Chapter 51
Shamyka's POV:
PUMAYAG AKO.
Pumayag ako sa kagustuhan ni Tyler.
Binigyan ko siya ng pagkakataon para paniwalaan ulit.Napagtanto ko kasi, na wala namang patutunguhan ang galit ko kapag pinairal ko ito.
Besides, ayoko rin na mapunta sa iba ang atensyon niya. Lalo pa at masyado yatang inlove si Nene sa binata.
Pero kahit papano, naging daan ang dalaga para mamulat ako sa katotohanan.
Dahil sa kanya, naging maayos na ulit kami ni Tyler.Talagang bumawi ito at pinakita sa akin na mabuti s'yang tao.
Yung ka-sweetan at pagiging maalaga niya noon, hinigitan niya ngayon.
Halos lahat ng gawain sa bahay, siya na rin ang gumagawa.
Ito lang daw kasi ang naisip niyang paraan para masuklian ang tinulong nila Ale sa amin.
Pinatuloy kasi kami dito na walang iniisip na gastusin, tapos ang bait pa ng pakitungo nila. And yes, tinuring nila kami na parang pamilya."Meron pala ditong ilog. Maganda ang tanawin do'n. Baka gusto niyong pumunta ni Tyler.", saad ni Nene habang kumakain ito ng mangga.
"Oo, ate Shamyka. May ilog nga pala dito. Alam mo ba, malamig ang tubig do'n, kaya masarap maligo.", pasegundang wika ng bata.
Sa pananalita niya palang, halatang nanghihikayat ito na tumungo kami sa lugar na 'yon.
"Bakit Rea, gusto mo bang maligo tayo do'n?", tanong ni Tyler sa batang nakaupo sa gitna namin.
"Syempre po! Gustong-gusto ko. Pwede po ba?", masayang turan nito.
"Para sa'yo, pwede. Pero, tanungin muna natin si Ate Shamyka, baka ayaw niya.", saad ng binata at binaling pa talaga sa akin ang desisyon.
"Sige na po ate. Payag ka na po. Gusto ko kasi maligo sa ilog.", pangungulit ni Rea habang hawak-hawak ang binti ko.
"Okay. Maliligo tayo do'n.", ngiting sabi ko.
Napatalon naman sa tuwa ang bata dahil sa pagpayag ko.
Kaya heto, sabay-sabay kaming naglakad patungo sa ilog na tinutukoy nila.
Kami lang na tatlo ang magkakasama, dahil ang sabi ni Nene, mas maganda kapag hindi siya sumabay sa amin.
Nang matunton namin ang ilog, sobra akong namangha.
Hindi ako nadisappoint sa nakita ko, sa halip, tuwang-tuwa ang aking mata.Malinis ang tubig. At sa gilid nito, nakapalibot ang ibat-ibang halaman na nagpaganda lalo ng tanawin.
"Tara na ate, maligo na tayo.", bigkas ni Rea nang higitin niya ang kamay ko.
Tumakbo siya habang hila-hila ako, samantalang si Tyler, nasa likuran ko lamang siya at naka-alalay sa akin.
"Woahhh! Ang lamig! Ang sarap maligo!", pagsisigaw ng bata.
Nagawa na nitong bumitaw at nagsimula ng lumangoy.
Hindi naman kasi malalim ang ilog, kaya hinayaan na naming mag-enjoy ang bata.
To be honest, medyo napalapit na ang loob ko kay Rea.
Sa isang linggo na pag-sstay namin ni Tyler sa lugar na 'to, minamahal ko na ang mga taong nakakasalamuha namin.
"Maligo rin tayo.", sambit ng binata nang tapunan niya ako ng tingin.
"A-ayoko.", mahina kong tugon.

YOU ARE READING
Ang Manyak kong Jowa (Completed)
Teen FictionTyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma niya, hindi uubra kay Shamyka Dela Cruz. Kaya ang ginawa ng binata, pinakalat niya sa lahat na jowa n...