~Special Class~

44 6 6
                                    

Habang nakaposas ay dinala nila ako sa sinasabing Principal's Office. Napansin ko na puro sundalong armado ang nakapalibot sa labas at sa loob ng campus at may uniform din pala sila, akala ko naka-orange t-shirt lang sila. Ang uniform nila ay jacket na longsleeves na may stripes na black and white at naka slacks ang mga lalaki at ang mga babae naka palda.

Sa itsura nang iba mga mukhang basagulero talaga at meron namang mukhang inosente meron ding mukhang mabait pero hindi mo alam kung ano talagang tunay na kulay...

"Pasok." sabi ng pulis kaya sumunod ako. Mukhang ito na yung Principal's Office.

"Anong kasalanan mo?" siya ba ang Principal dito?

"Nasaksak ko po ang ama ko..." Sabi ko nang walang pag-aalinlangan at diretso. Nakatingin siya sa mga mata ko mukhang binabasa niya ako.

"Ganun ba? Mga kabataan talaga ngayon...naliligaw na kayo ng landas."sabi niya ng nakangisi.

Di ko alam pero parang ayoko mag-salita. Ayoko pag-aksayahan ng laway ang mga kagaya niyang walang alam.
Tinitingnan ko lang siya at nag-aantay nang kung ano pang nonsense ang sasabihin niya.

"Well kung wala ka naman din na sasabihin,makaka-alis ka na."ngumiti na naman siya.

tsk...plastic...

Dadalhin na naman nila ako sa kung saan...

"Dito ang building niyo...dito kayo matuto ng tamang asal hahahaha!! Dito ang classroom mo."binuksan niya ang pinto at lahat ng mata ay nakatingin sakin.

"Gen. Rosario."pagsaludo niya dito. "Kayo na po ang bahala sa kaniya sir." dagdag pa nito at umalis na.

Lumapit naman sakin ang tinatawag nilang Gen. Rosario at nginitian ako.

"Ba't naka-posas ka pa rin?" sabi niya at kumuha ng hairpin galing sa drawer ng desk niya at ginawa iyong susi sa posas.

"Ngayon...Introduce yourself..."bulong niya sakin.

Tiningnan ko siya at ngumiti uli siya...
"Ashtynne Sernichez" pagpapakilala ko. Hindi ako ngumiti at tiningnan silang lahat mula sa harapan. Iba ang uniform nila kumpara sa iba na nakita ko.

"So Ms.Sernichez,this is special class, Iba ang trato ng mga authorities sa mga special students ng Prison School...mas mahigpit."
Paliwanag niya. Napakunot ang noo ko at tiningnan ko siya ng matalim at napaatras siya at natapilok ng upuan pagka-atras niya

"Pwede ka nang maupo kahit saan mo gusto."sabi niya matapos niya
maayos ang sarili niya.

"Kahit...saan?"sabi ko at hinarap siya at tumango lamang siya.

Umupo ako kung saan ang bakante at parang nagsisisi ako dahil mukang nakakairita ang katabi ko, abot hanggang tenga ang ngiti niya at nkatingin pa siya sa akin!

"Hi Ash..."bulong niya. Ako ba yung Ash na tinutukoy niya?hindi ko siya pinansin at nakatingin lamang sa harap.

"Ako si Adrien Madrigal, nice to meet you Ash." pagpapakilala niya.
Tinitigan ko siya at nakangisi pa rin siya.

"Attention!!Kakasimula pa lang ng bagong semester niyo at dahil Special Students kayo,of course, you get special treatment!at dahil may bagong dating ipapaliwanag ko muli ang patakaran. Dapat kayong gumising ng 4:00 am para pumunta sa gymnasium para sa excercise niyo. At pagdating ng 5:00 am get ready for your homeroom class at 9:00 am breakfast,of course hindi kayo sa cafeteria kakain,doon kayo sa ginawa naming lugar para lang sa inyo.12 noon magsisimula na ang inyong 'HELL TIME'!! HAHAHAHA!! Hanggang 5:00 pm 'yon. Isa lang naman ang golden rule dito...Never ever try to escape or...you'll die..."sabi niya at ibinaling ang tingin sakin.

 Prison SchoolWhere stories live. Discover now