~Prison School~

60 8 8
                                    

Hindi ko alam kung bakit sa ganitong klaseng mundo ako nabuhay. Kung saan mga mayayaman ang naghahari at mga masasama ang nagwawagi. Kung saan puro makasalanan at kasinungalingan.

Kung iisipin mo,buhay ka pa nga parang nakatira ka na sa impiyerno.
Ganon ang buhay ko...

***

Bata pa lang ako binubugbog at minamaltrato na ko ng ama ko simula ng namatay ang nanay ko. Kahit kailan hindi niya ko tinuring na anak kasi alila niya ako. Kapag nagkamali ako kahit katiting, suntok,palo, at tadyak ang abot ko sakanya.

Pero habang tumatagal at tumatanda ako, kahit gusto kong humiyaw at humagulgol sa sobrang sakit ng bugbog niya, walang boses na lumalabas.Kahit luha walang pumapatak.

Ika-16 na kaarawan ko ngayon pero sino ba naman ang may paki, 'di ba?

"Hoy!Babae!Bilhan mo nga ako ng alak!!"sigaw ng tatay ko galing sa labas.Mukhang lasing na naman siya.Mahirap na nga kami puro bisyo pa.Ba't ba siya yung naging ama ko.Dapat siya nalang yung namatay hindi si mama,tutal si mama lang naman yung nagmamahal sakin.

"Wala na tayong pera."sagot ko ng walang gana.

"Edi mangutang ka!Walang utak!"
Ako pa ang walang utak kahit nagaaral ako nagtatrabaho ako para lang may makain kami sa araw araw. Eh siya may nagawa ba siyang nakatulong sa amin?Wala naman eh...

"May pambayad ka ba?Wala naman 'di ba?"Sagot ko ng pabalang sakanya.

"Ano bang ginagawa ko?Ako lang naman ang nagpapakahirap dito eh!" Di ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya sa harap ng kainuman niya.

"Pareho lang kayo ng walang kwenta mong nanay!Mga bwiset kayo sa buhay ko!"napatayo siya sa kinauupuan niya at sinamaan ako ng tingin sa mata pero di ako nagpatinag.

"Anong tinitingin mo?!Bakit?!Kaya mo na ko?!Nasasagot mo na nga ako 'di ba?Akala mo kahit anak kita  di kita papatulan?!"Ganyan b siya ka-sira ulo para sabihing walang kwenta yung nanay ko?

Nanatili akong tahimik at tiningnan siya ng matalim sa mata.Sa totoo lang,ang sarap niya patayin,pero sabi kasi ng nanah ko dapat di ako magtanim ng galit sa kahit kanino at matutong magpatawad.

"Alam mo?Dapat ikaw na lang yung nawala!Dapat ikaw na lang!Hindi si mama!Kung hindi ikaw yung naging tatay ko masaya na sana yung buhay namin ni mama!Wala kang ginawang tama!"Biglang tumulo yung luha ko,ewan ko kung bakit pero ba't ba ko umiiyak. Dapat sanay na ako kapag nasasaktan ako eh pero bkit pagdating kay mama hindi ko kinakaya..

Bigla akong binasagan ng bote ng alak ni papa at tinadyakan niya yung sikmura ko kaya natumba ako sa sahig na hawak ang tiyan at dibdib ko.

"Argh!" may lumabas na dugo sa bibig ko at tinadyakan ulit ako ni papa ng buong lakas niya.

"Magsama kayo ng bwiset mong ina sa impiyerno!!" Kumuha ulit siya ng isa pang bote at pinukpok sa ulo ko at may tumulo nang dugo.Wala ni isang umawat o tumulong sakin kahit ang dami nang nakakita.

Napangisi nalang ako habang binubugbog ako ng pinaka walang kuwentang tao sa buhay ko.
ganito kasama ang mundo sakin...napaka-unfair...

"Aba't ngumingisi ka pa diyan!" rinig na sabi ng ama ko.

Wala na kong pake kung anong sasabihin niya araw araw naman na ganito eh.Walang pinagbago...

Pero hindi ako papayag na sinabihan niya ang ina ko na walang kuwenta.

Hinding hindi ako papayag...

Kaya tumayo ako at hinarap ng diretso ang ama ko.Kinuha ko ang matalim na bubog at idinikit sa leeg niya.Kinagulat niya ito at nabitawan niya ang isa pang bote na dapat ay ipang hahampas niya sa akin.

 Prison SchoolWhere stories live. Discover now