THREE

34 4 2
                                    

Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Miss Iya. Nasa harap si Ken, ako lang dito sa likod. May show daw sila sa UP fair kaya dun kami papunta. Pinaliwanag na sakin ni Miss Iya kung ano ang magiging trabaho ko. Magiging PA daw ako ni Ken. Diko alam kung anong group sila o banda, basta ayun PA nya daw ako. Stay in daw ako kaya mamaya magpapaalam na ako kela Mama. Mukhang di kami magkakasundo neto ah, masama loob nya sakin kasi akala nya magpapakamatay ako kanina. Hay jusme.

"We're here!" sabi ni Miss Iya. Woah andaming tao kahit medyo maaga pa. Lumabas na kaming lahat sa kotse. "Ah Julia, please get this and this tapos follow us." sabi ni Miss Iya sakin. Medyo mabigat tong mga dadalhin ko ah! Tsk sabagay PA naman ako, and this is my duty.

Pumunta kami sa backstage tapos may mga tent dun tapos nakalagay kung kani-kaninong tent naka-assign ang bawat tent. Pumasok kami sa tent na may nakalagay na "SB19" baka yun yung pangalan ng group nila. Pagpasok namin may mga salamin tapos maraming gamit. Tapos may mga nagpa-practice pa ng sayaw.

"Hi Miss Iya!" bati nung mga sumasayaw kay Miss Iya, hmmm infairness ang gu-gwapo din nila ah!

"Attention guys!" sabi ni Miss Iya dahilan para manahimik ang buong tent at nag-focus lahat sa kanya."Listen, this beautiful lady right here.." sabay turo sakin."Is the new Personal Assistant of Ken, so please be good to her." patuloy na sabi ni Miss Iya. Binati naman nila ako lahat.

"Ah Julia, Let me introduce you the members of SB19!" sabi ni Miss Iya sakin. Tumango lang ako, nasa harap namin yung mga apat na sa sumasayaw kanina.

"This is Sejun their leader." pakilala ni Miss Iya sakin nung matangkad na lalaking naka-braces. Ang cute nya!

"Hi I'm Sejun." masiglang bati nya sakin. Nginitian ko naman sya.

"And this is our heavenly voice, Stell." pakilala naman nya sa lalaking napaka-ganda ng mata. Ang gwapo naman.

Bigla naman bumwelo yung Stell tapos inintroduce nya yung sarili nya with a tone. "Hi I'm Stell!" woah ang taas ng boses nya ah, no wonder sya yung heavenly voice ng group! He owned it!

"Next is the most---" hindi na natuloy ni Miss Iya yung paiintroduce kasi sumingit agad sya.

"Hi I'm Josh the most charismatic member of SB19." sabi nung Josh sabay kuha sa kamay ko hahalikan pa nya sana yun ng biglang sumulpot yung isa pang member.

"Hi I'm Justin! Ako yung bunso dito hehe, pagpasensyahan mo na yang si Josh tumatanda na kasi kaya ganyan." natawa naman ako sa sinabi nya.

So far ok naman sila, sana maging okay trabaho ko dito.

Alab | SB19 Ken (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now