💞Chapter 21💞

53 2 0
                                    

Pagpatuloy

Necole pov

ang kanyang apo na malayo.
Lola Wanita: Apo, bakit Hindi sumama yong apo kung maliit at yong Nanay mo?
Nicole: naku, Lola ayaw sumama ni Nanay kasi napaka busy sa trabaho at Hindi nya rin ipasama sa akin Yong kapatid ko baka pabayaan ko lang daw.
Lola Wanita: hayss.. Ilang taon na yang Hindi umuuwi yang Nanay mo Nicole ha...!! Sino nag babantay aa kapatid mo wala kanaman doon?
Nicole: dinadala naman ni Nanay sa trabaho nya eh..
Lola Wanita: ganun parin ba trabaho nya?
Nicole: Oo, ganun parin poh..
Humaba pa ang paguusap ng mag Lola ng mag paalam na sila Roy at Andrea.
Andrea: Lola,ate aalisna kami ni Kuya Roy.
Nicole: Sege, ingatan mo yang pinsan ko Roy ha... Pag may nangyari sa kanya, kakalbuhin kita :)..
Roy: Opo, Madam....
Andrea: Kuya, Patrick wag mo din pabayaan si Ate Nicole, ha!!
Patrick: Opo, Madam....
Lola Wanita : Andrea, wag masyadong makulit kay Kuya Roy mo ha..
Andrea: Opo Lola!!
Lumabas na sila sa bahay Pero sa likod sila dumaan para di sila maharang ni Tito Joey na medyo lasing narin.
Roy: sandali Andrea malayo PABA ang Perya dito?
Andrea: naku, kuya malapit lang kaya...
Nang makarating na sila sa perya nandon na pala ang mga kaibigang babae ni Andrea na nag hihintay at tulalang nakatitig sa kanila.
"Eheemm.. Sino yang kasama mo Andrea?"
Sabi ng kaibigan nito.
"Wow, k-pop?"
"Ang gwapo nya grabe, pakilala mo naman kami sa kanya Andrea"
Andrea: hmmp.. Sya si Kuya Roy, mga kaibigan ko pala kuya Roy, Si Katherine, Julia, Jean at si Maria.
Roy: hai, sa inyo mga girls.. :) :).
"Hoi, Andrea kunan mo nga kami ng picture, kanina mo pa naman sya kasama ehh.."
Andrea: :( naman ehh.. Hindi pa nga kami nag pipicture Ni kuya Roy ehh...
"Wag kana, mag likramo dyan, kunan mo na kami ng litrato. Sa gitna ka Kuya Roy".
Roy: okay.
Nang matapus ang kanilang Selfie party ay pumasok na sila sa perya at namasyal.
Roy: Grabe ang kukulit nyo ha. Ano gusto nyong kainin ililibre ko kayo. :) :)
" gusto naming kainin, ikaw kuya!!! Ang kakainin namin"
Sabaysabay silang limang nag sabi.
Roy: haha, kaya nyo ba ako?
Andrea: Oo naman kuya!! Gusto mo nuhatin kapa namin tapus ihagis sa kanal eh! :D :D
Roy: hahaha, oo na malakas na kayo..
Katherine': kuya Roy, gusto ko yong cotton candy.
Julia: sa akin, Mani yong may balat ha, tapus mainit.
Jean: sakin, popcorn tapus nay Juice.
Maria: Barbeque sa akin. Dapat marami ha.. :)
Andrea: sa akin simple lang, fishball,kwek2 at crispy chicken..
Roy: grabing order ah... Pwede bang isang order lang?
Andrea: Hindi pwede kuya, dapat bilhin mo lahat yon, tapus dalhin mo dito. Ikaw naman nag offer na kung anong gusto namin eh..
Roy: hayss.. Nakakatakot pala kayong pagbigyan ng pagkakataon.:( Sege na dito lang kayo bibili lang ako ha.. :) .
Maghintay kayo dito!
.....
Nagsimula nang mag hanap si Roy sa kanyang bibilhin, nabili naman ng walang kahiraphirap lahat ni Roy ang hinihingi ng mga kaibigan ni Andrea. Papalakad na sana si Roy papunta sa kinauupuan nila Andrea nang mabangga nya ang dalawang lalaki at tumilapon ang kitsup ng barbeque sa kanila.
Roy: naku pasensya na poh, Hindi ko poh sinasadya.
"Anong pasensya!! Binangga mo kami, tapus tinapunan mo pa ng kitsup ang damit namin, tapus pasensya?!!"
"Tanga ka ba!! O tanga ka talaga!!! Ang laki-laki naming tao Hindi mo nakita!! "
galit na sabi ng dalawa.
Roy: hayss.. Pasensya na talaga Hindi ko sinasadya, pupunasan ko nalang..
Kukuha na sana nang panyo si Roy ng itulak sya nang malakas, kaya napaatras ito at muntik ng matumba.
"Wag mo kaming idaan sa mga ganyan ha..!!"
"Pre meron na naman tayong gagawing punching bag na katawan!!"
Pananakot nang dalawang sigaw.
Roy: ako!! Nag pasensya na ako sa inyo, kaya wala na akong kasalanan kung magkatamaan tayo ng suntok ha.. Ako na nga itong nag magandang loob kayo pa ang galit!!, kita naman na kasalanan ninyo diba.. Pasensyahan nalang tayo ha..
"Andrea, parang si Kuya Roy yon ah. Baka binubully na naman ng mga siga dito sa atin :(" sabi ni Jean .
Andrea: Oo nga si Kuya Roy, puntahan natin !!
Nag mamadali ang Lima na tumakbo para puntahan si Roy dahil marami naring tao ang nakatingin sa kanila.
Andrea: Kuya Roy, Tara na hayaan mo na yang mga basagulero!!
"Hoi, bata wag kang makialam dito ha, Pangit !!!"
"Haha. Bata ba yan pre, mukha na ngang INA eh.. Na may sampung Anak,wahahaha"
Nagtawanan ang dalawang siga.
Katherine: Andrea, pangit ka daw :/ !
Julia: Tsaka, mukaha ka daw nay sampung Anak!!
Andrea: :( :( , kayo ang pangit, sege kuya bogbugin mo sila!!! Grabe sila kung manlait sa akin!! :( :(..
Maria: Oo nga kuya Roy!! Siga-sigaan sila dito sa lugar namin!!
Jean: nangbubully sila ng hindi lumalaban na tao!!
"Tara, bigyan natin nang pasa na hinding,Hindi nya tayo makakalimutan"
"Sege sa likod ka, ako naman sa harap, team work lang ha.."
Roy: hmm.. Sugod na mga Kuting!!
"Tarantado, kuting daw tayo!!"
"Yeaaaahhh,yahh. "
Sunod- sunod ang sugod ng dalawa pero Hindi nila matamaan si Roy, dahil magaling itong umilag.
"Abah!! Magaling tong umilag ah, tikman mo tong bilis ko!!"
" parang si Local Jackie Chan to ah.. Okay.. Gagamitin ko ang Jet Li moves.. Watah!! Yahhh!!"
Pagsugod nang dalawa nakailag ulit si Roy at doon na sya nagkaroon ng pagkakataong sumugod, kaya na sapak ang dalawa sa pisngi, at natumba..
Andrea: yeeeheeey!! Natumba ang dalawang kutin!! Kawawa!!
Jean: ang galing naman ni Kuya Roy kung makipag suntukan!!
Maria: nakakahanga Si Kuya Roy:) :)
Julia: Hmmp.. Sana sya na yong hinahanap ko, Yong kaya akong ipagtanggol.
Katherine: ang super hero ko dumating na. Jusko in love na po ako!!..
Sa pagtumba ng dalawa, nainis ito at kinuha ang kutsilyo sa kanilang bulsa at itinutok kay Roy.
"Tignan natin ang galing mo sa patalim namin"
"Butas,butas yang katawan mo, gagoo ka pinahiya mo kami ha!!"
Napasigaw ang mga nanunuod dahil may mga patalim na hawak ang dalawang siga, kaya dali-dali na silang tumawag ng barangay tanod.
Roy: Wow hanep!!! Dalawa na nga kayo at malalaki ang katawan nyo, may dala-dala pa kayong patalim ha!! Nakakahiya naman pala..
Sumugod na ang dalawa para saksakin si Roy pero mabilis talaga Si Roy kaya walang nagawa ang dalawa, inisa-isa ni Roy na pinag iipit ang mga kamay nito para matapon ang patalim, sipa,suntok ang natanggap nang dalawa mula kay Roy. Pagkatapus dumating din ang mga tanod at hinuli ang dalawang siga.
Andrea: Ano ha..!! Puro lang naman kayo porma eh.. Mamang tanod hulihin nyo na yan.. Iiyak na oh!!
Jean: Ang galing mo talaga papa Roy!!
Maria: hmmp... Sayang yong binili ni Kuya Roy, natapon lang..!!
Julia: Oo nga eh.. Nasaktan kaba kuya Roy?.
Katherine: Umuwi na tayo, girls baka, balikan tayo ng nga kasama non!!
Roy: Hindi naman ako nasaktan eh.. Mabuti pa ngang umuwi na tayo..
Nag paalam na ang mga kaibigan ni Andrea at bukas nalang daw sila mamasyal dahil gabi narin daw. Sila Roy at Andrea naman ay umuwi narin.
