<PRISON SCHOOL> (ONCE YOU GET IN YOU CANT GET OUT) Isang tanyag na paaralan dahil sa mga estudyanteng nagaaral dito, dahil ang mga nag-aaral lang dito ay ang mga menor-de-edad na nakagawa ng krimen. Isang pangyayari ang magdadala kay Ashtynne Sernichez dito sa paaralang ito. Paaralan na puno ng sikreto. Walang nakakaalam ang tiyak na itsura ng loob kung taga-labas ka. At mabuti na rin na hindi mo nalalaman. Meron ditong Special Class kung saan ang mga estudyanteng nandito ay may potential na kakayahan na hindi kayang gawin ng mga normal na tao. •PRISON SCHOOL CHARACTERS• <Ashtynne Sernichez> -"Tahimik pero matinik"ayan ang tingin sa kanya nang magiging kaklase niya sa Prison School. Galit siya sa kanyang ama kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili at nasaksak niya ang kanyang ama at hindi niya iyon pinagsisisihan. <Adrien Madrigal> -Misteryoso dahil laging nakangiti at nakangisi,walang nakakaalam nang kanyang tunay na pagkatao at kung pano siya napunta sa Prison School.Para siyang laging nakasuot ng maskara at hindi pinapakita ang kanyang tunay na katauhan. <Vincent Lauron> -Isang tuso at eksperto pagdating sa mga computer,in short, hacker siya.Na-hack lang naman niya ang computer ng buong mundo,sounds impossible right?,pero nagawa niya iyong posible.Hindi siya palangiti at mainitin ang ulo.Lagi niyang nakaka-away si Adrien dahil lagi siya nitong inaasar. <Eurie Diaz> -Babaeng laging nagpapaganda at sexy lahat ng lalaki nagkakandarapa sa kaniya.Napunta siya sa Prison School dahil nakapatay siya at hanggang doon lang ang nalalaman nang nakararami. Maraming mga usap usapan ang kumakalat,lahat iyon ay pwedeng totoo at pwedeng hindi. *Hope you like it.*