Epilogue

1.9K 60 10
                                    

"Cha, doon kana pumasok sa pinapasukan namin ni Kuya. Maganda doon. Anong year ka na ba?" Jeralyn asked her in a friendly tone.



Lips apart, she didn't know what to react or what to say. Halatang gulat siya. Tinitigan ko lang siya, nag hihintay kung anong susunod niyang sasabihin. She looks fragile and kind of innocent. Gano'n pa man, wala akong pakialam dahil ang kinalakihan niyang pamilya ang rason kung bakit namatay ang Mommy ko.



"First year college, second year na dapat ako pero huminto ako dahil sa kahirapan ng pamumuhay namin. At 'wag na pala, okay na ako sa pampublikong paaralan. Mahal at ma gastos ang pribadong paaralan na pinapasukan niyo." Tuloy-tuloy niyang paliwanag. I smirked hearing those freaking words coming from her. What an incredible woman declining a great opportunity.

"Tsss, mag t-trabaho ka naman dito 'di ba? Edi 'yon yung gagamitin mong pang gastos" puna ko sa kanya.

I wanted to tell her how rich she is. But damn, wala akong pakialam sa buhay ng ibang tao.

"Hindi magiging sapat iyon dahil gagamitin ko 'yon sa pang araw-araw na gastusin ng mga kapatid ko at sa gamotan ni Nanay."

"Bakit ikaw ang nag t-trabaho sa inyo? Wala bang silbi ang Tatay mo? Anong klaseng pamilya ang mayroon ka?!" Pang-iinsulto ko sa kanya.

Nabitawan niya ang kubyertos dahil sa sinabi ko. She's gritting her teeth, halatang nasaktan sa sinabi ko. Why? Totoo naman, ah. Tinaas niya ang tingin sa akin. Namumula na ngayon ang mga mata niya at nababakas ang galit sa hitsura.

"Wala akong karapatan na sagutin ka sa mismong mapapamahay mo dahil katulong lang ako dito at anak ka ng amo ko. Pasensya na pero wala ka ring karapatang pag salitaan, bastusin, husgahan at kwestiyonin ang pamilyang mayroon ako!" She turned her back after that.

"Oh where are you going? Bastos ka talaga ano?!" Sita ko bago pa man siya makaalis.

"ENOUGH!" Umalingawngaw ang sigaw ni Dad sa hapag. "Leave, Bryce!" Galit niyang utos.

"Then I'll go! Ganyan naman kayo palagi eh. Mali ko lahat!" Padabog akong nag martsa paalis doon at dumiretso na sa parking lot kung nasaan ang kotse ko. Fuck, I need to refresh up!

Since my Mom died, I've been like this. Walang kwenta sa mata ng halos lahat. Nakalimutan ko na kung paano ngumiti ng tunay at tumawa ng may galak sa puso. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Nang mag-asawa si Dad at nagkaroon ako ng mga kapatid medyo naging maayos ako. Sa kanila ko lang naipapakita ang ngiti ko na hindi ko alam kung tama ba. Tanggap ko sila, but their Mom, I can't address her the way it should be. I just called her by her name alone.

Kilala ako sa pagiging walang respito. Galit sa mundo, galit sa lahat. Magkasalubong na ang mga kilay ko kapag kaharap ko na ang mga tao. The pain and hatred slowly eating me up. I'm getting toxic.

"Bro, ang ganda naman ng yaya ni Mia."

Napatingin ako kay Renz sa tabi ko, pareho kaming gumagawa ng draft.

"The hell I care?" Cold kong sinabi.

"You don't like her? Come on, Bryce. She's gorgeous and hot! Seryoso ka ba? hindi ka man lang na attract sa kagandahan niya? She look innocent and pure. Wala pang make-up maganda na, ano pa kaya kapag naayusan?!"


"Hindi ko nga gusto! Ligawan mo kung gusto mo!" Galit kong sinabi at inayos na ang mga gamit para lumabas na ng room.

"Aba, maganda siya pero mahal ko si Dhalal. Walang magagawa ang ganda ng iba kapag pumuso ko ay tumibok na sa isa." Sumunod pala siya sa akin papunta sa Cafeteria.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now