Samantala sa bahay nila Nicole kaharap na ni Tito Joey si Patrick at nagsimula na silang nag inuman.
Patrick: grabe, naman pala lasa nang tanduay, hoooooo....
Nicole: haha.. Basta dito sa lugar namin Patrick, usong- uso yang Tanduay .
Tito Joey: Patrick ngayon ka lang ba nakainom nito?, sandali nasan na yong kasama nyong isa?
Nicole: Naku Tito!! Niyaya na naman ni Andrea na mamasyal sa perya, baka maya-maya nandito na sila..
Tito Joey: Nicole , magsabi ka nga nang totoo sino ba sa dalawang tisoy ang Boyfriend moh?
Nicole: Naku Tito, wal.......
Hindi na matapus ang pagsasalita ni Nicole nang magbsalit si Patrick.
Patrick: ako poh, ako ang nobyo ni Nicole, Tito.
Nicole: Hindi poh,.. Tito nanliligaw palang sya..
Patrick: hmmp.. Hinding,Hindi ko po sasaktan si Nicole at mamahalin ko poh sya..
Tito Joey: ano ba talaga ang totoo? Naguguluhan na ako sa inyo ha..
Nicole: hmmp.. Basta Tito malalaman mo rin ang totoo. Ipagpatuloy nyo nalang ang pag-inom
Patrick: Tagay Tito, magpapakalasing tayo ngayon!!
Tito Joey: Oo, magpapakalasing tayo..
Nakaubos na sila ng isang bote bago pa dumating Si Roy at Andrea. Masaya naman ang dalawa sa pag kokwentuhan dahil sa nangyari.
Patrick: ayan na sila oh...
Nicole: kamusta ang pamamasyal nyo? Parang nawili ka ata Roy sa pamamasyal kay Andrea ah.. :)
Tito Joey: Tisoy!! Baka kung saan mo dinala si Andrea ha...
Roy: naku Hindi po.. Sa perya lang kami pumunta ng mga kaibigan nya..
Andrea: Oo nga po, Tito. Alam nyo ba ate Nicole. Binugbog ni Kuya Roy yong dalawang siga sa atin. Ang galing,galing ni kuya makipag suntukan.. :) :)
Tito Joey: Mamaya na yang kwento nyo, umupo na muna kayo at inumin mo to Roy!!
Tinanggap ka agad ni Roy ang Baso at nilagok ang tanduay.
Roy: Ahhhh.. Grabing alak to ah.. Ang tindi naman!! Ang pait grrrr..
Andrea: dapat kasi kuya pag tapus mong inumin tong tanduay , uminom kakaagad ng tubig.. Haysss :/.
Roy: pasensya na ngayon lang ako nakatikim ng ganitong alak eh..
Napatawa nalang ang lahat sa reaksyon ng mukha ni Roy na parang masusuka. Lumipas pa ang mga oras at nakaubos na sila ng dalawang long nick na tanduay, tinatamaan din ng alak si Patrick at Roy.
Nicole: Hoi!! Roy, Patrick kaya nyo PABA?!!
Andrea: Hahaha... Mahina pala to sa inuman eh.. Kung ganyan kayo Hindi nyo matatalo si Tito Joey :D :).
Roy: kaya ko pa!!!
Patrick: kaya ko pa din!!
Tito Joey: sege tagay lang marami pang inumin dyan!!
Napapatingin minsan si Roy kay Patrick at Nicole dahil magkatabi sila at nag kukulitan. Ang katabi naman ni Roy ay si Andrea na nakadikit palagi sa kanya.
Andrea: ate Nicole, ang sweet nyo ni Kuya Patrick ahh. Kayo naba?
Napatigil ang dalawa na nagkukulitan dahil sa tanong ni Andrea, pati si Roy ay Napa titig na sa kanila at naghihintay sa sagot ng dalawa.
Nicole: hmmmmp.. Naku Hindi pa nga nanliligaw to tapus, kami na agad ang swerte nya ha..
Patrick: hayaan..mo Andrea baka bukas malaman mo na ang sagot :) .
Tito Joey: tagay pa!!!
Andrea: bagay naman kayo eh.. Maganda si Ate tapus si Kuya Patrick naman gwapo. :) :)
Roy: Itagay mo nalang yan Patrick!!
Patrick: tagay!! !!!
Nicole: hmmp.. May logic ako sa inyo..
Andrea: sege ate, masaya to!!
Nicole: may isang bata na naligaw at may dalang pugad ng ibon. Kaya nilapitan ng dalawang lalaki para tanungin kung ano ang pangalan nito.
