Chapter 51 | Fear

1.2K 95 14
                                    

Rain felt her body being suck down by some sort of water, like she was underwater. Pero nakakahinga naman siya ng maayos, kaya naman nagda-dalawang isip siya kung nasa ilalim ba talaga siya ng tubig o hindi. Iminulat niya ang kaniyang mga mata upang sagutin ang katanungan niya, ngunit imbes na tubig ang unang bumungad sa kaniya ay ang dati nilang bahay ng kaniyang ina ang agad niyang nakita.

"W-Where am I?" she asked herself after seeing her surroundings.

She landed softly on the ground in front of her old house. Nakatitig lamang siya roon na para bang natatakot itong pumasok sa loob. Natatakot rin siya dahil hindi niya alam kung paano siya napunta rito. Luminga-linga siya sa paligid ngunit wala naman siyang nakitang iba pang mga kabahayan maliban na lamang sa kaniyang bahay noon.

Bumalik muli ang mga mata niya sa bahay nila ng kaniyang ina noon at napagdesisyunang pumasok sa loob. Nang makapasok ay napakuyom na lamang siya ng kaniyang kamay nang maalala ang mga sandaling magkasama pa sila ng kaniyang ina.

Tumigil ang kaniyang mga mata sa kuwarto nila noon at lumapit doon habang nakakunot ang kaniyang nuo. Dahan-dahan niyang tinulak ang pinto nilang gawa sa kahoy upang mabuksan iyon. When she finally opened it, nakita niya ang kaniyang ina na nakaupo sa dati niyang kama habang may inaalong isang batang babae. She then looked at the child and smiled when she recognized who that child is.

Ang saya-saya niya dati, ngunit nang dahil sa bangungot na nangyari sampung taon na ang nakalipas ay nagbago ang lahat...

"Sleep, my darling safe and sound
For in this river all is found..."

Nanubig ang kaniyang mga mata nang marinig muli ang tinig ng kaniyang ina. Dahan-dahan siyang napahawak sa kaniyang bibig upang pigilan ang mga hikbing gustong lumabas mula roon.

Nakita niyang hinaplos ng kaniyang ina ang pisnge ng bata bago ito hinalikan sa nuo. Nagtangka siyang lapitan ang kinaroroonan ng ina ngunit bigla na lang nandilim ang kapaligiran, dahilan upang mapaatras siya sa takot.

Luminga-linga siya at napatigil lamang nang makita niya muli ang babaeng nakita niya noon sa kaniyang panaginip. Nakatalikod ulit iyon sa kaniya pero wala na itong hawak na espada, ngunit naroroon pa rin ang mga bangkay ng kaniyang mga kaibigan.

Humugot siya ng malalim na hininga at saka itinago ang nanginginig niyang kamay sa likod niya, sunod niyang iniwas ang kaniyang tingin. Hindi kaya ng sikmura niyang tignan ang mga bangkay ng mga itinuring niya ng pamilya, kahit na isang buwan pa lang silang nagkasama. She treated them like a family... her new home.

Maliban sa takot, ay may iba pa siyang nararamdaman. Nararamdaman niya ang kakaibang mahikang nakapaligid sa babaeng nasa harap niya ngayon, napakalakas ng mahikang iyon at puno iyon ng kadiliman.

Biglang nanginig ang kaniyang katawan at nagsi-taasan ang kaniyang mga balahibo nang dahan-dahang gumalaw ang babaeng nasa harapan niya. Napaatras na lang siya nang dahan-dahan iyong humarap sa kaniya...

"Dive down deep into her sound
But not too far or you'll be drowned..."

Nanlaki kaagad ang kaniyang mga mata matapos niyang makita ang mukha ng babae. Namumutla ang balat at labi nito na parang wala na itong natirang dugo sa katawan, maiitim ang kaniyang mga mata, at nakasuot ito ng itim na gown na may dungis pa ng dugo. Mayroon ring itong suot na itim na korona sa kaniyang ulo.

Mas lalo pa siyang kinilabutan nang ngumiti ito sa kaniya.

Napalunok siya dahil sa takot.

Tinitigan niya talaga ang mukha ng babaeng nakaitim para makasigurado. She can't believe what on she just saw...

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now