Two

435 9 3
                                    

A/N:

dahil hindi ko alam kung paano ako magpapsalamat sa kanya dahil may ibinigay sya sakin na something important na hindi nya gnagawa sa iba, ididedic ko nalang sa kanya ang chapter na to.

Ate Ri, Thank you. :)))

------------------------------------------------------------------

Two:

Kanina pa ako naglalakad at napapagod na ako. Wala pa din akong mahanap na matutluyan ko. Ang  tanga ko naman kasi at hindi ko man lang naiisip kung saan ako tutuloy.

Ang hirap pa naman magtanong dito dahil konti lang ng tao at mangilan ngilan lang ang makikita mo at yung mga napagtanungan ko naman wala naman masabi sa akin na pwedeng tulugan. Hay, anu ba tong lugar na napuntahan ko? akala ko ba maganda dito sabi ni Nathan?

Hindi ko na ata kayang maglakad, mahigit isang oras na akong naghahanap ng matutuluyan. Kahit ba maliit na in wala sila dito? Napaupo nalang ako sa tabi ng malaking bato. Nagugutom na ako.

Pagtingin ko sa harap ko 'Tropical inn'. sa tagal ng paghahanap ko dito lang pala sa tapat ng pag-uupuan ko ako makakahanap ng matutuluyan.

Pumasok na ako sa loob. Kumuha ako ng isang kwarto. Maayos naman yung lugar, maliit lang yung kwarto may single bed, CR, maliit na cabinet, kumpleto naman sa gamit at may aircon naman. Pwede na to para sa ganitong lugar. Hindi ko naman siguro kailangan ng TV sa ganitong lugar. Tumawag ako sa sevice nung inn at nag-order nalang ako ng pagkain, k na rin tong nakuha ko maayos ang service.

Pagkatapos kong kumain naligo lang ako at nagbihis pagkatapos natulog na din ako, pero bago ko ipikit ang mata ko mukha ni Nathan ang biglang pumasok sa isip ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Umaga na, Unang araw ko dito. Isang buwan akong mananatili dito, kayanin ko kaya? Anu kayang gagawin ko dito? Nag-iisip na ako ng mga pwede kong gawin ng makaramdam na naman ako ng gutom.

Maghahanap muna siguro ako ng makakainan. Naligo na muna ako at nagbihis bago ako lumaba. Short at simpleng t-shirt lang ang isinuot ko at pinaresan ko ng tsinelas ready to go na ako. Kailangan kong makapag-isip sa lugar na to. Pag labas ko ng pinto.

"Nathan."

"Kate."

Sabay naming sabi.

Magkatabi lang ang kwarto na tinutuluyan namin.

"Dito ka tumutuloy?"

Sabay na naman naming sabi. Nagkatawanan nalang kami.

"I think this is fate, pinagtagpo tayong muli."

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Siguro nga. Saan ka pupunta? Kakain ako ng almusal baka gusto mong sumama paghahanap ng makakainan?"

"Magandang ideya yan, yan din kasi ang plano ko. mas maganda siguro maghanap pag may kasama. Shall we?"

Inilahad nya sa akin ang braso nya na para kaming ikakasal. Sabay na kaming naghanap ng makakainan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Talong linggo na kamig magkasama ni Nathan sa bakasyon na to. At hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nararamdaman ko. yun bang hindi ako mapakali pag kasama ko sya parang may mga paru-paro sa tyan ko tuwing ngingiti sya sa akin. Bago ako sa ganitong pakiramdam kaya hindi ko mapangalanan kung anung tawag dito.

The vacationWhere stories live. Discover now