16

6.9K 176 17
                                    

Jema

"So kayo na ulit ng bestfriend ko?" Sabi ni Dani sakin.

"No, hindi pa, nanliligaw palang sya." Sabi ko

"Hmmmm. Marunong ba? Hahha. Anyways, why do you wan't to talk to me ba?" Sabi nya.

Lumapit ako kay Dani at niyakap sya.

"Thank you, Dani! Alam ko na yung ginawa mo para kay, Deanna. Sobrang salamat, Dani. Ang laki ng tulong na ginawa mo sa kanya pati na din saakin." Sabi ko.

"Akala ko naman kung ano. HAHAHA. Pero wala 'yun noh! Gusto ko talaga magkaroon ng bestfriend. Kaya ayun."

"What about Vannie and Jules?"

"Well like what I've told you. They wan't power and money. Jules is my bestfriend talaga, kami nila Chu. But when we met Vannie? Wala na. Nag-iba na sya. Nakalimutan nya na, na kaibigan nya ako."

Umupo kami.

"Before nga eh. Grabe nila ako sigawan nilang dalawa. Eh sa totoo lang ako yung naka imbento nung mga ginamit namin for Deanna lalo na yung Liquid Device?? Ako lahat 'yun. Pero inalila nila akong dalawa. Kapag hindi pa tapos yung mga bagay na gagamitin sa robot ako yung sisigawan nila. As if naman kasi na alam nila yung process."

"Hindi naman talaga Doctor silang dalawa eh. Doctor quack quack kumbaga." Natawa kami parehas.

"Si Vannie nung nakilala namin sya full time hacker sya ng isang sikat na company habang si Jules coffee shop owner. Pero ayun. Nabulag din ni Vannie si Jules nun kaya simula nun isa lang ang gusto nila. Money and power even popularity. Sobrang compatible silang dalawa kasi parehas sila ng ugali. Kaya lumayo din yung loob ko kay Jules." Nakakalungkot naman.

"But nakilala ko si Deanna. Alam mo nung patay sya? Sobrang awa ako sa kanya. Kasi tulad ko minamanipulate lang. Ang kaibahan lang eh programmed sya at ako naman tao ang kumokontrol sakin. Hindi nga ako makalabas ng laboratory namin eh. Kasi iniisip nila na tatakas ako. For 1year preso ako ng sarili kong field which is laboratory." Naiiyak na sya.

Inabutan ko sya ng tissue box.

"Kaya nung nalaman ko ang plano nila ni Vannie na ipaparent ulit nila si Deanna sa isang mayaman na babae. Hindi ko na kinaya 'yun. Kaya humingi na ako ng tulong kay Chu para makatakas ako. Hindi kasi registered ang house ni Chu sa government but sya ang owner nun. Malabo ring akalain ni Jules na nasa puder ako ni Chu kasi ang alam ni Jules nasa Nigeria si Chu together with his family. And tinataguan rin ni Chu si Jules dahil hindi na talaga sila magkasundo even before."

"Kaya yung ginawa ko since marunong sa hacking si Chu pinapatay ko ang mga CCTV ng mga daan na madadaanan namin and ako naman pinatay ko ang system sa laboratory lahat. Tapos hinack ko ang cotrols sa bahay dahil si Vannie lang ang may access dun. But I  did my best para makatakas kami."

"Nung nakatakas na kami gamit ko 'yung Raptor ko na hindi registered, though registered sya pero sa iba nakapangalan at yung taong yun ay may Raptor rin. Kumbaga alam ng government na dalawa ang Raptor car nya."

"Tapos ayun. Right away naghanap ako ng healthy na puso para kay Deanna and kinabukasan dumating agad. Tinanggal ni Chu ang Liquid Device kay Deanna. At ako naman ay nilagay ang heart sa kanya. Muntik pa nga matuluyan si Deanna eh."

Nanlaki ang mata ko.

"Kasi right away nag-react ang katawan ni Deanna sa heart kaya dalawang beses na hindi nagpump ang heart nya. Pero no choice ako ilang beses ko sya ginround tapos CPR lahat na and buti naman nagarticipate na si Deanna. And halos 4 months din syang na-commatose after ng surgery."

My Absolute Girlfriend (gxg) ) (Completed)Where stories live. Discover now