Chapter Thirty

1.3K 72 3
                                    

Pag-uwi namin ng Manila, agad kaming dumiretso ni Jace sa kanyang penthouse sa BGC. Nasa pinakatuktok iyon ng isa sa mga mamahaling high-rise residential building sa BGC. Sakop niya ang buong 47th floor. Mayroong direct elevator access at tanging siya lang ang makakaakyat doon.

Mangha kong tinignan ang malinis at malaking penthouse. Pinaghalong puti, black, grey at brown ang kulay doon. Mas lamang nga lang ang puti. Ang disenyo ng penthouse ay masusing pinag-isipin, ito'y may kaukulang kakaibang disenyo at moderno. Kahit sa mga furnitures at iilang mga frames na nakasabit ay maayos ang pagkaka-organisa. Mula rito ay kitang-kita ko ang malaki at malawak na terrace. Babasagin ang lahat ng nakapaligid sa penthouse, giving us a view of the skyscrapers. Napapalibutan ng terrace ang buong living room, dining area at kitchen.

Ang flooring ay puro puti at gawa sa marmol. Sa bawat sulok ng penthouse ay mayroong touch ng itim at mga dim lights at blinds.

Sa kitchen, malawak ang bawat space at ang mga marmol at kahoy na shelf ay maganda tignan sa mata. Malawak ang sink at mayroon pang dalawang maliit sa may counter top.

Ang mga upuan naman sa dining ay puti lahat. Ganoon din ang fur carpet roon. May maganda ring vase roon na mukha talagang mamahalin.

All the passageways are characterized by a ceiling light beams, and modern sensor. It has four bedrooms and a big master bedroom, dinala agad ako roon ni Jace at pinakita ang koleksyon niya ng sapatos.

Naalala ko tuloy ang mga sandali noon. Marami siyang sneakers noon pa man. Naalala ko ang paglalaro nila nina Solter at ang mga panonood ko.

The good old times.

Nilahad niya sa akin ang halos anim na palapag ng kanyang sneakers, rubber shoes at leather shoes. Lahat branded at malinis tignan. Ang iba ay naka box pa. Umupo ako sa tapat ng tukador niya at pinanood siya roon na masayang kinekwento sa akin ang tungkol sa mga sapatos niya.

"Kamusta pala sina Alliana?" Tanong ko.

"They're good." Tumango siya. "Do you want us to go to them? Or to have some dinner?" Tanong niya.

"Kung puwede. Oo sana..."

He nodded. "Okay. Sasabihan ko sina Solter. I hope he's free."

"Hmm, is he a doctor now?"

He shook his head and changed the topic to his plans for tonight. He wants me to visit his company with him.

Tumango ako. Gusto ko ring tignan ang office niya.

Gusto kong makita ang naging mundo niya habang wala ako. I must say that I'm proud of him. He has endured a lot too. Kaya nga nang malaman ko na ayos na sila ng ama, tila ba isang pangarap ko ay natupad na rin.

Nang mag alas singko ay niyaya niya akong maghanda para sa dinner namin mamaya. Pumunta kami sa kitchen na magkahawak ang kamay.

Binuksan niya ang ilaw doon.

Magkaharap kami. Sinuklay niya ang buhok ko at bumaba ang dalawang kamay sa aking baywang. Tumingala ako sa kanya at ngumiti.

Parang ang sarap na lang na manatili kaming ganito. Tunay ngang wala na akong maihihiling pa sa buhay kong ito. By now, I realized that I have a better control over my life now.

"We could stay like this forever..." Bulong ko kay Jace.

"Yeah... Would you like to spend your forever with me?"

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon