Kabanata 4

3.9K 103 8
                                    


KINABUKASAN, matapos kong makapag-time-in sa ground floor ay napakunot-noo ako nang makitang abala ang lahat at tila kabado sa mga pinaggagawa. Some employees were even whispering then giggling after.

"Good morning, miss Sexytary!" Pabiro pang sumaludo si Choi. Isa sa mga janitors ng building.

Tumango lang ako at bumati pabalik, sanay na sa kaniyang pagbati. Sumakay akong elevator at pinindot ang fortieth floor kung nasaan ang opisina ng boss ko. I looked at myself in the closed door. I was wearing a white long sleeves tucked in a black pencil skirt and a three-inch black heels. My hair was formally arranged in a bun.

Kinuha ko ang red lipstick sa bag na dala nang mapansing mapusyaw ang aking labi. Kahit paano ay nagkakulay ang mukha ko. Bumukas ang elevator at agad akong gumayak palabas. Napamaang pa ako nang makita ang mga board of directors ng kompanya na patungong conference room.

Wala namang meeting sa umaga ah?

Dali-dali kong inilapag ang mga gamit sa mesa bago nagmadaling kumatok sa pintuan ng CEO bago binuksan iyon kahit pa hindi ko pa narinig ang boses niya. Agad akong napatigil sa pagpasok nang kapwa lumingon sa akin ang dalawang taong magkamukha at kapwa naka-corporate attire pa.

Dang, it! It's a wrong move!

Ngumiti ako nang alanganin. Ang mata ay nakatuon lang sa nagtatakang mukha ni Sir Lindon kahit pa ramdam ko ang tagos sa titig na tingin ng kausap niya.

"U-uh. Sorry Sir. Nagulat po kasi ako na papuntang conference room ang mga board of directors. Magtatanong po sana ako kung may meeting—"

"You're the secretary, right? You must know it," singit ni Landon habang matiim na nakatitig sa akin.

Napahigpit ang kapit ko sa doorknob. Hindi ko na sinubukang ipasok ang buong katawan dahil nawawalan ako ng lakas gumalaw.

"S-sorry po. Wala po kasi sa schedule." Sagot ko nang hindi pa rin siya tinitingnan.

Sir Lindon chuckled a bit. Nagawi roon ang atensyon ni Landon. "Sorry Ms. Mercado, I forgot to tell you about it. Ite-text sana kita kagabi kaso nakalimutan ko na."

"You two were texting each other?" Malisiyosong tanong ni Landon sa kapatid.

Bago pa man sumagot si Sir Lindon ay sumingit na ako. "Sige Sir. Alis na po ako," paalam ko at hindi na sila tinapunan pa ng tingin.

Dumiretso ako sa water dispenser na nasa gilid at nanginginig na kumuha nang malamig na tubig. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko—kaba, gulat at takot. Marahan kong kinapa ang malakas na pagkabog ng dibdib. Lagi na lang itong nagwawala sa tuwing nasa paligid siya.

Bumalik na ako sa aking mesa at mas inayos pa ang sarili. Hindi ako mapakali at mapirmi! Nahulog ko ang lalagyanan ng mga ballpen sa gilid ko nang sinubukan kong ayusin pa ang maayos ng lamesa. Napamura ako sa isip bago agad lumuhod para pulutin ang mga ito.

Kabado akong lumilingon-lingon dahil baka biglang bumukas ang pinto sa aking likuran. Ang puwesto ko ay nasa gilid lamang ng pintuan ni Sir.

Nang isang ballpen na lang ang akma kong pupulutin ay biglang bumukas ang pintuan. Napapikit ako nang mariin.

"What the heck?!" Halos kulog ang boses niyon.

Nahihiya akong tumayo habang nakatalikod at kagat-labing lumingon sa nakabukas na pinto. Ngumiti ako na nauwi sa ngiwi dahil sa dilim ng titig ni Landon sa akin. Lumabas si Sir Lindon at tumungo sa likuran ko para pulutin ang huling ballpen sana na pupulutin ko kanina. Inilahad nito iyon sa akin at kabado ko namang inabot.

Ruined ✔Where stories live. Discover now