FIVE

26 1 0
                                    


Tapos na yung show nila, nandito ako ngayon sa isang van kasama sila. Bigla naman sumandal sakin si Justin."Argh! Kapagod! Pasandal lang Juls ah?" Wala na nakasandal na sya eh ano pang magagawa ko diba? Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Ken. Nakasandal sakin si Justin kaya nung hilain ako ni Ken, agad ko naman inalalayan ulo ni Justin para hindi bumagsak. Napatingin naman ako kay Ken.

"Bakit ba yun?"

"Punasan mo pawis ko." sabay bato sakin ng face towel. Napairap naman ako sa ginawa nya. Tsk kung hindi lang to kasama sa trabaho ko nako.

Kinuha ko naman agad yung tuwalya at pinunasan sya sa mukha. "Tsk wala ka bang kamay?" bulong ko.

Hinawakan nya naman bigla yung kamay ko na nagpupunas sa mukha nya. "Umaangal ka?" tanong nya. Umiling naman agad ako, medyo nakakatakot kasi yung tingin nya...parang tingin na ipapatanggal agad ako sa trabaho hehe.

Tinuloy ko na yung pagpupunas ng mukha nya. Hmp! Buset to. Pumasok na sa van si Miss Iya para makaalis na kami. Nandito rin yung mga PA ng ibang members.

"Uy? Kamusta naman maging P.A ni Ken?" biglang tanong sakin ng babaeng katabi ko. Sa tingin ko P.A din sya pero di ko alam kung sino ang hawak nya hehe.

"Medyo ok naman di lang kami magkasundo hehe." sabi ko sabay tingin sa katabi ko na si Ken na naka-earphones.

"Sa una lang yan! Mabait yan si Ken." Di nga? wala sa mukha ah! Parang di ko ma-imagine si Ken na mabait.

"Ah talaga? Baka nahihiya pa sya ipakita sakin yung kabaitan nya hehehe." sabi ko.

"Grace dito na bahay nyo." biglang sabi ni Miss Iya. Nagpaalam naman agad sya sakin. "Ay dito nandito na pala hahaha. Ako pala si Grace! Bye ingat kayo." sabi nya at bumaba na ng van. "Eh? Bat sya uuwi? Di sya stay-in" sabi ko.

Bigla naman umupo sa tabi ko si Justin. Kinuha nya yung seat na inupuan ni Grace kanina. "Si Grace kasi nagleave for 2 days, pero stay-in parin sya after 2 days hehe."

"Ah! P.A mo ba sya?"

"Nah. P.A sya ni Sejun at Stell." nilingon ko naman si Sejun na nakatingin sa bintana ng Van mukhang nagsesenti, si Stell naman natutulog.

"Ayun yung P.A namin ni Josh! Si Sab. Be careful, medyo masungit yan hehehe." sabi ni Justin sabay turo sa babaeng katabi ni Miss Iya na nakatingin ng masama sakin. Eh? May ginawa ba ako sa kanya?

"Eh bat siya ganyan makatingin?"

Tumawa si Justin tapos lumapit sakin para bumulong. "Crush kasi ako nyan." sabi ni Justin sabay tawa. Natawa din tuloy ako lalo atang sumama tingin nya sakin jusko po.

"Ah Julia? Malapit na ba dito bahay nyo?" Tumingin naman ako sa bintana ng kotse. "Ah opo Miss Iya! Dun po sa may Green na gate." sagot ko. Maya-maya pa pinark na ni kuyang driver yung van sa tapat ng gate na sinabi ko.

"Dito kana?" biglang tanong ni Josh na medyo nakapikit pa. Natulog siguro to. Tumango naman ako. "Bye po! Ingat po kayo." sabi ko bago bumaba ng van.

Nagpaalam naman silang lahat sakin maliban sa P.A ni Josh at Justin. Pati pala yung boss kong walang kwenta di rin ako pinansin natutulog lang. Hmp! Kahit kelan talaga.

Bumaba na ako, at pumasok sa bahay grabe nakakapagod! Sakit sa likod myghaaad magkaka-muscle ata ako neto eh. Tsaka late na rin pala, pagpasok ko sa sala nakita kong natutulog si tatay sa sofa. Tsk inantay na naman ba nya ako? Hayyy.

Lumapit ako para gisingin sya. "Tay! Dito na po ako hehe. Tara dun kana sa kwarto mo." tumayo naman agad sya at inihatid ko na sya sa kwarto nya. Talaga nga naman tong si Tatay lab na lab ako hehe.

Pagpasok ko sa kwarto ko ibinagsak ko agad yung katawan ko. Argh! Sakit talaga ng katawan ko!!! Buti na lang linggo bukas! Para makapagpahinga ako. Nagvibrate naman bigla yung cellphone ko, then I check.

Potek mukhang di ako makakapagpahinga bukas ah.

From: 09*********

Meet me tomorrow at the cafe. Dalhin mo yung mga gamit mo ipapakita ko sayo kung san ka titira. 9am, ayoko ng late.

Your poging boss
Ken.

WOW POGI??!!!! POGIIII DAW? POGIIII? TSK! Sinong pogi? Sya?!! Well......tama nga. pogi sya....

-----------
A/N: Hello ulit hehe. What do you guys think about the new cover? Maganda ba? Syempre maganda diba? Ako gumawa nyan eh HAHAHAHA.

Alab | SB19 Ken (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon