Part 1

12.2K 162 3
                                    

NAIKUYOM ni Brennan ang mga kamay habang nakatitig sa dalawang bulto na naghahalikan di-kalayuan sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong uri ng sakit na para bang tumatagos sa kailaliman ng kanyang puso.

Gusto niyang hilahin si Aliyah, ang tanging babaeng nagpamalas sa kanya nang tunay na kahulugan ng pag-ibig, palayo sa lalaking nakayakap rito, ang pinsan niyang si Jeric. But what right did he have?

"Jeric..." Naalala niyang minsan ay sinabi sa kanya ni Aliyah. "Jeric is different. Nalalaman niya ang nararamdaman ko kahit hindi ako nagsasalita. Nakikita niya ako kahit nagtatago ako. He could talk to my heart and he could see the real me."

Damn it. The thought was enough to shatter him into pieces. Nag-init ang mga mata ni Brennan pero nanatili pa rin siya roon, umaasang imahinasyon niya lang ang nakikita, na pinaglalaruan lang siya ng kanyang mga mata. Pero nang ilang minuto pa ang lumipas ay kusa na siyang bumigay. Everything was freaking real... and reality was just too much to bear that he had to turn his back.

Mabibigat ang mga paang naglakad na si Brennan palabas ng bahay ni Aliyah. Nang makasakay na siya sa kanyang kotse ay naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. Pero tukso namang naglaro sa kanyang isipan ang maamong mukha ng dalaga. Muling umarangkada ang sakit sa kanyang sistema.

Hindi lubos-akalain ni Brennan na ang babaeng halos baguhin niya noon ang siyang papangarapin niya ngayon. At nanghihinayang siya... nang sobra-sobra dahil pinakawalan niya ang isang tulad ni Aliyah na hindi man lang niya kinilala nang husto. He did not know what he had until it slipped away.

Dumilat siya nang biglang mag-ring ang kanyang cell phone. Napahugot siya ng malalim na hininga nang makitang si Cristine ang nasa kabilang linya, the woman he was supposed to marry.

"Honey, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko lately," malambing na bungad ni Cristine. "May nangyari ba?"

"Nothing, I was just... busy," napapagod na sagot ni Brennan. "I went to hell and back in just a matter of minutes."

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Cristine. Bumuntong-hininga ito nang hindi siya kumibo. "Tungkol nga pala sa kasal natin, nakaisip na ako ng magiging motif-"

Frustrated na ini-off ni Brennan ang kanyang cell phone. Parang masisiraan na naipikit niya nang mariin ang kanyang mga mata. Damn wedding! Nagtatagis ang mga bagang na dumilat siya pagkatapos ay sinuntok ang manibela.

God of all gods, if you're listening, please, make this pain stop.

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon