Chapter Twenty Three

1.2K 65 13
                                    

"Anong plano mo?" Tanong sa akin ni Nay Lucy. Matutulog na kami ngayon. Sinama nga niya ako rito sa Kawit, Cavite at pinatuloy sa bahay ng kapatid.

Mabait sila parehas. Parehas na biyuda na at tanging mga anak lang ang kasama. Si Nay Luzviminda, ang kapatid ni Nay Lucy ay may tatlong anak pero lahat ay nasa abroad. Tanging mga katulong lang ang kasama ni Nay Luz. Si Nay Lucy naman, nasa Candelaria, Quezon ang kanyang bahay at naroon ang natirang anak na mag-aasawa na rin.

"Bukas ay uuwi ako sa Candelaria." Tumango siya sa akin.

I sighed. I don't have a concrete plan yet. I want to plan everything according to my will and power, but I know that there is a greater force that will eventually interfere so might as well I'll just go with the flow.

Ilang beses ko na bang sinubukang planuhin ang buhay ko? At may nangyari ba? Wala... Palagi'y dinadala ako ng Makapangyarihang Kamay patungo sa isang landas na hinanda Niya para sa akin.

Kung dinala niya ako kay Nay Lucy o si Nay Lucy ang dinala niya sa akin, sino ako para kumontra at tumutol?

"Hindi ko man alam ang nangyari sayo pero nais kong tulungan ka." Sabi ni Nay Lucy.

Tahimik akong tumingin sa kanya. I have seen her kindness enough to trust her. Ever since I saw her, I found a deep fascination on how she approached me and how she's willing to help. Kakaunti na lang ang mga taong may totoong kabaitan at isa si Nay Lucy doon. Pero, nangingibabaw din sa akin ngayon na baka maging pabigat ako sa kanya pag nagkataon.

"Tapos ka na bang mag-aral?" Tanong niya nang hindi ako umimik.

"Katatapos ko lang po ng senior high school, Nay. Uh..."

Tumango siya at tinignan ang sugat ko na ginamot niya muli kanina at ngayon ay may gauze na at gamot.

"O sige, magpahinga ka na. Bukas mo na isipin kung nais mong sumama sa akin paluwas sa Candelaria." Aniya at ngumiti.

"Salamat po," I said as I laid down.

Masama ang pakiramdam ko at masakit ang aking katawan. Marahil na rin sa nagpaulan ako at may sugat pa. Pagod rin pero kahit ganoon, hindi agad ako makatulog.

Hindi ako mapakali. Malaki ang iniwan kong problema sa Maynila. Nangungulila rin ako sa iniwan kong siyudad. Tila ako naglalaro ng isang board game na hindi ko naman alam kung paano laruin. Tila ako nakikipagpatintero sa isang hindi nakikitang nilalang.

Tumagilid ako palayo kay Nay Lucy, ayaw kong marinig niyang iyak ako nang iyak. Nasasaktan ako. Iyon ang totoo. Parang dinudurog ang pagkatao ko.

It's the only thing I can do now, cry silently as I think about Jace and all the possible outcome of what I did.

Kinaumagahan, maaga akong gumising. Kakaunti lang ang tulog ko at hindi ako mapapanatag kung hindi ako tutulong sa mga kasambahay na maghanda ng almusal.

Mabait din ang mga kasambahay at madaldal. Kahit papaano naman ay napangiti nila ako.

"Naku, alam mo ba puwede kang maging artista! O kaya ano ngang tawag 'don? Yung sa TV? Hose! Ayon! Hose!" Ngisi sa akin ng pinakabata sa kanila.

"Host." Ngiti ko.

"Ay parehas lang 'yon! Sosyal lang pagkakabigkas mo." Tawa niya. Nakitawa rin ang iba pang mga kasambahay.

"Ito na ba ang pandesal?" Turo ko sa nilagay niyang mga pandesal sa isang malaking bowl.

"Ah! Oo iyan. Ilabas mo na sa dining."

"Hoy! Lagot tayo, bisita yan ni Madame Lucy." Ani ng isa.

"Hindi, ayos lang." Ngumiti ako. "At hindi naman ako bisita. Napulot lang ako sa bus station."

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon