CHAPTER 99

46 4 0
                                    

8pm na nang malasing na talaga ang lahat, malakas parin ang ulan. Si Raven ay bagsak na sa lamisa, si Skyler naman ay nag-uusap na sila ni Sunshine. Si Patrick naman todo bantay Kay Nicole dahil kahit ano na ang pinagsasabi.

Patrick: hmmp.. Ang tibay mo naman Michelle, di kapa nalalasing :)

Michelle: haha.. Medyo nahihilo na ako pero kaya pa hanggang magdamag!

Devon Heart: ikaw din Patrick ang tibay mo :) !

Patrick: Oo matibay talaga ako sa inuman (May balak ata tong mokong na to na lasingin ako para ma solo nya si Nicole) sabi nya sa sarili

Devon Heart: tagay mo na yan Patrick.

Patrick: Oo, iinumin ko na. (May balak nga, lalasingin nya ako para masolo na nya si Nicole, pero di ka magwawagi sa balak mo) usal nito ulit sa sarili.

Michelle: Kuya, tahimik nyong dalawa dyan ah..nagkasagutan na ba?

Skyler: Tumahimik ka nga dyan?

Nicole: hahaha, haha.. Inggit ka Michelle noh, kasi ang prince Charming mo tulog na!! Wahahaha..

Patrick: Tignan mo to si Nicole ohh.. Nalasing na kahit ano-ano na ang pinagsasabi!!

Devon Heart: Oo nga ehh. Ang cute nyang tignan!

Patrick: (haaa.. Kanina maganda ngayon cute na naman, jusko may balak talaga Sya kay Nicole) tsk..

Devon Heart: Tagay mo na yan Patrick :).

Patrick: (ha.. Ako na naman! Katatapus ko lang ahh!! Lalasingin talaga ako!! ) bago lang ako ehh..

Michelle: anong bago nakaikot na Kuya Patrick!

Patrick: ahh.. Ganun bah.. ( Patrick... Wag kang bumigay agad baka, magtagumpay si Devon sa balak nya Kay Nicole!)

10pm na nang Hindi na din kinaya ni Skyler, sunshine, Nicole, Michelle ang alak, nakayuko na ang ulo at dahan-dahan tumutukod sa lamisa para matulog. Si Patrick naman ay napapapikit na pero pinipilit nya paring magising.

Devon Heart: Tagay mo na yan, Patrick!! Matutulog kana ata ehh...

Patrick: hi-hindi pa... Tagay pa!!

Devon Heart: sege inumin mo na yan!!

Pag-inom ni Patrick Hindi nya namalayan na bumagsak na sya sa lamisa at naghihilik na natulog.

Devon Heart: Wow, bagsak lahat!! Haysss.. Ako nalang isang iinom nito!!

Habang malakas ang ulan pinaspasan naman ni Devon na uminom hanggang aa maubos ang isang bote.

Devon: haysss.. Dito na rin ako matutulog total nandito din naman kayo. :)

Yumoko na si Devon at isinandal ang ulo sa lamisa at nagpasya nang matulog. Hindi naman sila nakakaramdam ng lamig dahil ang kapal ng mga jacket nila at nag iinit dahil sa alak. 11pm nang matulog na silang lahat. Napakahimbing ng tulog nila dahil narin sa lakas ng ulan.

Walang tigil ang ulan at sinasamahan pa ito ng malamig na hangin, Hindi na nagamit ang ginawang mga tent dahil bagsak na sa lamisa.

3am, nang maalimpungatan si Nicole dahil nauuhaw ito.

Nicole: ahhh.aaaahhhhaaa.... Ang sakit ng ulo ko, nakakauhaw.

"Tubig Nicole at gamot para sa sakit ng ulo ..gising kana pala"

Pagtingin nito sa harap si Devon, inabot ang isang litro ng tubig. Kaya ininom kaagad nito.

Nicole: ahhhhaaaa grabe handang-handa ka ahh.. May dala ka pang gamot.

Fuckboy and Badgirl Where stories live. Discover now