19

6.2K 183 10
                                    

Jema

"Uhm? Love? Eto? Magugustuhan 'to ng Mama mo diba?" Sabay pakita ng isang dress.

"Oo." Bigla nyang nilagay sa cart. Nagtaka naman ako.

"Baby, ang dami na. OA na." Sabi ko.

"Para may multiple choices si Mama mo?" Alinlangan nyang sagot.

Natawa nalang ako.

Dami na nga nyang kinukuha eh. Tatlong pares ng hoodie para kay MaFe tapos kung anu-anong damit para Mama at Ate.

"7pm ang sinabi ni Mama sakin, Baby. So. Let's go?" Sabi ko.

"Aren't we gonna get some foods?" Sabi nya.

"No need, Baby. Nagluto si Mama." Sabi ko.

Actually hindi alam ni Mama na si Deanna ang dala ko. Sinabi ko lang na kasama ko ang manliligaw ko.

"Desert?" Sya.

"Nag-bake daw si MaFe ng Cake eh. Tapos may ginawa din si Ate na coffee jelly daw." Sabi ko.

"Appetizer?"

Hinawakan ko sya sa pisnge nya.

"Baby it's fine. Besides, you have a lot of loots to give. Sobra na'to." Sabi ko.

Napabuntong hininga nalang sya.

"Ok, Love."

Pumunta na kami sa counter.

Naka-formal sya ngayon. Black jeans and plain black shirt then navy blue coat. Tapos Nike black sneakers. While me just a floral dress.

Nagbayad na sya ng mga pinagkukuha nya.

"Uhm, Love. Dito ka lang muna ah?" Sabi nya nang pagbuksan ako ng pinto.

"Saan ka na naman?" Sabi ko.

"Basta, Love. Mabilis lang. Dito ka lang, 'wag ka lalabas." Sabi nya.

"Ok."

Deanna's POV.

Habang naglalakad ako papunta sa flower shop nag research ako ng magandang flower na ibigay sa Mother ng nililigawan.

Sabi naman na It should be Red roses while Pink naman daw sa mga babaeng kapatid.

Alright!

"Hi Ma'am! What flower po ang kukunin nyo?" Sabi nung babae.

"Uhhh. Meron ba kayong Red and Pink roses?" Sabi ko.

"Opo naman."

"Ok I'll take bouquet of Red roses while dalawang 4 Pink roses stems. And pabalot nalang lahat."

"Roses, coming right up!" Sya.

Wait! Kulang pa! Si Jessica!

"Uuhh Miss? Additional flowers pa pala. Uhm..."

What does she like?

My Absolute Girlfriend (gxg) ) (Completed)Where stories live. Discover now