CHAPTER 107

68 3 4
                                    


Nicole: ikaw pala ang pumatay Kay Jordan, Hayop ka!
Jeffrey: tssssahhh! Hahaha. Kilala nyo pala yong lampang lalaki na yon!
Sa inis ni Jeffrey ay hinawakan nya ang buhok ni Nicole at hinila.
Jeffrey: wag mo akong subukan dahil pumapatay ako kahit na babae!
Michelle: bitawan mo si Ate plss... Maawa ka sa kanya.
Abner: Jeffrey tama na yan! Baka magalit sa akin yong boss mo pag nakita nyang may pasa.
Jeffrey: patatawarin kita, pero pag tapus na si Boss sayo, humanda ka sa akin. ihi lang ang pahinga ko sayo! Ipasok nyo na yan sa Van!
Bago nila pinasok sa van ay piniringan muna sila. Pagkatapus ibigay ang pera nag pasya na silang umalis.
Jeffrey: ayos to mga pre! Ang gaganda at napakabata pa! Malamang pagkatapus ni boss sa kanila, tayo na naman ang mag pakasasa sa kanila. Haha haha!
"Oo nga! Titigan ko lang sila parang lalabasan na ako!! Wahahaha..."
"Napaka manyakis mo talagang gago ka!! Hahaha"
Tawanan nila sa loob ng van, habang ang tatlong babae ay natatakot na.
Abner: tayo na mga bata, baka nakapagsumbong na ng mga pulis si Dwayne! Punyetang traydor yon!
"Papaano si Marvin boss? "
Abner: ano pa nga ba! Di patayin nyo mga bobo!
5am na ng tuluyan ng makalabas ang van sa hide out nila Abner mga ilang metro lang ang layo ng harangan ng isang kotse ang Van.
Jeffrey: gago yan ahh!! Paharang-harang pa sa daan!
Bumaba si Jeffrey para sitahin ang kotsing naka harang sa dinaraanan nila. Bumaba din naman ang nakasakay sa kotse.
Jeffrey: hoi gago ka!! Itabi mo yang kotse mo para di ka madisgrasya!!
" nasan na ang babaing kasama nyo ? Baka pweding maarbor!"
(Sabi ng lalaki na nakasakay sa kotse!)
Jeffrey: anong babae? Wala kaming alam sa sinasabi mo!
"Haha, wag nyo akong gagohin dahil matagal na akong gago!, ilabas nyo na sila!!" (Sagot nito)
"Jeffrey baka pulis yan kasi alam nya na may mga babae tayong dala"
Jeffrey: Oo nga baka matagal na tong nakasubay-bay sa atin !
"Ano tirahin na natin yang parak?!!"
Jeffrey: sege!
Tinutukan bigla siya ng baril.
"Oppss...opss! Nakikita nyo ba na may dala akong baril, kabaklaan lang yang baril. Sege isa-isa lang muna, lapit!"
Jeffrey: kabaklaan ah.. Sege ibaba nyo na yang baril nyo para, malaman ng lalaking yan kung gaano ka tapang ang Black warrior gang.
"Isa-isa lang muna dahil marami kayo"
Jeffrey: sege, sugod!
"Ang tatanga! Sabing isa-isa lang! Pero ano pa ngaba magagawa ko ! Sugod mga supot!!"
Sumugod ang Lima at nanunuod lang si Jeffrey. Matindi ang sapakan nila, animo'y nanunuod ka ng madugong laban. Hindi naman naaaragabyado ang kalaban nila Jeffrey dahil magaling manuntok ito, nasasangga panya ang ibang suntok. Mga ilang minuto lang ay napagsak ng extrang hero ang limang kalaban pero duguan din ang kanyang bibig at ilong.
"Hoooo!!! Grabe pinagod ako ng mga bata mo ahh!!, paano ba yan ikaw nalang nag iisa. Sege sumugod kana para matapus na!!" Hingang malalim ang lalaki habang kausap si Jeffrey
Jeffrey: ang yabang ng gago!! Ahhhh!!
Paglapit pa lang ni Jeffrey ay lumapat na sa kanyang mukha ang palad ng lalaki, Sabay na dinakdak sa lupa ang buo nitong katawan. Bagsak si Jeffrey at napapaubo dahilan sa likod nya ang unang bumagsak.
"Ahh... Wala kang karapatan na bastusin at baboyin ang mga mahal ko!!, ito ang tatandaan mo! :/" sabi nitong galit.
Pagkatapus nyang idakdak sa lupa si Jeffrey ay pinuntahan nya kaagad si na Nicole, Sunshine at Michelle sa loob ng van.
"Nicole,Michelle at Sunshine ligtas na kayo, uuwi ko na kayo sa bahay nyo. :) :)" sabi nito sa tatlong babae Sabay kuha ng mga piring.
Nagulat naman ang tatlo ng makita nila kung sino ang nasaharapan nila.
" Devon Heart! " Sabay sabi ng tatlo na mangiyak-ngiyak.
Devon Heart: Oo ako to, ligtas na kayo :)
Michelle: bakit ka nandito Kuya Devon diba kahapon pumunta kana sa U.S?
Devon Heart: Oo pero tinawagan ako ni Dwayne, sabi nya kinidnap kayo tapus dito nya sinabi na lugar.
Nicole: salamat Devon, salamat :'( :'( :(.
Sunshine: Tulungan muna natin si Marvin kasi na iwan sya sa loob.
Devon Heart: Oo, babalikan natin siya ilalalayo ko muna kayo dito. Tayo na!
Bumaba na sila sa van at nag mamadaling tumakbo sa kotse ni Devon Heart. Nang malapit na sila ay biglang pinutukan sila mabuti nalang at kotse ni Devon ang tinamaan, kaya ang ginawa nila nag tago sila sa likod ng kotse dahil pinaulanan na sila ng bala.
.....
Devon Heart: mag tago lang kayo!! Bwesit nasan na ba sila bakit ang tagal nila!
Umiiyak na Si Sunshine at Nicole sa takot dahil Hindi sila sanay sa putok ng baril Hicvndi kagaya Kay Michelle na palaging nakakarinig ng putok ng baril.
Michelle: Kuya! Natatakot ako baka dito na tayo ma'mamatay!
Devon Heart: walang ma'mamatay sa atin mag tiwala kayo dahil pinuntahan na ni Dwayne si Raven, Patrick at Skyler.
Habang papasok na si Abner sa hideout nila ay nagulat sya ng nagkaputukan na sa labas.
Abner: ano yon! Tignan nyo kung anong nangyayari sa labas.
Nagmadali namang lumabas ang tauhan nito at tinignan kung ano ang nangyayari.
"Boss, nakatakas ang mga babae at NASA likod ng kotse pinuputukan nila!"
Abner: punyeta ang tatanga ! Paano nalang pag tinamaan ang mga babae at namatay, dimababawi ang pera na ibinayad sa akin! Ang bobo ni Jeffrey!!
Lumabas si Abner at pinuntahan sina Jeffrey sa labas.
Abner: mga bobo, ang tanga-tanga! Nyo talaga Jeffrey! Bakit ba sila nakatakas!
Jeffrey: sa kakaputak ng bunganga mo yan, tulungan mo nalang akong makuha ulit ang mga babae dahil papatayin kami ni Boss !!!
Abner: itigil nyo ang pagpapaputok! Baka tamaan ang mga babae!
Tumigil ang putok at kinausap ni Abner ang NASA likod ng kotse.
Abner: mga ija , bumalik na kayo dito baka tamaan kayo ng bala, sege na! Walang mag papaputok ha.. Dahil susuko na sila.
Devon Heart: wag mo na kaming utoin Abner! Dahil Hindi kami katulad mo na bobo!
Abner: punyeta, parang kilala ko yang Boses ah.. Ikaw ba yan Devon?
Devon Heart: Oo, ako nga ito Abner, satanas ka!! Nakuha mo pang ibinta sila napakasa mo talaga!!
Abner: Oo, masama na kung masama ijo, trabaho lang to at walang personalan! Kaya ibalik mo na sila sa akin para buhayin pa kita!
Devon Heart: dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko bago mo sila makukuha!
Abner: gago ka talaga! ( mga bata dahan-dahan lang kayong puntahan sila habang kinakausap ko sila) -- mahinang sabi nito sa mga tauhan nya.
Dalawang lalaki ang nag dahan-dahang lumapit sa kanila. Nang makalapit na sila ay tinutukan kaagad ng baril si Devon Heart.
"Boss, okay na ! "
Dahil sa pagsigaw ng lalaki Hindi nya napansin na biglang hinawakan ni Devon ang kamay nito at inagaw ang baril. Nag kaagawan sila at na baril ang kasama nitong lalaki. Kinuha naman ni Michelle ang baril at ipinutok sa kagaw ni Devon.
Nicole: Michelle!!
Michelle: di ko sinasadya, baka si kuya Devon pa ang napatay kung di ko binaril.
Sunshine: :( :(. Nicole natatakot na ako! Umuwi na tayo plzz... :( :(
Abner: mga tanga talaga, punyeta!!
Nagulantang si Abner at Jeffrey ng bumawi ng putok sina Devon at Michelle.
Jeffrey: bweesiit!! Paputokan sila!! Baka tayo pa ang mamatay dito!
Abner: bahala kayo mga Gagooo!!
Bumawi narin sila ng putok ni Jeffrey at nag kaputokan na.
"Boss ang titibay naman nila"
Abner: bwesit!
Michelle: kuya Devon ano gagawin natin, mauubos na bala ko!
Devon Heart: akin na yang baril mo Michelle, sege na tumakas na kayo ako ma bahala dito! Sumuot nalang kayo sa damohan!
Nicole: Hindi, Hindi ka namin iiwan Devon :( :(.
Devon Heart: sege na umalis na kayo, ma'mamatay tayong lahat dito pag hinintay nyo pa ako!!
Sunshine: :'( :'( . paano ka Devon ma'mamatay Karin dito!
Devon : Basta ako na bahala dito. Gusto kung mabuhay kayo ! Sege na!
......
"Boss, ito Granada ! Para matapus na sila, baka tumaas pa dugo mo at ma highblood ka!"
Abner: mabuti pa nga! Mga pasaway!! Hahanapan ko nalang sila ng mga babae marami pa namang madudukot ehh!!
Jeffrey: tama ka! Ibato mo na sa kanila!
Sakto naman na paglingon ni Devon para tignan dahil tatakbo na sila Nicole para tumakas ay kitang-kita nya ang aakmang itatapon sa kanila ang Granada, kaya napasigaw si Devon .
Devon Heart: Granada!! Takbo !!
Hinawakan ni Devon ang kamay ni Nicole at Michelle. Si Sunshine naman ay sumunod din sa kanila. Mga apat na hakbang nila ay naibato na ni Abner ang Granada at pumasok sa ilalim ng kotse Ni Devon.
"Booooooooom!!!"
Tinulak ni Devon ang tatlong babae ng malakas ng marinig nya ang pagsabog para di matamaan ng nakakasugat na talsik ng Granada. Umangat ang kotse ni Devon at gumulong dahil sa pag sabog.
"Ang galing mo boss!!"
Abner: syempre! Wala pa nga yon! Tignan mo kung buhay pa sila!
Pinuntahan kaagad ng tauhan nito upang masigurado kung sumama ba sila Devon sa pagsabog. Nakita nya si Devon na nakatalikod at naka tayo.
"Boss! Pumunta kayo dito, parang natulala yata ito ehh.. Naka tayo lang!"
Nicole: Michelle, Sunshine okay lang ba kayo?
Michelle: oo ate okay lang ako!
Sunshine: Okay lang din ako, salamat Kay Devon tinulak tayo sa damohan.
Nicole: nasan si Devon?
Hindi na nakasagot si Michelle dahil tumulo na ang luha ng makita nya si Devon na nakatayo at may dugo na lumalabas sa bibig nito.
Michelle: :'( :'( ate, si Kuya Devon! :'( :'(.
Napaluha din si Sunshine dahil kung Hindi sila tinulak ni Devon malamang ganyan din ang sasapitin nila.
Nicole: Devon!!! :( :'( :'( Devon!
Nilapitan kaagad ni Nicole si Devon na nakatayo at niyakap.
Nicole: Devon, bat mo yon ginawa , bakit?!! :'( :'(
Sa pagyakap ni Nicole Kay Devon doon lang nya nalaman na maraming sugat ang likod ni Devon at mabilis ang paglabas ng dugo.
Nicole: Devon !!!
Nakayapos parin si Nicole at yon din ang pagbaril ni Jeffrey sa kanila. Tinamaan ng tatlong beses ang likod ni Devon.
"Jeffrey ang tibay nya, tatlong beses ng binaril nakatayo parin"
Jeffrey: hahaha....matibay pala ah.. Akin na nga yang mahaba para raratratin ko na!
---------------------------------------------------
Devon Heart: wa-wag kang umiyak Nicole... Ma'mamatay akong masaya ka-kasi kayakap ki-kitaahh... Gusto ko pa sanang makasama ka ng matagal ....peeeroo hanggang dito na lang siguro :'( :'( .
Nicole: Wag ka mag sabi ng ganyan Devon, dadalhin ka namin sa hospital... :'( :'(
Sunshine: Devon, kaya mo yan labanan mo .
Michelle: Kuya, kayanin mo !! Plzz.
Devon Heart: Ni-Nicole wag ka nang umiyak, alam kung pagod na yang mata mo sa kakaluha :).
Nicole: :'( :'( Hindi ito mapapagod hangga't ang mga importanting tao ang iniiyakan nito. :)
Babarilin na sana ni Jeffrey sila ni Devon nang may biglang humarang na kotse sa kinaruruonan nila ni Nicole. Lumabas si Skyler, Patrick, Dwayne at Raven, dahil sa bihasa na si Patrick at Skyler sa baril , binaril nilang dalawa ang grupo nila ni Abner at Jeffrey kaya kanya-kanya silang takbuhan para mag tago. Si Raven at Dwayne ay pinuntahan kung saan sila ni Michelle.
.......
Raven: Nicole, okay lang ba kayo?
Hindi na natapus ang pagtatanong nya nang makita si Devon na duguan at nag-aagaw buhay na.
Raven: Captain!!? Captain! Anong nangyari sa kanya Nicole?
Nicole: tinamaan sya sa pagsabog ng Granada dahin inuna nya kaming iligtas.
Raven: captain dadalhin ka namin sa hospital, Michelle tawagin mo si Skyler na aalis na tayo.
Hindi naman makalapit si Michelle dahil mas maraming nag papaputok sa kanila. Habang nakayakap si Devon Kay Nicole ay unti-unti na itong bumibitaw at napapaluhod dahil Hindi na kaya ng kanyang katawan ang mga tama ng bala.
Nicole: Devon, wag kang ganyan labanan mo!! Plzz
Devon Heart: Ni-Nicole ngayon ko lang to sasabihin... Mahal na kita :'( :'(...
Tuluyan nang bumagsak ang mga tuhod ni Devon sa lupa, kaya sinabayan nalang ni Nicole napaupo sya at nakayuko naman sa balikat nya si Devon.
Nicole: Patrick, Skyler tama na yan!! Dalhin na natin si Devon sa hospital. :( :(
Sunshine: Patrick plzzz.. Tulungan natin si Devon!
Michelle: Kuya Skyler! Tama na plzzz...
Sigaw nila sa dalawa na nakikipag barilan sa kalaban.
Skyler: Patrick, ako na dito tulungan mo sila!
Patrick: sege!! Skyler mag iingat ka.
Payukong tumakbo si Patrick papunta sa kanila Devon na nag aagaw buhay.
Patrick: ha!! Bakit nandito si Devon ?
Paglapit ni Patrick ay niliingon sya ni Devon at hinawakan kaagad sa kwelyo at bumulong.
Devon Heart: salamat dumating ka Patrick, pakiusap ko sayo wag mo nang papaiyakin si Nicole at sana mahalin mo sya kasi hanggang ngayon ikaw parin ang mahal nya, maswerte ka dahil kasi nasa sayo na ang pinapangarap kung babae :'( :'(. Patrick, mabuhay kayo at magpakasaya sa mundong ginawa ng panginoon. Iwanan nyo na ako dito :). (Pautal-utal nitong sabi dahil di na nya ito kaya)
Patrick: Hindi Devon, mabubuhay ka ! Dadalhin ka namin sa hospital. Oo Simula ngayon pinapangako ko Hindi ko na talaga sasaktan at papaiyakin si Nicole! Skyler!! Skyler paandarin mo na ang kotse! (Sigaw nito)
Skyler: Hindi ko magagawa dahil napakarami nila, baka lahat tayo dito ma'mamatay!
Devon: iwanan nyo na ako dito at iwanan!
Raven: Hindi ka namin iiwan dito Captain!
Michelle: di namin kaya na maiiwan ka dito at ma'mamatay!!
Sunshine: wag ka munang mamatay, dahil marami pang nag mamahal sayo Devon.
Patrick: sege na Raven! Umalis na kayo mag papaiwan ako dito!
Nicole: gusto kung makaalis tayo dito lahat na walang ma'mamatay. Magpakatatag ka Devon!
Skyler: maghanap na kayo nang matatakbuhan dahil malapit na akong maubusan ng bala!
Devon Heart: sundin nyo ako Raven, Patrick bilang isang captain ball nyo!! Wag nyo namang ipahiya ako sa harap nila! Sundin nyo ma ako para mabuhay pa kayo! :'( :'( :'(.
Hindi sila sumagot bagkus umiyak nalang silang lahat.
Patrick: Captain, kahit na sa maikling pagkakakilala natin marami akong natutunan sayo at napakabuti mong kaibigan at captain Ball. Hayaan mo mag hahari sa court ang binuo mong Team. Lahat ng sinabi mo susundin ko, salamat Devon Heart, captain. Paalam...
(Sabay talikod)
Raven: Patrick naman!
Patrick: Raven!! Ang kapal mong tawagin syang Captain kung Hindi mo sya susundin!! Makinig ka sa kanya!
(Sabay tulo ng mga luha)
Sa pagsigaw ni Patrick doon na naintindihan ni Raven, kung ano ang ibigsabihin ni Patrick. Lumapit sya Kay Devon at nagsalita.
Raven: Captain, pasensya na kung wala akong magagawa para iligtas ka. Captain ikaw ang idol ko! Sana makakita pa ako ng katulad mo :'( :'( :'(. Hinding Hindi kita makakalimutan! Mag chachampion kami ngayong taon!
Nicole: :'( :'( :'( , Devon Heart! Sa-sana Hindi kana pumunta dito :( :'(. Patawad ! Isa ka sa mga taong nagpapalakas ng loob ko at nagturo kung paano labanan ang sakit :'( :'( Devon gusto pa kitang makilala ng matagal! Devon!
Hinawakan ni Devon ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luha.
Devon Heart: tama na Nicole, tama na ang pag- iyak nasa tabi mo lang ako palagi nakabantay sayo. Ngumiti ka dahil sa ngiti at titig mo ako na bihag :). Nicole I......love........y....yoooouuu.... Ngumiti ka plllllllsss..
Pagngiti ni Nicole lumiwanag ang mukha ni Devon na parang napakasaya at handa na itong tanggapin kung ano man ang mangyayari sa kanya. Unti- unti narin bumibitaw ang kamay ni Devon sa mukha ni Nicole, ilang saglit lang ay tuluyan ng binawian ng buhay si Devon Heart na nakangiti.
Nicole: Devon........! :'( :'( :'( .
Michelle: Kuya Devon :'( :'( kuya gumising ka !! :'( :'( .
Napayuko nalang si Michelle dahil tuluyan ng namaalam si Devon. Si Raven naman ay grabe ang iyak nito.
Patrick: paalam kaptain.
Skyler: Shiitt! Naubusan na ako ng bala!
Tumakbo si Skyler at pumunta na din sa kanila ni Devon.
Michelle: kuya wala na si Kuya Devon iniwan na nya tayo!
Skyler: ano! Si Devon ! Bakit?
Patrick: mamaya na Yang mga tanong mo Skyler, tumakas na tayo dito!
Hindi man makapaniwala si Skyler ay sumangayon nalang sya sa gusto ni Patrick.
Patrick: nasan si Dwayne?
Skyler: Pumunta sa loob tutulungan nya daw si Marvin.
Nag-isip muna sila kung ano gagawin bago pa makalapit ang kalaban.

Patrick: ganito nalang, maghiwa-hiwalay tayo para malito sila, sumuot tayo dito sa gubat!
Skyler: Sege, mag iingat lang kayo!
Patrick: Nicole Tara!
Skyler: sa ngayon Raven, ipapaubaya ko na sayo si Michelle, pag ingatan mo sya! Dito kami ni Sunshine.
Raven: Oo Skyler, ako bahala Kay Michelle hindi sya masasaktan at magkikita pa tayo!
Patrick: Skyler, Raven mag iingat kayo. Parang kapatid ko na kayo, di ko mapapatawad ang sarili ko pag may- nangyari sa inyo
Skyler: kayo din Kapatid mag iingat kayo .
Raven: Sege mga kuya! Kita-kits na lang mamaya.
Nicole: mga hayop talaga yong Black warrior gang!! Mga satanas sila!
Sunshine: Oo nga dinamay pa nila si Devon!!
Michelle: ang dios na ang bahala sa kanila.
Pagkarinig ni Raven sa black warrior gang ay sumiklab kaagad ang apoy na naiipon sa kanyang dibdib.
Raven: ano! Sila pala yon! Mga gago! Kuya Jordan mahihiganti na kita! Sa mga walang pusong pumatay sayo!
Patrick: mamaya na yang paghihiganti mo! Tumakas na tayo!
Kanya-kanya na silang tumakbo sa gubat sa gilid kasi ng kalsada ay kagubatan na. Iniwan nila ang bangkay ni Devon dahil pag dinala pa nila ay mahihirapan na sila. Kanya-kanya din silang may baril na dala, habang kahawak ang anghel ng buhay nila at iniisip na magkikita pa silang lahat.
Abner: tumahimik ahh.. Baka patay na sila, tignan mo nga sila!
Pumunta kaagad ang tauhan nito at tinignan.
"Boss! Wala na sila dito, pero may bangkay!"
Nagmamadaling pumunta si na Jeffrey at Abner.
Abner: pwe!! Kung sumama ka sa amin di sana buhay kapa ngayon Devon!!
Jeffrey: nasan na ang mga babae!
Abner: malamang tumakbo na sa kagubatan! Tara maghiwa-hiwalay tayo! Hanapin natin sila. Pagnakita nyo patayin nyo na!!naghiwa-hiwalay na ang grupo ni Jeffrey at grupo ni Abner para hanapin ang mga dinukot nitong babae.
Jeffrey: mag tago na kayo mga inutil!!
Kahit na nagkasabit-sabit na sila sa mga damo ay matulin parin ang takbo nila para makaligtas sa mga humahabol na mga kalaban. Nagmistulang mga baboy ramo sila ni Skyler,Patrick, Raven, Michelle, Sunshine at Nicole na hinahanap ng mga mangangasong Jeffrey at Abner kasama ang mga tauhan nila na pag nakita babarilin agad
........

Alam Kong maiyak iyak na kayo ganon din ako hehe . *sub * hangang dito nalang po muna

Fuckboy and Badgirl Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz