Chapter 2

1.7K 59 0
                                    

Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko rito sa puder ng mga Pasia. Hindi naman mahirap ang mga gawain sa loob ng bahay dahil si Mia naman talaga ang focus ko rito. Magaan silang pakisamahan at walang problema ang makisalamuha sa kanilang lahat.

Noong una hindi ko akalain na magtatagal ako dito ng isang Linggo dahil sa pang-iinsulto ni Bryce. Hindi ko alam kung bakit siya gano'n, hindi lang sa akin kundi sa ibang kasambahay din. Nagulat ako kase hindi mommy ang tawag niya kay Ma'am Raia kundi ang pangalan lang nito.

Isang linggo na ako rito at walang araw na hindi ako ininsulto ni angry bird. Kinukutya at pinipikon. Bahala siya wala akong pakialam sa kanya. 'Di ko naman siya maintindihan sa pag pa english-english niya.

"Ate, ang lalim naman ng iniisip mo," puna ni Mia sa akin. Tiningnan ko ang d'nrawing niya sa papel at nakita kong maayos naman at maganda.

"Bakit kasi parang galit sa mundo ang Kuya mo, Mia?" tanong ko at binalik ko ang mata sa bintana ng kanyang kuwarto.

"Ganyan talaga si Kuya, Ate. Mabait siya pero minsan wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya."

"Anong minsan? Palagi kamo-" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil may kumatok sa pinto kaya minabuti kong isara ang bibig ko.

"Pwede ka nang lumabas. Ako na ang magbabantay kay Mia." Biglang sulpot ni angry bird na pinapalayas ako.

Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito parang tanga 'to.

"Kuya, iiwan mo lang din naman ako dito kapag lumabas na si Ate Cha eh." Angal ni Mia. Tama naman siya. Parang kupal itong Kuya niya. Pinapaalis ako tapos kapag lumabas na'ko ay lalabas at iiwan niya rin naman si Mia sa loob.

"Mia, tawagin mo na lang ako sa kusina 'pag iniwan ka ng Angry Bird, ah?"

"Anong Angry Bird?!"asik niya.

"Ah, wala alis na ako."

Tumayo na ako at aalis pero bigla na lang akong natumba dahil hinarang ni Bryce ang kanyang mga paa sa paa ko! Dahan-dahan akong tumayo sa tinignan siya ng masama. Bumuga ako ng hangin bago umalis.

Bakit ba gano'n siya? 'Di ko naman siya inaano ah. Masyado siyang papansin sa buhay! Pati kapatid niya dinadamay niya sa kalokohan niya.

Pumunta ako na lang ako sa kusina para makatulong sa naman sa gawain, kaya lang ayaw ni Manang Tes na tumulong ako do'n sapagkat habilin ni Sir na kay Mia lang ako mag aalaga.

Pupunta na lang ako sa hardin at para naman makapagpahangin. Hindi naman gaano ka init dahil hapon na.

Hindi pa ako nakakalayo sa bahay ay may tumawag na sa'kin kaya naman napahinto ako.

"Cha!" Tumalikod ako para harapin si Jeralyn na tumatawag sa akin. Nakabihis siya ng maganda. May make-up din ang mukha pero 'di makapal kaya mas lalong tumingkayad ang ganda niya.

"You wan't to go with me? Shopping tayo!" Masaya niyang yaya sa akin. Tinignan ko ang sarili ko sa repleksyon sa salamin na nakikita ko sa 'di malayo.

"Wala akong magandang suot, Je. Atsaka walang mag babantay kay Mia kung aalis ako," malungkot kong tugon sa kanya.

Naging ka close ko rin si Jeralyn dahil siya palagi ang nagtatanggol sa akin sa Kuya niyang Angry Bird. Sa totoo lang ngayon lang ako nagkaroon ng mayamang kaibigan na hindi masahol ang pag-uugali.

"Tara dali!" Hinila na ako pabalik sa taas.

"Teka lang, saan tayo pupunta Je? May gagawin pa ako. si Mia walang kasama."

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now