"Sabi ng dalawang lalaki, bata anong pangalan mo?" Sagot naman ng bata " Kung ano Yang pandinig nyo at ano tong bitbit ko at ilan kayo, yan ang pangalan ko" . Ang tanong ano ang pangalan ng bata?
Nag-isip na muna sila.
Patrick: hmmp.. Ang hirap naman nyan Nicole.
......
Andrea: ate naman, hindi ko makuha ehh...
Roy: sandali narinig ko na yan.. Hmmp.. Nakalimutan ko. Ano ba ang sagot?
Nicole: Hindi ko sasabihin, pag isipan nyo ah. Kung ano :) :)..
Andrea: ang daya ni Ate !! Ikaw Kuya Roy meron kabang logic?
Roy: may pamilyang Hindi makatawid sa tulay dahil may sumpa. Kailangan na muna nilang kumanta para makatawid sila. Kaya Naunang tumawid si Mama, kinantahan sya ni papa tapus tumawid si papa, kinantahan sya ng anak nila. Ang tanong Sino ang kumanta sa Anak para makatawid din sya?
Ganun parin ang sagot, Hindi nila alam kung ano, kaya sinabi din ni Roy na Hindi nya sasabihin dapat pagisipan nila.
Dumaan pa ang mga oras at naparami na talaga ang kanilang naiinom, bagsak na si Tito Joey at silang apat nalang ang nag uusap, si Patrick, Nicole, Andrea at Roy.
Nakasandal na sa balikat ni Nicole ang ulo ni Patrick at maya-maya pa ay nakatulog na ito. Si Roy naman nakatingin lang sa dalawa na para nang mahuhulog ang mata dahil sa lasing.
Andrea: Ate, boyfriend mo na si Kuya Patrick noh?
Nicole: Hindi ah... Hoi!! Patrick gumising ka nga dyan!! Patrick!!
Si Patrick naman dahil sa kalasingan Hindi na nya alam Ang kanyang sinasabi.
Patrick: oooihhkk... Aaa.. Labbb, youhh!! Nicollleee ko, hindiii kittaa shashhhakktan. Shaaalamaattt, shinnaaagot mooogghh naaa akkooh.
Dahil sa mga sinabi ni Patrick parang nabiyak ang kanyang puso, dahil sa isip nya totoo ang mga sinasabi ni Patrick.
Andrea: luh.. Sabi ko na Ate ehh.. Sinagot mo na si Patrick dahil kanina nakita ko kayong nag hoholding hands!! Hmmp.. Congratss ate..
Nicole: Hindi nga ehh.. Ano ba Andrea, ang kulit mo :)..
Sa reaksyon ni Nicole ay kinikilig ito.
Roy: N...Nicole kayo na ba? !
Nicole: Hindi Noh!! Nanliligaw pa din sya..:) :)
Roy: Sege na matutulog na ako!! Kayo nalang dyan.
Nagulat naman si Nicole at Andrea sa INASAL ni Roy.
Andrea: saan ka?
Nicole: Hoi Roy, tulungan mo muna kaming buhatin si Patrick.
Roy: kaya nyo na yan!!!
Tuloy-tuloy lang ang paglakad ni Roy hanggang sa makahiga na sya sa hinandang tulugan para sa kanila, hinayaan na nya ang dalawang babae ang magbuhat kay Patrick. Mga ilang sandali lang ay tuluyan na itong pumikit at nakatulog.
---------------------------------------------------
Kinabukasan nagising nalang si Roy sa yugyog ng katawan nito nang idilat nya ang kanyang mata ay si Andrea pala ang gumigising sa kanya.
Andrea: kuya Roy, kuya gising na kayo kasi mamamasyal na tayo. :/ :(
Roy: ughhh.. Ano ba inaantok pa ako eh.... :/
Andrea: hayss.. Si Kuya, mabuti pa sila ni Ate Nicole at kuya Patrick nasa labas na kanina pa na mamasyal.
Nakasimangot nitong sabi kay Roy, na nakahawak sa kanyang ulo dahil sumasakit.
Andrea: Kuya, hang over bah? Sandali lang kukuha ako ng malamig na tubig..
Nagmamadaling kumuha ng tubig si Andrea at ibinigay kay Roy. Pagkatapus nitong uminom tumayo at ininat ang katawan.
Roy: ahhhhh... Ang sakit ng ulo ko...
Si Andrea naman ay nanlaki ang mata at di makapagsalita sa nakita nang kunin ni Roy ang kumot na nakapulupot sa katawan nya. Dahil Hindi napansin ni Roy na nakaboxer short lang sya, paglingun nya kay Andrea ay nakatitig lang ito sa kanya.

Nezuko_31

Fuckboy and Badgirl Where stories live. Discover now