Chapter 10

1.2K 46 3
                                    

Last day of exam. Medyo kabado ako ngayon kaysa sa mga nag daang araw. Kailangan kong makapasa at maka-kuha ng mataas na marka sa taong ito.

Ang hirap pa naman dahil may malaking cartoon mask sa mukha namin para sigurado na hindi makakakopya sa katabi. Tanging test paper mo lang ang makikita mo, kahit mag ling-linga ka ay wala kang makikita dahil may folder sa magkabilang gilid mo.

Only you and your test paper in the world.

Sobrang hirap ng exam na 'to ah. Unang tanong palang alam mo nang bagsak ka na, Yawa! Ganoon pa man kahit paano ay naalala ko ang mga ni-review ko kagabi.

"Transfer na ako next year. Sakit sa bungo ng exam na 'yon." Inis na sabi ni Shan nandito kami ngayon sa Starbucks, katatapos lang ng exam kaya nang libre si maninay.

"Masakit ba talaga ang exam o masakit kasi may takip ang 'yong mukha?" Tanong ni Etyl.

"Oh, anong connect?" Sabay taas ng kilay ni Shan.

"Knowing you, masakit pepe mo 'pag 'di ka naka kita ng pogi!" Balik na sagot ni Etyl sa kanya. Muntik na niyang mabuga ang kape dahil sa sinabi nito.

"What the fuck?!"

"Kadyut. Amputa, maharot ka tapos nag tatanong ka kung ano ang fuck?" Sarcastic na tugon ni Etyl, tumahimik na si Shan 'di niya papatulan 'to dahil mapapahiya lang siya sa bibig ng kaibigan.

Kapag talaga magsama-sama kami ay walang tatahimik, pwera nalang kapag sobra-sobra na ang pinagsasabi ni Etyl. Mas pinipili naming manahimik nalang. Ang sagwa ng bunganga niya!

"Hey, Shan!" Bati ni Patrick. "Dito rin pala kayo. Hi, Girls!" Bati niya rin samin. Akala ko si Shan lang babatiin niya.

Nitong mga araw lagi silang nag-aaway ni Shan ewan ko lang. Lagi niya kasing iniinis syempre 'di papatalo si Shan kaya papatol talaga. Tsss

"'Bat ka na naman nandito ha?! Are you stalking me?" Inis na inis na naman siya kaya natawa kami.

"Hoy! 'Wag kang feeling. Si Charelle pinunta ko dito uy!" Sabay upo sa tabi ko. "Hi, Cha." He smiled at me as usual tango lang binibigay ko sa kanya. Napaka chixboy kase!

"Anong si Charelle? Gagu ka ba? Si Kuya patungo rito kaya umayos ka!" Banta ni Jeralyn sa kanya.

Napatingin ako sa entrance ng Starbucks at papasok na sila Bryce. Agad nagsalubong na naman ang kilay niya at pinukol ang masamang tingin kay Patrick na nasa tabi ko sumisimsim ng kape.

"Sabi ko nga, kape ang pinunta ko rito." Tumayo na siya at dumiretso sa banda ni Shan at pinanggigilan ang pisngi nito. "Bye girls!" Ayon lang at nag martsa na paalis. Loko talaga.

"Why he's with you?" Supladong tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Bakit kita sasagutin? 'Di tayo bati." Sabay simsim ko sa kape na nilibre ni Shan.

Kanina pa kasi siya, simula sa bahay 'di niya ako pinapansin. Galit pa rin siguro sa sinabi ko kagabe. Kanina ko pa siya kinakausap sa kotse pero parang hangin ang kausap ko. Parang tanga ako r'on. Kung galit siya sabihin niya. 'Di 'yong ganyan siya. Galit din ako kaya bahala ka.

"Damn it! Why are you being like this?" Bahala ka diyan.

"Hey, talk to me!" He demanded

"Cha..." Hinawakan niya ang siko ko at hinarap ako sa kanya. "Problema sa'yo kung galit ako galit ka rin, sino maglalambing sa'tin? Barkada mo?" Anak ng butiki!

"Ay bweset! Ang laki mong tao, nagpapalambing ka pa?!" Grabe siya uy! Si Mia nga 'di na kailangan lambingin e. Napaka arte talaga nito.

"'Yang bibig mo puro ka mura. Kababaeng tao e!" Sita niya sa'kin.

One Way to You (Architect Series #1) [Self-published]Where stories live. Discover now