Challenge # 12

42.4K 2.4K 403
                                    

I'm okay with that

Leina's

Pumasok kami sa loob ng bahay ng Doctor ni Jorge. Malaki iyong bahay, pero napapangitan ako kasi puro puti na may accent ng pastel colors ang nakikita ko. Walang ka-thrill – thrill iyong bahay. Saan ka nakakita ng living area na malaki pero may dalawang laz-y boy lang na nakaharap sa malaking glass window? Sobrang boring. Wala siyang alam sa design. Mukha naman siyang mayaman – Consunji – pero wala siyang pang – hire ng ng interior decorator. So, ugly.

"Jorge, give me Magnus. Mauna ka na sa office ko. Magnus, come to Mommy, yes, that's my big boy." Nang makuha niya ang bata ay hinagkan niya pa iyon sa pisngi tapos ay tumalikod na siya. She was only wearing a pair of black leggings and an oversized denim shirt. Wala siyang alahas, wala siyang make – up. Okay lang, mas glass skin ako kaysa sa kanya.

Umakyat kami ni Jorge sa second floor. May iisang pinto lang roon at palagay ko iyon ang office niya. We went inside. Bumulaga sa akin ang pader ng achievements ng Doctor ni Jorge. Muntik nang hindi magkasya ang mga certificates niya. Base sa pagtingin – tingin ko – may double degree siya, at maliban sa graduate siya ng Doctorate Degree, graduate rin siya ng Law sa isang kilalang unibersidad sa Pilipinas.

Jusko. Maria Pokpok ako kapag kay Jorge, pero sa doctor na ito. Maria Bobo ako. Cum Laude ako noong nagtapos ako ng Culinary Arts at kasalukuyan pa lang akong nagma-master's pero siya, doctor na abogada pa. Nakakaloka. Maria Bobo ako.

"Bakit ang tagal niya?" Binalingan ko si Jorge. "Paimportante ba siya?"

"Baka pinatulog na si Magnus."

"Close na close kayo noong bata, anak mo?"

"Hindi ah!"

"Oh, bakit defensive ka?" Tanong ko sa kanyang nakataas ang kilay. "O baka naman anak mo pero anak ni Race o noong iba pa?"

"Leina, hindi." Sabi niya. Naniniwala naman ako. Naiinis lang ako kasi mas marami siyang achievements kaysa sa akin. Napaupo ako sa couch sa tabi ni Jorge. Bumukas iyong pinto at pumasok na iyong doctor. May suot na siyang white na pan-doctor ngayon. She sat on her swivel chair, may kinuha siyang charts tapos ay tiningnan ako.

"You can leave now, Miss Leina." Sobrang pormal niya. Kakaiba iyong mga mata niya, sobrang itim. Ilang beses akong nag-blink bago ako tumayo at lumabas. Sa may couch ako naghintay. Alam kong magtatagal sila pero ninenerbyos ako. Hindi ko kasi alam kung anong ginagawa niya kay Jorge. Naupo na lang ako at inilabas ang phone ko. I tried to entertain myself by reading the comments in my vlogs and replying to the ones that caught my attention. Hindi ko namalayan na halos dalawang oras na pala ang nakalipas. Naalarma ako nang marinig kong sumigaw si Jorge sa loob. Napatayo ako at agad akong pumunta sa may pinto, sarado iyon, sigaw nang sigaw si Jorge. Ano kayang nangyayari? Hanggang sa may narinig akong bumagsak at kumalabog.

Iba na iyon, so I went in. Nakita ko si Doc na nakasandal sa may kaliwang bahagi ng office niya, malapit sa bintana sakto namang bumagsak sa ulo niya iyong isang frame, buti maliit lang iyon. Si Jorge naman ay nakaluhod sa sahig. Sumisigaw siya. Nag-aalala ako. Anong nangyayari. Lalapitan ko siya pero sumigaw si Doc.

"Don't!"

"Huh?" Tumayo na siya noon. Napansin kong nakalaylay ang kanang kamay niya.

"Don't, Miss Leina. Stay there." Wika niya. Siya ang lumalapit. She was taking a step forward, slowly. Sigaw lang nang sigaw si Jorge. Naiiyak ako. The Doctor tried to hold him on his neck pero tinabig niya si Doc, tumayo siya at sinakal ito.

Hard to HandleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon