Three

352 10 2
                                    

Three:

Hindi pa ako nagmumulat ng mga mata pero nakangiti na ako. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari kagabi kahit na may mga salitang nagpipilit na sumiksik sa utak ko na mali ang ginawa ko. pero alam ng puso ko tama yun. Sa pagitan ng paglalaban ng puso at  utak ko ang puso ko pa din ang pinairal ko.

Niyakap ko yung katabi ko. teka unan lang to ah.

“Nathan?”

Bumangon ako sa kama. Asan na sya? Ang aga naman ata nyang bumangon. Baka bumili lang ng pagkain namin.

Nahiga muli ako sa kama pero nun ko lang napansin na may nakapatong na nakatuping putting papel sa lamesa sa tabi ng kama. Nararamdaman ko bumibilis ang tibok ng puso ko, Kinakbahan ako.

Kate,

I’m sorry, I should have not take advantage of you. I hope someday you’ll forgive an asshole like me. You deserve someone better not someone like me and I don’t deserve your love. How I wish I can explain everything to you to this letter but I can’t and you won’t understand. I need to leave you and I hope leaving you is for better for both of us. I’m sorry.

Nathan.

Pagkatapos kong basahin ang sulat nya pakiramdam ko namanhind ang buong katawan ko. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw pero ayaw makisama ng katawan ko.

Nathan bakit? Hindi ko maintindihan. I know there is something beautiful between us pero bakit? Hindi ko maintindihan bakit kailangan mong umalis.

Nasasaktan ako, sobrang nasasaktan. At ang tanga-tanga ko dahil hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya, sa taong hindi ko lubos na kilala, sa taong nakasakay ko lang sa bus, sa taong pangalan lang ang alam ko, sa taong kahit minsan hindi nagsabi ng kahit anu tungkol sa personal na bagay sa kanya, sa taong ni hindi ko alam ang rason kung bakit kasama ko, sa taong akala ko katulad ko rin ang nararamdaman para sa akin.

Naghahanap ako ng kapayapaan pagpunta ko sa lugar na ito pero lalo lang akong nasasaktan ngayon. Bakit ba kailangang masaktan lagi ako ng sobra, ganun ba kalaki ang nagawa kong kasalanan ha Lord at kailangan kong magbayad ng ganito kalaki? Ganun ba kalaki ang galit nyo sakin at kailangan paulit-ulit na saktan at durugin ang puso ko. Akala ko mabubuo ko na yung puso ko sa lugar na ito pero bakit nasira lalo ang puso ko.

Nandito ako sa isang tabi ng kama, I am helplessly crying ito ang kailangan ko ngayon ang umiyak ang umiyak ng umiyak. Alam ko kahit anung iyak ko hindi mababawasan ang sakit pero ang pag-iyak lang tanging bagay na kaya kong gawin sa oras na ito.

Ibinigay ko ang lahat ng meron ako sa isang tao na kahit isang piraso ay walang ibinigay sa ain. Wala akong itinira sa sarili ko, ang tiwala ko, ang pagmamahal, ang lakas ko, ang kasiyahan ko, ang lahat ng kaya ong ibigay nasa kanya na pero bakit ganun? Hindi pa ba sapat yun para manatili sya sa tabi ko. Lord alam kong wala akong karapatang kwestyunin ka pero bakit ganito? Bakit ang sakit? Bakit sobrang sakit?

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang linggo.

Binigyan ko ng isang linggo ang sarili ko para bumangon muli, isang linggo para ipakita ko na matatag ako, isang linggo akong naghintay at umasa nab aka babalik pa sya, isang linggo para tapusin lahat ng kahibangan ko.

At  ngayon tapos na ang bakasyon ko. Ibang kate na ang babalik sa Maynila. Hindi na yung dating mahina, yung dating pakiramdam na kawawa ang sarili nya. I need to stand on my own. Hindi dapat nakadepende ang kasiyahan ko kung kanino man. Ako lang naman mag-isa ang matitira sa huli, lahat sila aalis lahat sila iiwan din akong  mag-isa.

Nawala na ang inggit o kahit anu mang nararamdaman ko para sa bestfriend ko na si Hannah, wala na akong pakiramdam kanino man. Minanhid ko n gang sarili sa lahat ng bagay. Wala din akong nararamdaman kahit ano para kay Nathan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

“KATE, Bumalik ka na. I miss you bestfriend. Akala ko nakalimutan mo na ako eh, ni hindi ka tumawag o nagtext at hindi man lang kita macontact. Ganun ba kalayo ang pinuntahan mo ha. Saka bakit ganyan ang itsura mo? Mukha kang zombie, pumayat ka, pumutla at ang laki ng eye bags mo.”

Hawak hawak ako ni Hannah sa balikat na parang sinesermonan ako. Napangiti ako sa inaakto nya.

“Thank you sa pag welcome Hannah.”

“Ewan ko sayo. Naku, kailangan gumanda ka. Hindi pwedeng mukhang zombie ang maid of honor sa kasal ko.’

“Ou na. Baka gusto mo muna akong pakainin bago moa ako sermonan. Pagod ako sa byahe.”

Nandito ako ngayon sa condo ni Hannah. Ito ang unang lugar na gusto kong puntahan dahil alam ko ito lang naman ang lugar na pwede kong puntahan saka kahit papano bestfriend ko naman ang nandito. Ang pamilya ko.

Pagkatapos naming kumain kung anu anon a ang kwento sa akin ni Hannah tungkol sa preparasyon ng kasal nya. Isang linggo nalang kasi ay kasal na nya.

“sya nga pala Kate, ipapakilala kita bukas sa groom ko at syempre sa bestman. Naku, ang pogi nung bestman bestfriend irereto kita dun.”

“Sa wakas naisipan mo din akong ipakilala dyan sa mapapangasawa mo. At tigilan mo ako hindi ako naghahanap ng kahit na sino. masaya na akong mag-isa.”

“Sus, Chika mo. Yang mukhang yan masaya? Mukha ka kayang namatayan, saka alam mo may something sayo eh, alam ko may hindi ka sinasabi sa akin pero bahala ka kung ayaw mong sabihin. Bahala na yang konsensya mo kung kaya ban yang maglihim sa bestfriend nya.”

“Ewan ko sayo. Sige beauty rest muna ako para naman maganda ako bukas pag nakita ko na yang groom at bestman. Malay mo gwapo nga. Good night Hannah.”

Tumalikod na ako at pumasok sa kwarto na nakalaan sa akin.

--------------------------------------------------------------------------

The vacationWhere stories live. Discover now