Chapter 5

3.1K 108 4
                                    

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon sa buhay ni Brennan ay ninerbiyos siya sa simpleng pagtitig lang sa kulay krema na gate ng bahay ni Aliyah. Noong nakaraang araw niya pa hawak ang address ng dalaga pati na ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa buhay nito na ngayon niya lang inalam, at sa isang private investigator pa.

Halos isang linggo na siyang hindi matahimik. Pabalik-balik sa isip niya ang magandang mukha ni Aliyah. Pagkatapos ng huling pag-uusap nila, gusto niya sanang permanente nang huwag magpakita rito. Pero halos isang linggo lang ang itinagal niya sa pagtitikis sa damdaming hindi niya maintindihan.

Napasulyap si Brennan sa wristwatch niya. It was only seven in the morning. Alam niyang alas-onse pa ang alis ni Aliyah dahil dederetso ito sa Marikina para tingnan ang lupang gustong pagtayuan ng bahay ng client nito, saka pa lang ito magde-design kung anong uri ng bahay ang babagay sa lugar. Iyon ay ayon na rin kay Jeric.

Bigla, naikuyom ni Brennan ang mga kamay nang bumalik sa isip niya ang naging usapan nila ni Jeric nang unang beses na puntahan niya ito sa firm nito. Pauwi na sana siya nang makita ang pinsan sa parking lot, pagkaalis ng kotse ni Aliyah.

"Don't tell her that I'm getting married. At least, not now." Marriage was a very sensitive topic for him and Aliyah at the moment because of the way their relationship ended. Kaya hangga't maari, ayaw niya na munang malaman ng dalaga ang tungkol doon. "Please."

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Jeric. "As if Aliyah would care."

Brennan's jaw clenched. Tumalikod na siya para mapigilan ang sariling gumanti ng salita sa pinsan. Pasakay na siya sa kotse niya nang magsalita ito uli.

"May late dinner meeting sa isang client si Aliyah on Thursday. And on Friday next week, pupunta siya sa mismong pagtatayuan ng ipagagawang bahay ni Mrs. Velasco pero alas-onse pa 'yon." Tumikhim si Jeric. "She's normally home by weekends with Josh, her nephew."

"Why are you telling me all these?" Kunot-noong tanong ni Brennan.

"Dahil alam kong matatagalan pa kung magtatanong-tanong ka sa iba tungkol sa schedule niya. Kilala kita, Brennan. The look on your face when you saw her gave you away. You want to see her again, right? Why?" Deretsong tinitigan siya ni Jeric. "'Wag ka ng mag-deny. I heard what you said to her earlier."

"Hindi ko rin alam." Bumuntong-hininga siya. "Ikaw, bakit parang hinahayaan mo akong makasama siya?"

"Dahil gusto kong ma-realize mo kung anong klaseng babae ang pinakawalan mo. At tuwing kasama mo siya, magpapasulpot-sulpot ako. Dahil may isa pa akong gustong ipa-realize sa 'yo." Tinapik siya ni Jeric sa balikat. "Na kahit ano'ng gawin mo, hindi na siya babalik sa 'yo." Ngumiti ito. "So by all means, go and see her. Consider that as my early wedding gift to you and Cristine..."

Nahinto si Brennan sa pag-iisip nang makita niyang may lumabas na batang lalaki mula sa gate ng bahay. Ito marahil si Joshua, ang pamangkin ni Aliyah. Maagap na lumabas siya ng kotse at lumapit sa bata.

"Hello, kid. You're Joshua, right? I'm Brennan." Nginitian niya ito. "Gising na ba ang Tita Aliyah mo? Gusto ko sana siyang makausap."

Nagsalubong ang mga kilay ni Joshua. "Ano po ang buo n'yong pangalan, age, work, at status? Is it single, engaged, married or 'it's complicated'?"

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon