Challenge # 10

43.3K 2.4K 915
                                    

A bit

Leina's

"Hindi ba siya nabaril, nakita ko nabaril siya." Binubulungan ako ni Annie habang naglalakad kami pabalik ng condo. Hindi nga dapat kami babalik roon, dapat aalis na kami papunta kina Popsi para magsumbong pero sabi ni Jorge - Race putang ina nalilito na ako! May kailangan muna siyang gawin bago siya umalis ng bahay. Sinasama ko siya, ayaw niyang sumama, magagalit raw si Jorge kapag lumabas siya ng bahay. Ano iyon, magagalit siya sa sarili niya? Hindi ako naniniwala, pero, pero... ibang - iba siya ngayon...

We entered his home. Pakanta - kanta pa si Jorger - Race whatever putang ina litong - lito na ako! Iginagalaw niya pa iyong hips niya. Ang playful niya!

"Hoy." Sabi ni Annie. "Diba nabaril ka?"

"Ah, nakailag ako." Sabi na lang niya tapos tinapunan ako ng tingin. He sighed. "You're so pretty, Eleina." He said.

"Putang ina ka! Leina nga sabi!" Inambaan ko siya pero natigilan ako dahil hinawakan niya ang pisngi ko - iyong sinampal ni Jorge Baliw. "It's sore..." Mariing wika niya. "I wanted something sore on you, Leina, and it's not your cheek." Napatitig ako sa kanya, naiisip kong ang sweet pero nang maintindihan ko ang ibig niyang sabihin ay hinampas ko siya sa dibdib, bigla niyang hinawakan ang kamay ko para hatakin ako palapit sa kanya - the last time we were this close, I was sending him away, but now, he's just... so close...

"Jor-ge..."

"He can't come to the phone right now." Dahan - dahan niya akong inilayo. Kumuha siya ng ice pack sa ref tapos binigay sa akin. Pumasok siya sa isang silid - iyong may piano. Sobrang curious ko, iniwanan ko si Annie sa living area at pumasok ako sa loob ng silid na iyon. I saw him setting up a camera. Siguro naayos na niya, tumayo siya sa harapan noon tapos kumaway. Anong ginagawa niya?

"Hey, Jorge, it's me. I know you want me to stay inside and call Doc but Leina wanted me to come to her. I can't say no, Jorge. If this is you, you wouldn't say no too. We miss her, right? Don't worry. I'll get us to the bed later. And I won't drink. I'll call Doc now." He paused the video and took out his phone. May tinawagan siya, medyo matagal silang nag-usap. May kinuha siyang marker tapos sa white board sa may gilid ng bintana ay may sinulat siya. Matapos iyon ay humakbang na siya palabas.

Tumakbo naman ako at nagkunwaring katabi ko lang si Annie all along. She made a face. Mayamaya ay lumapit na si Jorge - Race sa amin. Nakapagpalit na siya ng damit. Kanina kasi very formal ang suot niya ngayon, naka-black shirt na tinernuhan ng denim jacket tapos iyong pants niya okay naman, medyo bakat iyong bur niya pero hindi ako roon nakatingin, naka-biker boots rin siya.

"Where are you taking me, Leina?" He asked in an amused tone.

"Sa tatay ko. Let's go."

"Okay!" We all exited the unit. Habang naglalakad ay kabang - kaba ako. Totoo ba talaga ito? Parang hindi. Ibang tao ba talaga siya? Parang hindi na ewan. Ibang - iba siya, iba siya sa Jorge noong college kami, bad boy rin ang dating niya noon, pero iba ang dating ng Jorge na ito ngayon. Mas may angst siya. Iyong tipong lalaking mauuntog yata ako sa headboard ng kama... Ay putang ina bakit ako ganito?!

Sumakay kami sa kotse ni Annie. Si Jorge hindi pala siya sumunod sa amin.

"Nasaan?!" Sigaw ko.

"Ate, baliw ba iyan? Hindi naman siya ganyan noong nakatira siya sa atin."

"Hindi. Hindi siya baliw. Ano ka ba?" I hissed at her. Nagulat ako nang kumatok siya sa may binta ng sasakyan. He smiled again.

Hard to HandleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon