Chapter 50 | A Drop of Blood

1.3K 94 17
                                    

The Titans positioned their self when six Phantoms suddenly showed up. Nagtatakha man kung bakit anim lang ang lumabas ay binalewala nila na lang, ine-expect nila kasing naghahanda si Irish ng maraming Phantoms para labanan sila dahil palace naman ito ng mga Phantoms, kaya bakit anim lang ang nagpakita?

They didn't let their guard down as the Phantoms surrounded them.

"Where's Nix?" tanong ni Trisha kay Lemon na nasa tabi niya lang.

Nakatayo lamang sila sa gitna at hinihintay na maunang umatake ang mga Phantoms.

"He followed Musa," sagot ni Lemon habang nakatingin ng masama sa mga kalaban.

Habang binabantayan nila ang mga galaw ng Phantoms ay nakaramdam si Lemon ng hangin na tumama sa kaniyang balat at sa buhok niya, may kasama iyong bulong na sigurado siya ay si Sky. Matapos niyang marinig ang utos ay tumango lang siya bilang sagot bago siya nag-anyong ibon at saka mabilis na lumipad palayo.

Nang makalabas siya ng palace ay nilibot niya agad ang buong isla upang hanapin si Musa at si Nix, hanggang sa mapunta siya sa kagubatan ng isla. Kumunot ang nuo niya habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng buong kagubatan mula sa himpapawid, dahil ang alam niya ay walang buhay at makulimlim ang kagubatan, bakit nababalot na 'yon ng yelo ngayon?

Nahagip ng kaniyang mga mata ang dalawang taong hinahanap niya kaya naman mabilis siyang bumaba upang harapin ang dalawa. Napatigil ang dalawa sa paglalakad nang biglang mag-anyong tao si Lemon sa harapan nila.

Tinignan muna ni Lemon si Nix bago niya binalingan ng tingin si Musa. Hindi makatingin sa kaniya ang dalaga dahilan para mapairap siya. Alam niya ng nagkabati na ang dalawa dahil sa nakikita niya ngayon, hindi nga lang niya alam kung saang panig ang dalaga.

Hindi niya pa rin ito kayang patawarin, kahit na mukhang napatawad na ni Nix si Musa. Kailangan niya ng oras para kalimutan at patawarin ang dalaga. The betrayal is still fresh in her mind and heart, it can't be forgotten that easily, it needs time, a lot of time.

Napansin niya ring umikli na ang buhok ng dalaga, ang dating buhok ni Musa ay abot hanggang bewang, ngayon ay hanggang balikat niya na lang, at mukhang hindi magaling ang gumupit niyon sa kaniya. Mayroon kasing mga iilang hibla ng buhok niya na mahaba at mayroon ring maiksi.

Sunod na bumaba ang mga mata ni Lemon sa mga kamay ni Musa na ngayon ay wala ng posas, ngunit kapansin-pansin ang markang iniwan no'n.

Ngumiwi si Lemon at saka bored na tumingin kay Nix. "They're currently fighting seven Phantoms, including Irish."

"Then let's go, we'll help them," sabi ni Nix bago niya inilabas ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bulsa.

"No," pagpigil ni Lemon. "May gustong ipagawa sa atin si Nath."

Nix's brows met. "What is it?"

"We need to get Rain out of the magic circle." Binalingan muli ni Lemon ng tingin si Musa. "Can you tell us what are they planning to do?"

Nag-aalinlangang tumingin si Musa kay Lemon habang nilalaro nito ang kaniyang kamay. "T-They're planning to transfer the soul of the Phantom Queen into Rain's body, and when that happens, the Queen will be able to control her body and own it along with her magic."

Napatango ng dahan-dahan si Lemon matapos niyang marinig ang sinabi ni Musa. "Anong mangyayari kung nailipat na 'yung kaluluwa ng reyna sa katawan ni Rain?"

Musa's eyes suddenly filled with fear as she met Lemon's eyes.

"The Queen will rise and destroy the world with the power of the Blue Dragon..." Musa licked her dry lips before she continued, "Kapag nangyari iyon ay may tatlong kapangyarihan na ang reyna, kasi dati nila na itong nagawa. Malakas rin ang babaeng inalay nila noon, may taglay ang babaeng kanilang inalay noon na makita ang hinaharap at ang nakaraan, 'yon ang narinig ko sa pag-uusap nila limang taon na ang nakakaraan."

Scales of ChaosDonde viven las historias. Descúbrelo ahora