chapter 41

5.3K 173 5
                                        

Chapter 41

Tyler's POV:

"Ibaba mo ang baril mo at itaas ang kamay.", sambit ng pulis sa akin nang makarating sila sa pwesto ko.

Nakita ko na rin na inalalayan nila at binuhat ang duguan na si Steven na alam kong umaakting lamang.

Palabas niya lang ito para magmukha siyang kawawa at ako ang masama.

But shit! Kahit anong gawin niya, alam ko sa sarili ko na hindi ako ang bumaril sa kanya.

"H'wag ka ng manlaban Mister. Sa police station ka na lang magsalita.", bigkas nito kasabay ng pagposas sa akin.

Kaya wala akong choice kundi ang sumama sa kanila.

At sa kabilang sasakyan, nando'n ang mga kasamahan ko na nadakip rin at nakaposas.

Tsk! Pati sila nadamay dahil sa galit na umiral sa damdamin ko.

___

Dinala nila ako sa station at pina-upo para kausapin tungkol sa nangyari sa lugar na 'yon.

Pero ang mukha ko, nanatiling kalmado dahil hindi naman ako takot sa alagad ng batas.

"Marami ka ng record dito Mr. Tyler, kaya kilala ka na namin.", panimulang saad ng pulis.

Kung sabagay, ilang beses na akong naparito dahil sa mga kasong nakapatong sa akin noon na palaging binabaliktad ni Steven.

Binibigyan niya ng suhol ang ibang tao para idemanda ako at marumihan ang aking pangalan.

Pero hindi siya nagtagumpay no'n dahil mabilis akong makahanap ng solusyon.

"Hindi ka pa rin pala nagbabago. Hanggang ngayon, ganyan pa rin ang ugali mo.", wika ulit nito.

"We're not close. Kaya abogado ko na lang ang kausapin mo.", saad ko sa lalaki na tila walang gana ang datingan ng boses ko.

"Kailangan kong marinig ang statements mo, habang ginagamot ang kapatid mo.", sambit niya para kumbinsihin ako.

"Kahit naman magsalita ako at aminin ang totoo, iba pa rin ang paniniwalaan niyo. Kaya para saan pa? Sasayangin niyo lang ang laway ko.", tugon ko sa kanya.

"Pero Mr. Tyler--",

"Hindi ako magsasalita. That's it.", bigkas ko muli bilang pagmamatigas.

Walang patutunguhan kung iki-kwento ko sa pulis ang tunay na nangyari, dahil sino ba ako para pagkatiwalaan nila?

Isa akong hamak na masama sa mata ng mga tao.

Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko sa kanila para husgahan ako.

Gago lang ako at aminadong babaero, pero kailanman hindi ko naisip na pumatay.

Hindi ko ugali 'yon.

At higit sa lahat, pinilit kong baguhin ang sarili ko para lang kay Shamyka.
Pero maging siya, tinakwil niya ako.

"Bullshit!", kalampag ko sa mesa sa sobrang pagkainis.

Sa tuwing iniisip ko na malayo na ang loob sa akin ng dalaga, hindi ko maiwasan na 'di magalit.

"Mr. Tyler, huwag kang gagawa ng gulo dito. Baka gusto mong madagdagan pa ang kaso mo?", pananakot ng pulis.

Kaso laking gulat ko na may biglang sumulpot sa likuran namin.

"Talagang madadagdagan 'yan. Kasi magsasampa ako ng kaso sa kanya. Kidnapping with harassment.", taas-noo na bigkas ng babae.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil hanggang ngayon ramdam ko ang pagkamuhi ni Shamyka.

"Kinidnap niya ako Sir para gahasain. At si Steven ang nagligtas sa akin kaya hindi na ako magtataka kung bakit niya gustong patayin ang sarili niyang kapatid.", madiin na turan nito.

Napatayo naman ako para lapitan siya.
Gusto kong linawin sa dalaga na hindi ako ang may gawa nito.

"Inosente ako, Shamyka. Hindi ko magagawa ang pumatay.",

"Talaga ba? Kaya pala nagawa mong kidnapin ang isang tulad ko para sa kaligayahan niyong magkakaibigan.", usal niya na may matalim na tingin.

I was about to say again, but I guess, it's too late.

"At alam mo, dahil sa ginawa mo kay Steven, pinatunayan mo lang kung gaano ka kademonyong tao!", galit na bigkas ni Shamyka at malakas akong sinampal.

Hindi ko dinamdam ang sakit na dinulot ng kamay niya. Bagkus, mas dinamdam ko ang sakit mula sa mga sinabi niya.

"Wala akong ginawa. Hindi ko binaril si Steven. At lalong hindi kita kinidnap.", saad ko na rin habang nakatingin ng diretsa sa mata niya.

Pagod na rin akong sumuyo at magpaliwanag.

Kaya kung ayaw n'yang maniwala, wala na akong magagawa ro'n.

"I don't believe you anymore. Sinira mo na ang tiwala ko, Tyler.",
"--And you know what, mas pipiliin ko pang ipakasal kay Steven kaysa sayo!",

That words really slapped me.

Dahil sa pekeng statement ng pulis, ganito siya kabilis magbago.

Ang Manyak kong Jowa (Completed)Where stories live. Discover now