17

6.6K 183 11
                                    

Jema

Napatingin ako sa wrist watch ko. 7:30 na pala. Ang haba ng Surgery time. Nakakapagod.

Pagpasok ko ng room ko nagulat ako dahil madilim sa loob. Luh!

Pag-open ko ng ilaw nakita ko si Deanna. Ayun. Tulog.

Lumapit ako sa kanya at kiniss ang forehead at pisnge nya. Tumabi ako sa kanya at niyakap sya napagod talaga ako seryoso.

Mamaya ko na sya gigisingin.

Pumikit ako. Hindi ako inaantok. Gusto ko lang magpahinga.

"Hmmm? Love? Bakit hindi ako ginising?" Sabi nya.

Tatayo na sana sya pero pinigilan ko sya.

"Dito lang muna tayo, Baby. Napagod ako." Humiga ako sa chest nya.

"Ok. If that's what you wan't." Niyakap nya ako.

"Love? Alam mo may sumusunod sakin kanina, dalawang babae. Tapos nung nagda-drive ako may sumusunod na car sakin."

Napatingin ako sa kanya.

Naalala ko yung dalawang kutong lupa na kaibigan ni Dani. Kaibigan kuno.

"Ano mukha nila?"

"Yung isa maputi. Yung isa medyo maitim parang kasing kulay ni Chu? Tapos parehas silang malaki yung mata. Mas matangkad lang yung isa. Yung isa short hair yung isa long hair."

Aba. Parang silang dalawa talaga yun ah. Hmmm??

"Baby, 'wag ka nalang sumama kahit kanino ha? Kapag hindi mo kilala 'wag mo pansinin ha?"

"Ok, Love. Are you tired na ba? Gusto mo mag paorder nalang tayo ng kakainin natin?" Sabi nya.

Tumayo na din ako. Kinuha ko ang gamit ko na kinuha naman nya sa kamay ko.

"Hindi. Dinner tayo." Lumabas kami na maglaholding-hands.

Binati ako nung mga Doctors at Nurses na pang-night shift.

Pagkalabas namin sa parking lot nakita ko paikot-ikot ang ulo ni Deanna.

"Wala na yung mga nasunod sakin." Sabi nya.

"Dapat lang."

Baka masabunutan ko pa silang dalawa. Napairap ako.

Bigla akong niyakap ni Deanna.

"Love, 'wag ka na ma-stress. Hayaan mo na sila. Hindi naman ako mawawala sa'yo." Kinindatan nya ako.

Bola amp! Nako! Deanna Wong. Subukan mo lang talaga.

Hanggang sa makarating kami sa mall.

Tumitingin si Deanna ng bagong damit. Pampasok nya daw.

Hindi pa naman magsisimula ang Med School nya pero gusto nya na daw bumili ng gamit nya.

"Love, sakin ka na kaya tumira? Wala naman kasi akong kasama sa bahay na iniwan sakin nila Dad." Sabi nya.

"Hmm? Baliw ka na naman ba?" Natawa ako.

"I'm serious, Love. Ang laki ng bahay namin. Well bahay ko na pala 'yun. Tapos wala naman akong kasama. Nakakatakot nga eh. Sige na, Love. Please?" Sabi nya.

Wawa naman ambebe.

"Sige na. Oo na." Sabi ko.

Napangiti sya at nag-Yes.

Aalagaan ko narin ang batang 'to. Lalo na papasok ulit malamang hindi nya maaasikaso ang sarili nya.

"Mag-grocery tayo, Love. Walang laman na pagkain 'dun eh." Tumango ako.

My Absolute Girlfriend (gxg) ) (Completed)Where stories live. Discover now