C22。

113 28 7
                                    


SUHO

Halos napaupo nalang ako sa sahig ng naiiyak ako sa sulat na binasa ko na galing kay Jisoo. Nabitawan ko ang hawak kong sulat at napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko inakala na ganito ang rason niya. Hindi ko inakala na ganito ang katotohanan. Ngayon na alam ko na ang lahat.. na matagal na siyang may coronavirus. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya dahil mahal ko siya. Dapat na nga akong magalit sa kanya dahil hinahawaan niya ako, pero hindi ko magawa. Nagagalit ako kay Irene ngayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang damayin si Jisoo sa aming dalawa.

Hanggang ngayon ba ay nagagalit pa din siya sa akin? Sana naman pinalaam niya sa akin ang nararamdaman niya. Hindi yung dinamay niya si Jisoo sa kalokohan niya. Bakit kailangan ganon? Hahawaan pa ako ni Jisoo dahil may galit pa siya sa akin? Hindi pa pwedeng patayin niya nalang ako ng diretso?

Pero bakit ganon si Jisoo? Mahal na mahal ba talaga ako ni Jisoo kaya niya tinaya niya ang buhay niya para sa akin? Yung mga gamot na para sa kanya eh pero sa akin niya binigay lahat lahat? Hindi niya na alam na nasasaktan at nahihirapan ako kapag nilalagay niya ang sarili niya sa kapahamakan na para lang sa akin? Dapat hindi niya nalang ginawa yun at sana nagpagaling nalang siya ng tuluyan.

Bakit hindi niya sinabi sa akin agad agad? Bakit siya natatakot sa akin? Pero bakit kailangan niya akong protektahan ako sa sakit na yan? Siya dapat ang nagpapagaling ngayon. Edi sana hanggang ngayon buhay pa siya.. edi sana hanggang ngayon.. hindi siya nagkakaganito. Hindi naman magkakaganito ang lahat nang dahil sa akin eh. Hindi naman yan iuutos ni Irene kay Jisoo ng dahil sa akin.

Parang hindi ko maiwasang magalit ng tuluyan kay Irene. Bakit niya ba dinamay si Jisoo? Bakit sa lahat.. kailangan niyang utusan si Jisoo na hawaan ako ng sakit niyang yan eh kailangan niyang gumaling. Bakit ba hindi niya nalang ako pinatay kung ganyan siya sa akin? Pero ang nakakapagtaka.. pumayag nga si Jisoo. Pero bakit niya pa nilagay ang buhay niya sa kapahamakan? Di'ba dapat ako ang mahihirapan tulad niyan? Pero.. bakit niya prinotektahan ang buhay ko? Ganon niya ba talaga ako kamahal at nakakalimutan niya na ang sarili niya? Dapat hindi niya nalang ginawa yun dahil sobra akong nasasaktan.

Napapasabunot nalang ako ng tuluyan sa buhok ko. Hindi ko matatanggap na ganito. Ang sobrang sakit. Kahit gano na kalala ang sakit ni Jisoo nung time na yu'n, mas inuna niya pa ako at hinayaan niya ang sarili niya. Nagpapanggap siya na okay lang siya pero sa kalooban niya, nahihirapan na pala siya. Pero ang tanga ko at hindi ko man lang napansin yun. Wala lang akong kwenta.

Umiyak lang ako ng umiyak dito, at nararamdaman ko ang kirot sa puso ko. Parang hindi ko talaga makakaya na mawawala si Jisoo sa buhay ko. Hindi ko makakaya na mamamatay na siya. Hindi pa kami nakakapagsama ng matagal. Gusto ko pang ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal ng sobra. Tsaka gusto ko din na magmamahalan pa kami sa isa't isa. Pero ang sobrang sakit sa akin dahil mukhang nagpapaalam na taga siya sa akin at mukhang gusto niya ng magpahinga dahil hindi niya na talaga kaya na nahihirapan siya ng dahil sa akin.

Pero hindi niya ba alam na masasaktan ano ng sobra pag iniwan niya ako, kami ng mga kaibigan niya, ang mga parents niya?

Importante siya sa akin eh. I love her so much. Ngayong araw lang 'to na nalaman namin sa isa't isa na mahal pala namin ang isa't isa. Masaklap pa, sa araw pa na nagpapaalam na sa akin si Jisoo.

Hindi ko mapigilan maiyak na naman ng sobra dahil naaalala ko na naman siya. Yung mga oras na nakakasama ko siya. Bakit ba ang unfair ng buhay? Gusto ko pang makasama si Jisoo ng sobrang matagal. At sa ngayon, mukhang hindi ko yata makakaya mabuhay na wala na si Jisoo. Mababaliw na yata ako. Tsaka lalong lalo na si Irene ang may kakagawan ng lahat ng 'to para mas lalo pahirapan ang taong mahal ko, hindi ko ba alam kung magiging mabuting tao pa ba ako.

coronavirus | jihoWhere stories live. Discover now