2 : Night Encounters

99.3K 2K 247
                                    


April 18, 2020

I love you yesterday. I love you today. I love you tomorrow.

- Janine Boromeo

-----

Janine

My job is to help people get well even in the expense of my own physical strength. Pagod na pagod na kami pero todo bigay parin kaming lahat. Pangatlong araw na ng medical mission.

" Doc Ja paubos na po iyung amlodipine at losartan na dala natin" Wika sa akin nung nurse ko.

I sighed

" Ilang boxes pa nito ang natitira?" Tanong ko

" Mahigit kumulang isang kahon nalang ng amlodipine at ganon din ang losartan" Wika niya sa akin.

Napatingin ako agad sa pila. Last day na sana namin ngayon nguniti dahil sa dami ng mga dumarating pa ay pinagdesisyunan ng team na magextend pa ng isang araw.

" That will do for this day. Mukhang hindi naman lahat ay kailangan ng maintenance na gamot. Don't worry" I assured the nurse. Pinagpatuloy namin ang pagcheck up sa mga tao. Kahit mainit ang panahon ay tuloy parin kami.

" Doctora Boromeo" My gaze averted to Dr. Ibarra who came just to hand me a bottle of water.

Nakangiti ko itong tinanggap.

" Iniwan mo nga pasyente mo dun para lang dito. Pero maraming salamat Doc Ibarra" Nakangiti kong wika sa kaniya. Siya naman ngayon ang ngumiti sabay kindat pa sa akin.

" Rest when you feel tired. Bawal ka ng mapagod ng sobra ngayon" He even said. I want to roll my eyes but I stopped myself. Madaming tao na nakakakita sa akin.

I know. He was the one who read and interpreted the results of my labs. Everything was okay according to him except for my hemoglobin count. Masyado daw mababa. I guess this is what I get from sleeping late at night and over working.

" Okay Doc. No problem" Wala na akong magagawa pa. He's my doctor now. Kahit alam ko namang alagaan ang sarili ko dahil doktor din naman ako. I can perfectly treat this. This is also the reason why I get to forget things sometimes. It's because of over fatigue and stress.

Dahil napaka OA niya, siya na bumili ng mga gamot ko. Ang dami niyang biniling mga gamot. Siya na din gumawa ng diet ko. Plinano na nga niya lahat ng dapat kong kainin sa araw araw.

" Bumalik ka na kaya dito Doc. Isa lang pasyente mo diyan oy, dito marami!" Rinig naming sigaw na ni Vana. Tumingin ako kay Ibarra sabay ngiti.

" Sige na. Kailangan nating magdouble time ngayon dahil last day na natin dito sa site. Bukas sa ospital na tayo para sa mga maooperahan" I told him. Pinili namin iyung ospital na kaibigan nung ospital namin sa Manila. Medyo malayo nga lang kaya naghire pa kami ng tatlong van para sa mga pasyenteng dadalhin dun. It's a lot of work but at the end of the day, we know it's worth it.

Nakita ko kung paano siya huminga ng malalim sa sinabi ko.

" I think I need more time for my OR" He said truthfully.

Ako naman ngayon ang napaisip na din. We don't have any choice anymore. We can no longer extend the medical mission for a day more. Masyado na kaming matagal dito. Mapipilay na ang ospital sa Manila.

" As much as I want to extend it a day more, we cannot do it anymore. Hindi na tayo papayagan ng ospital sa Manila" I told him. He nodded.

" I can only do three or four surgeries tomorrow Ja. Hindi pa sigurado iyung pang-apat. I already saw their CT scan results and I'm going to need a lot of time tomorrow for each patient" He honestly told me.

Doctors' Order (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon