Chapter Thirty Four

1.3K 69 27
                                    


I dedicate this chapter to you moody_goddess

Thank you so much sa support hehe.

---

"Anika, anong sinasabi mo?" Galit na utas ni Jace at tinignan si Anika na ngayo'y medyo maluha-luha na.

Hindi ako nakagalaw at tila ba sinakluban ako ng palumpon ng itim na ulap at direktang tinapat sa akin ang kulog at kidlat. Halos wala akong marinig at nanlalamig ang aking mga kamay. Kung hindi lang ako hawak ni Jace baka kanina pa rin ako napasubsob sa sahig.

Nanlamig talaga ako pagkarinig ko sa mga salitang iyon. Nandidilim ang paningin ko at ang tibok ng puso'y hindi na maawat na.

You know that feeling that you know something is not right and you just froze there, realizing your doom?

Son? Anak nila ni Jace? May anak si Jace?

Hindi binanggit sa akin ni Jace na mayroon siyang anak o naanakan. He told me he was faithful to me during those 7 years that we are apart.

Kaya paanong nagkaanak sila?

"Please, let's talk somewhere else." Si Anika. Binalingan niya ako at tila nagmamakaawa. Nag-iwas ako ng tingin, hinahanda ang sarili ko sa mga possibleng sakit na maaari ko pang maramdaman.

"S-sige, Jace. Mag-usap k-kayo. Puwede akong mag taxi." Sabi ko at tumango.

Mahigpit na hinawakan ni Jace ang kamay ko at matigas na umiling. Bumaling siya sa akin, ang mga mata'y direktang nakatingin sa akin at tila binalutan iyon ng galit ngunit higit sa lahat ay pag-aalala. Umigting ang panga niya at hinigit ako palapit sa kanya.

"No. Stay here with me." Mariin niyang sabi sa akin. Tila takot na makawala ako.

"Let's talk and settle this, Anika." Malamig na utas ni Jace.

Hindi ako sanay na ganito siya... Hindi ako sanay na tila bato siya at walang pakialam sa paligid.

Tumango si Anika at nilagpasan kami, tinuturo ang mas pribadong parte ng venue.

"Race, you're coming with me." Sabi sa akin ni Jace.

I am not sure if I want to... I just want to go home now and shut my eyes. Maybe I'm dreaming... Maybe I'm living in a nightmare.

I want to stop the pain. I want to go away.

I want to say it, but it seems like I lost my voice. Nanghihina na lang ako, nawawalan ng lakas. May anak siya...sa iba...

"Race," Marahang hinaplos ni Jace ang kamay ko, binabalik ako sa realidad.

Tumango ako at naglakad kami palabas. Sinusundan si Anika patungo sa may bahagi ng venue na walang tao at tahimik.

Sa bawat paghakbang na ginagawa namin, mas lalong bumibigat ang dibdib ko at mas lalong nag-aapoy ang namumuong galit sa dibdib. Hindi ko alam kung para saan o para kanino iyon. Ilang taon din akong hindi nakaramdam ng galit at ngayong nararamdaman ko, naninibago ako.

Pakiramdam ko, hindi ko puwedeng maramdaman iyon ngayon lalo pa sa sitwasyon.

Anika seems nice... If I were a mother like her, I'd do the same thing. Hahanapin ko ang tatay ng anak ko.

Humarap sa amin si Anika. Madilim na madilim na at ang ilaw mula sa malayo ay hindi sapat para makita ko nang maigi ang mga mata ng bawat isa.

"Let's get this straight, Anika." Malamig na utas ni Jace hindi pa rin binibitawan ang aking kamay.

Kissing my Limits (Good Kiss Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon