One

745 14 4
                                    

Nandito ako ngayon sa sakayan ng bus patungo sa probinsya. Hindi ko alam kung saan nga ba ang saktong destinasyon ko pero desidido na akong lumayo muna. Alam kong ito ang kailangan ko.

At lumalayo ako sa hindi ko alam na rason. Basta ang alam ko lang kailangan kong lumayo at hindi ko alam kong kanino at bakit ako lumalayo. Siguro kailangan ko lang mag-isip. At kung anung pag-iisipan ko hindi ko alam kung ano. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

“Aalis na. Yung mga wala pang ticket dyan bumili na kayo. Aalis na ang bus sa loob ng 10 minuto." Bumili na ako ng ticket ko.

“Miss, ano ang pinaka stop over ng bus na to?” tanong ko sa babaeng nagtitinda ng ticket.

“Ah, Tagkwayan Quezon miss. Yun ba ang pupuntahan mo?” Tiningnan nya ako ng may pagtataka pagkatapos ay ngumiti sya.

Tagkwayan Quezon?  Ano ba yung lugar na yun? Hindi ko alam. Basta ang alam ko sa Quezon ko gustong pumunta, bahala na kung saan.

Bumili na ako ng ticket papuntang Tagkwayan. Bahala na kung saan mang lupalop ako mapadpad yun naman ang plano ko eh. Ang mawalan muna ng control sa lahat ng bagay. Bahala na si kapalaran kung saan ako dadalhin.

Sumakay na ako sa bus, sa pangdalawahang upuan ako sumakay, sa tabi ng bintana sa medyo likod na ng bus. At wala pa akong katabi. Siguro wala na akong magiging katabi, hindi naman kasi peak season eh. Walang masyadong umuuwi sa probinsya.

Isinuot ko yung Sun glass ko at Ipinikit ko na ang mga mata ko. Matutulog nalang muna siguro ako. Pero maya-maya naramdaman kong may naupo na sa tabi ko. Hindi ko nalang pinansin at ipinagpatuloy ko ang aking pagtulog, nagsimula na ding umandar yung bus.

“Miss, Panyo?” Narinig kong biglang nagsalita yung katabi ko.

Napamulat ako ng mata at napatingin sa katabi ko. May hawak syang puting panyo at inaabot nya ito sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

“Baka kasi kailangan mo. Kanina ko pa kasi napapansin na uwiiyak ka eh.”

Hinawakan ko yung pisngi ko. Basa nga sya! Hindi ko alam na umiiyak ako.

Iniiabot lalo sakin nung lalaki yung hawak nyang panyo. Wala na akong nagawa kundi tanggapin yung panyo. Kailangan ko nga siguro. Tinanggal ko yung salamin ko at pinunasan yung mga luha ko. Suminga na rin ako sa panyo nya pakiramdam ko kasi sinipon ako bigla eh.

Napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumawa. Tinaasan ko sya ng kilay.

“Bakit ka tumatawa?” Lalong napataas ang kilay ko ng hibdi sya agad timigil sa pagtawa.

“Pasensya na. Nabigla kasi ako nang bigla mong siningahan yung panyo ko eh.” Tiningnan ko yung hawak kong panyo. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

“Pasensya na” Nakayuko kong sabi sa kanya.

“Ok lang. Sayo nalang yang panyo ko kung gusto mo. Mukhang kailangan mo kasi eh.”

Tumango nalang ako sa sinabi nya at Tumingin na ulit ako sa tabi ng bintana. Hindi ko na kinausap yung lalaki. Akin nalang muna itong panyo nya. Baka nga kailanganin ko. Bakit ba kasi ako umiiyak? Saka sa totoo lang natutulog talaga ako. Siguro nga totoo yung kahit sa pagtulog mo nadadala mo lahat ng nararamdaman mo.

Bakit ba ako nalulungkot? Ewan ko, mababaw lang naman ang rason ko sa pag-alis eh. Nagi-guilty kasi ako dahil hindi ko kayang maging masaya para sa bestfriend ko na ikakasal na. Oo, Inaamin ko naiinggit ako sa kanya, sya ikakasal na ako hindi, sya masaya ako hindi, sya magkakapamilya ako wala, sya meron lahat ako sya lang ang meron pero malapit na syang mawala.

Masama ba ako kung hindi ako masaya na magpapaksal na ang bestfriend ko na itinuring ko na ding kapatid ko? Masama ba ako kung nakakaramdam ako ng inggit?

The vacationWhere stories live. Discover now