C19。

107 24 5
                                    


SUHO

Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nararamdaman kong maaga na talaga yung nararamdaman ko na ang init ng araw. Humikab naman ako at inayos ko ang sarili ko. Napansin ko yatang ang tahimik, yun pala hanggang ngayon ay tulog pa si Jisoo. Nakakapagtaka lang.. lagi naman siyang maagang magising. Bakit ngayon? Okay lang naman yun.

May sakit pa siya eh kailangan niya magpahinga ng mahaba para talaga hindi na siya mahirapan.

Tinignan ko naman siya at nakita kong nakatalikod siyang natutulog sa kanyang kama kaya hindi ko makita ang kanyang itsura. Pero okay lang.. wag ko nalang muna siyang distorbohin at alam kong magigising naman siya maya maya.

Naisipan kong ayusin ang pinagtulugan ko dito sa sofa at pumunta na agad ako sa kusina para maghanda ng aming breakfast. Tinignan ko nalang ang refrigeretor niya at kumuha lang naman ako ng mailuluto ko doon. Luluto nalang ako ng chopsuey para naman makatikim uli si Jisoo ng gulay. Importante yun sa kanya.

Ginawa ko na ang kailangan kong gawin. Pagkatapos kong linisin ang mga gulay, nagpakulo muna ako ng tubig ng 15 minutes tsaka ko na doon nilagay ang mga gulay tsaka dinagdagan pa ng ibang preservatives. Tsaka nagluto na din ako ng kanin sa rice cooker. Nandito lang naman ako at hinihintay na maluto 'tong chopsuey. Medyo matagal din 'tong maluto eh.

Habang naghihintay ako dito, nilipat ko ang tingin ko kay Jisoo at hanggang ngayon ay natutulog pa din siya. Hays. Hindi ba siya magigising? Maya maya eh kakain na kami at kailangan niya pang uminom ng gamot niya. Huminga lang ako ng malalim.. gigising din yan si Jisoo. Binahala ko nalang ang sarili ko sa niluluto ko at hinintay ko nalang yun maluto.

Tsaka maya maya din ay naluto na ang niluluto kong mga pagkain. Matagal din akong naghintay dito. Hinanda ko naman yung chopsuey at kanin sa dining table dito. Pero bago yun, hinugasan ko muna ang lahat ng utensils na ginamit ko sa pagluto. Tsaka na ako naghanda ng eating utensils namin sa mesa para sa gagamitin namin ni Jisoo. Kakain na kami ngayon eh.

Pagkatapos kong ihanda ang mga iyon, napatingin nalang ako kay Jisoo at nagtaka ako lalo na tulog pa din siya hanggang ngayon at ganun pa din ang position niya. Wala ba siyang planong bumangon diyan? Anong oras na kaya? Tsaka medyo matagal din naluto 'tong niluluto ko at hanggang ngayon ay tulog pa din siya? Quarter to eight na. Kailangan niya ng kumain.

Huminga nalang ako ng malalim. Wala akong magawa at kailangan ko nalang siyang gisingin. Kailangan niya na talagang kumain.

Dahan dahan naman akong lumapit doon at umupo ako sa gilid ng kama niya. Tsaka ko siya yinugyog ng mahina para maramdaman niyang ginigising ko siya, "Gising na Jisoo, kailangan mo ng kumain. Maaga na." nakangiti kong paggigising sa kanya habang yinuyugyog siya ng mahina.

Pero nagtaka ako na hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising at gumagalaw. Kaya nawala ang mga ngiti sa mukha ko. Bakit ganoon?

Kaya medyo kong nilakasan ang pagyugyog ko sa kanya para sigurado talaga na hanggang ngayon ay tulog pa din siya, "Jisoo.. gising na. Kakain na tayo. Iinom ka pa ng gamot." nagmamadali kong sambit sa kanya habang yinuyugyog siya.

Mas lalo naman akong nagulat at kinabahan ng nakita kong hanggang ngayon na ganon pa din siya at hindi siya gumagalaw. Hindi pa din siya nagreresponde sa akin. Anong nangyayari sa kanya? Bakit parang pakiramdam ko.. ang lamig niya?

Mabilis ko siyang hinarap sa akin at halos nanlaki ang mata ko ng nakapikit pa din siya. Halos bumilis ang tibok ng puso ko ng nakita ko ang sobrang lapsi ng mukha niya at natataranta naman akong hinawakan siya at ang sobrang lamig niya. Hindi ko namang maiwasan mataranta. Hindi.. bakit ganito?! Bakit siya nagkakaganito?! Hindi naman yata pwede yung iniisip ko di'ba?!

coronavirus | jihoWhere stories live. Discover now