TWO

38 5 0
                                    

Papunta na ako sa cafe na sinabi ni Miss Iya. Naka formal ako, long-sleeves tapos may coat pa then pencil skirt at heels na 2 inches. Business attire, malay ko ba kung anong trabaho i-ooffer sakin diba? Mamaya gawin akong secretary diba? Kung yun yung kalalagyan ko perfect na perfect tong suot ko para dun!

Biglang tumawag naman si Miss Iya.

"Miss Iya, malapit na po ako." sagot ko agad.

"Buti na lang, bilisan mo at aalis na tayo."

Huh? Baka wrong number to si Miss Iya.

"Ah Miss Iya si Julia po ito. Julia Cuevas po." paglilinaw ko.

Tumawa naman sya sa kabilang linya. "I know Julia. Kaya bilisan mo na dyan." paalala nya.

"Saan naman po tayo pupunta?" tanong ko. Baka mamaya budol to si Miss Iya eh. O kaya nangunguha ng magaganda. Rawr!

"I'll tell you when you get here. Malapit kana ba?" tanong nya.

Patawid na ako ng biglang may humila sakin dahil malapit na pala ako masagasaan. "Magpapakamatay kaba?!" sigaw sakin nung lalaking humila sakin. Tinignan ko sya, potek ang gwapo mukhang kpop artist na may pagka-daniel padilla. Woah nasa heaven na ba ako? Natauhan ako nung nag-snap sya sa tapat ng mukha ko.

"Huy? Magpapakamatay ka ba?" ulit nya sa tanong nya kanina. Potek ang gwapo nya talaga. Di ako makapagsalita. Tinitigan ko lang sya. Wait, Nasabi ko na bang ang gwapo nya? Hays. Sa sobrang inis nya sakin dahil hindi nga ako nagsasalita, naglagay na ulit sya ng mask nya na black at ibinalik na ulit ang hood nya. Ano ba to? Nagtatago? Baka kriminal to! Pero ang gwapo naman nyang kriminal kung nagkataon.

Bigla kong naalala nagmamadali pala ako! Shit yari ako kay Miss Iya! Nagmamadali akong tumawid para makapunta na agad sa cafe na pagkikitaan namin potek yare talaga ako! Mamaya hindi na ako tanggapin eh! Huhuhu mami help.

Pagdating ko sa cafe, may kumaway saking magandang babae. "Ako?" tanong ko dun sa babae. Ngumiti lang sya tapos tinawag ulit ako. Tumingin naman ako sa likod ko, wala namang ibang tao so baka ako nga yung tinatawag nya hehe. Lumapit ako dun sa magandang babae, seryoso maganda sya maputi tapos ang ganda. Pero guys mas maganda ako kaya ayun.

"Hi Julia! Naligaw ka ba? What took you so long?" sabi nya sabay beso sakin. Wow ang swerte...... nya dahil nakabeso nya ang isang magandang tulad ko. Hehehe charot ang swerte ko, ang ganda nya ihhh.

"Ah may naka salubong po kasi akong gwapo." sabi ko sa kanya, tumawa naman sya. Napansin ko na may jacket syang hawak. Pamilyar yung jacket na yun ah!

"Oh Ken, nandito na bago mong P.A!" sabi ni Miss Iya sa taong nasa likod ko. Lumingon ako para makita kung sino yun.

"IKAW?!"
"IKAW?!"

sabay naming sigaw. At dun na nagsimula ang giyera sa pagitan naming dalawa...

Alab | SB19 Ken (SLOW UPDATE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora