CO3。

264 77 46
                                    


JISOO

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Irene. Nanlalaki ang mata ko at halos parang mabitawan ko na ang phone ko. Pumasok uli sa utak ko ang sinabi ni Irene.

"Bale may covid ka naman diba? Hawaan mo yung ex ko. Don't worry, may gamot ako para mapagaling ka. Basta hawaan mo yung ex ko dahil sa pang-iiwan niya akin."

Nababaliw na ba siya?! Bakit niya naman naisip yun?!

Ako? Gagawin ko yun kay Suho? Hindi! Hinding hindi ko kayang gawin yun. Mahal na mahal ko yun. Masasaktan ako ng sobra. Okay nalang ako nalang ang magkaroon ng sakit na 'to.

Dahil sa inis ko, napasigaw ako. "WHAT THE HELL IRENE?! ARE YOU CRAZY?!"

"What Jisoo? No! I'm not. I'm not crazy!" sigaw na din sa akin ni Irene sa ikinagulat ko din.

"Kung hindi ka baliw, alam mo ba ang pinagsasabi mo?! Naririnig mo ba ang mga pinagsasalita mo?! Sabihin mo lang ngang nagbibiro ka Irene dahil hindi yun nakakatuwa!"

"Oo Jisoo! Alam ko kung ano ang sinasabi ko! I'm not joking! I'm dead serious, Jisoo! I'm serious about on my words!" sigaw niya sa akin. Siya pa yung galit? Bakit kailangan niya ako utusan ng ganyan?

Hindi ko namang napigilan na umiyak, "B-Bakit Irene? Bakit moko inuutusan na hawaan ko si Suho? Bakit? Bakit?!" paghahagulgol ko.

"Masakit pa din hanggang ngayon sa akin, Jisoo. Masakit pa din sa akin hanggang ngayon na iniwan niya ako. Hindi ko pa din tanggap. Ang hirap." sagot niya.

"Pwede mo naman ipadama sa kanya na mahal na mahal mo siya Irene! Hindi yung ganito! Parang papatayin ko na din si Suho kung gawin ko yun! Nakakamatay ang coronavirus, Irene! Tsaka magkakaroon ako ng malaking kasalanan kapag gawin ko yun!" sigaw ko sa kanya.

"Kahit naman ipadama ko sa kanya Jisoo eh alam ko namang hindi niya na ako babalikan! Dahil may mahal na nga siyang iba! Pero please.. gawin mo na. Mahal ko siya.. pero galit na galit ako sa kanya." parang nagmamakaawa niyang sambit.

"Mahal mo nga.. pero bakit ganito Irene? Nauunahan ka ng galit kaya naiisip mong hawaan ko siya. Napakadelikado ng sakit na 'to, Irene." sermon ko sa kanya.

"Oh! So are you saying na mas kinakampihan mo pa si Suho sa akin?! Bestfriend mo ako di'ba?! Akala ko kampi ka lang sa akin?!" parang naiiyak niya na din na tanong kaya nagulat ako. "Talaga bang mas importante pa sa'yo yang ex ko kesa sa bestfriend mo?"

I love your ex Irene.. kaya hindi ko kayang gawin yang inuutos mo.

"No Irene! No! Wala akong kinakampihan! Kayong dalawa ang importante sa akin! Pero.. sobrang sobra naman kasi yang binabalak mo eh. Hahawaan ko ng sakit yung tao?! Hindi ka ba naaawa, Irene?!" sigaw ko sa kanya.

"Siya?! Naaawa ba siya sa akin nung iniwan niya ako?! Napakawalang hiya niya! May gumugulo palang babae sa utak niya ng naging kami? Sobrang mahal na mahal ko siya tapos iiwan niya lang ako?!" naiiyak niyang sambit.

"Naiintidihan naman kita Irene. Pero ang daming paraan para hindi ka na tuluyang magalit sa kanya." kalmang sambit ko.

"Sabihin mo nalang na hindi mo kayang gawin, Jisoo! Magpapahawa nalang lamang ako sa ibang tao! Tsaka ako na ang gagawa!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the hell did she say?! Nababaliw na ba si Irene?!

"Ano?! Seryoso ka ba?!" galit kong tanong sa kanya.

"Oo! Ako nalang, Jisoo! Ako nalang! Mukhang ayaw mo naman akong tulungan! Bestfriend nga kita, pero mukhang wala ka namang kwenta!" sa sinabi niya.. ramdam kong kumirot ang puso ko.

coronavirus | jihoWhere stories live. Discover now