Chapter 14

70 3 0
                                    

"No.. No! There's just no fucking way!"

I got exposed. Alam na niyang takot ako sa heights kaya naman eto siya at inaasar ako.

"Oh come on! Wag ka nalang titingin sa baba at diretsong tumalon!" Humalaklak pa siya na parang tuwang tuwa sa nakikita niya.

My knees are literally trembling.

Parang ang dali lang nang suggestion niya ah. Easier said than done.

I regret being here. Sana hindi ko na pinairal pride ko.

"Hindi naman mataas masiyado, Yakang yaka"

Liar!

Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa pinaglalamayan ang babaeng eto. Sabi niya hindi masyadong mataas pero parang sampong palapag siguro ang taas neto.

Fine! I might be exaggerating but it felt like it!

"Sige na Aiden! Tignan mo yung mga bata o! Talo ka pa" Sabay tawa.

God knows how hard I'm trying to stop my self from strangling this woman.

Those kids she's referring are probably locals. Parang wala lang sa kanila ang pagtalon at hindi ko na mabilang kung ilang beses na nila etong talon. They are even doing stunts that makes my stomach churn just by looking at it.

"Sige, ako nalang una tatalon. Tapos hintayin kita sa baba. Tignan mo kung paano ko gawin ha" Parang batang bilin niya sakin.

Walang alinlangan siyang pumunta sa dulo at kinindatan muna ako bago tumalon.

Nanlamig ako nang biglang nagflash sakin ang malungkot na ngiti ni Gift bago tumalon sa tulay.

Naramdaman ko nalang na parang nanginginig ang buong katawan ko. Para akong kinakapos nang hininga.

Para din tumalon ang puso ko nang marinig ang sigaw ni Sanda habang bumubulusok pababa.

It was a squeal of excitement and fun.

Pero hindi iyon ang iniisip ko. I was just frozen on spot. Gusto kong maghesterikal. Paulit ulit ang scenario na pumapasok sa utak ko. Si Gift. Si Sanda.

The difference between them is that Sanda was smiling before she jump , while Gift ..

Hindi ko alam kong gaano na ako katagal sa pwesto ko.

"Aiden! Hey.. Hey"

My bloodshot eyes met Sanda. She looks worried.

"Kanina pa ako tawag nang tawag sayo mula sa baba. Hindi ka sumagot kaya umakyat ulit ako para makita ka namang tulala at nanginginig. Aiden? okay ka lang ba?"

"Hindi.." My lips quivering "Bago ka tumalon parang nakita ko din si Gift. Yung malungkot niyang ngiti bago siya tumalon sa tulay na yon. Parang bumalik saakin lahat Sanda. Parang wala akong karapatang maging masaya. Hindi ko na alam any iisipin ko."
Sumbong ko sa kanya.

Para namang naunawaan niya agad ang mga sinabi ko. Lumamlam ang mata niya.

"Oo nga pala. Tumalon nga pala yung ex mo sa tulay" Napangiwi pa siya at nagkamot nang likod nang tenga.

Bumuntong hininga siya bago umupo sa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko bago ako pinatitigan.

"Aiden.." She spoke softly. "Ilang taon ba ang nakalipas? Lima diba?"

Tumango lang ako habang nakatitig sa kanya.

"Sa tingin ko ay sapat na limang taon sa pagluluksa Aiden. Free yourself from the past. Base sa mga kwento mo tungkol kay Gift ay alam kong hindi niya gusto ang nangyayari sa iyo ngayon. Hindi ko sinabing kalimotan mo na siya. Pero sinasabi kong patawarin mo ang sarili mo. Walang may kasalanan sa nangyari. Hindi mo man nalaman ang dahilan niya alam kong prinotektahan ka niya nang matagal. Sinabi mong palagi siyang nandiyan para sayo diba? Wag mong sayangin ang efforts niya sayo noon kahit sobrang nasasaktan na siya sa pinagdadaanan niya"

I blinked my eyes because it started stinging. I know she has a point.

"Hindi ko alam ang gagawin" Amin ko.

Nginitian naman niya ako bago tumayo at nilahad ang kamay niya.

Nakatingala lang ako sa kanya.

"Lets start from jumping this cliff. Kapag nakatalon ka dito ,ibig sabihin ay pinalaya mo na ang sarili mo. Nakakatakot talaga sa una pero kapag tumalon ka na at nasa tubig ka na. Maiisip mong sobrang worth it pala at sa susunod ay hindi mo na takot gawin dahil alam mo na kung ano ang feeling. Parang sa sarili mo lang. Natatakot ka sigurong sumugal ngayon at pakawalan ang memories niya pero kapag nag take ka nang risk ay magiging masaya kana sa huli. Subukan mo lang Aiden. Hindi naman kita pinipilit. Kung kailan handa ka ay okay lang" She smiled reassuringly.

Napaawang ang bibig ko. All her words made sense to me.

Nakangiting mukha ni Gift ang nagflash sa isip ko. She was always been selfless. That's what i realized. Sa relasyon namin ay siya palagi ang nag aadjust.
Mahal na mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako. Pero siguro ay tama na. Gusto ko na din maging malaya. Pagod na pagod na ako.

"Bam.. Nakikita mo ba ako ngayon? Sana masaya ka kung nasaan ka man. Palalayain na kita. Alam kong eto ang gusto mo" A lone tear trailed down to the side of my eye.

"Okay.. Gagawin ko" i stood up and went to the edge of the cliff.

"Ako muna. Hihintayin kita sa baba" Nasa gilid ko na siya. Ngumiti siya sakin bago tinapik ang balikat ko.

I just watch in awe as i watch her fall into the water. Matagal bago siya umahon kaya kinabahan ako. Tatalon na nga sana ako dahil sa pag alala nang makita ko ang ulo niyang nag emerge pataas nang tubig.

"Woooh! Ang saya! It's your turn Aiden!" Nag thumps pa siya sakin sobrang lapad nang ngiti niya.

I took a very deep breath. Nangangatog pa din ang binti ko.

Para sayo bam..

I closed my eyes at let myself fall. I felt my blood rushing from adrenaline. Naramdaman ko ang hangin na humahampas sa mukha ko.

And when my body hit the water it felt oddly satisfying.

Lumangoy ako pataas at sumagap nang hangin. I gasp and wipe my face from the water.

"Yeeeah! Oh diba?? Ang saya! Worth it ba?" Nasa malapit ko na pala siya at ngiting ngiti sakin.

Napangiti din ako at yinakap siya. Naramdaman ko namang nanigas ang katawan niya. Hindi niya siguro inexpect. Pero wala akong pakialam.

"Thankyou.." i whispered near her ear.

Matagal bago siya nakasakot. Yinakap niya ako pabalik bago bumulong.

"Sabi ko naman sayo hihintayin kita dito sa baba eh"

I smiled and hugged her tighter. Yeah..

It was worth it..

__

Vote and comment..

LOST SOUL (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon