Chapter 4.5

3.3K 105 4
                                    

"AS MUCH as possible, ayoko na sanang magpakita pa sa 'yo. Pero hindi ako matahimik. We never really had a proper closure."

Binawi ni Aliyah ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Brennan. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa lalaki. If a stare can burn, she was sure he would be on fire by now. Sa hinaba-haba ng panahong naghirap siya, ngayon lang ito pormal na hihingi ng tawad sa kanya? Sa ginawa ni Brennan noon, hindi sasapat ang pisikal na sakit o ano pa mang magagaspang na salita para makabawi siya sa kasalanan nito. Because now that she had seen him again, she realized how bitter she still was. Three years were not enough to heal her. She was shattered, for heaven's sake.

"Saktan mo ako ngayon. Bumawi ka ngayon and I really won't mind. Just-"

"Ah, excuse me for interrupting your speech but don't you think it's three years too late for that, Brennan? Besides, kung hindi ka matahimik, problema ko pa ba 'yon?" sarcastic na putol ni Aliyah sa mga sasabihin pa sana nito. "Kung ayaw mo palang mabiktima ng konsensiya mo, sana hindi ka nanloko ng ibang tao."

"Alam kong mas magagalit ka sa sasabihin ko. But it was only when I wanted to do something big in my life that thoughts of you started to appear."

Ikinagulat ni Aliyah ang pagpapakumbaba na narinig sa boses ni Brennan dahil hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa lalaki. Sabagay, hindi pa nga pala niya ito kilala nang husto. Kaya nga siya naloko nito.

"You have constantly been in my dreams for the last couple of weeks. Tama ka, nakokonsensiya nga ako kaya kita hinanap para makahingi ng tawad sa 'yo." Rumehistro ang pagsisisi sa kulay gray na mga mata ni Brennan. "Pero maniwala ka sanang noon ko pa ginustong magpakita sa 'yo at humingi ng tawad. Hindi ko nga lang alam kung paano."

"You wanted to do something big in your life?" sa halip ay sagot ni Aliyah. Mapait siyang tumawa. "Bakit, magpapakasal ka na ba kaya bigla kang nakonsensiya? Natatakot kang baka ang ginawa mo sa 'kin, gawin din sa 'yo ng iba?"

Ilang segundong natigilan si Brennan bago umiling. "N-no. It's not l-like that."

Aliyah took a deep breath. Hindi niya alam kung magagawa niya pang maniwala sa mga sasabihin ng lalaki. "Bumalik ka na lang pagkalipas nang tatlo pang taon. And let's talk about this again. Who knows? Everything might make sense after another three years." Pumasok na siya nang tuluyan sa kanyang kotse. Isasara niya na sana ang pinto nang mabilis na hawakan iyon ni Brennan.

"Aliyah, I'm really, really sorry," mahinang sinabi nito habang nakikiusap na nakatitig sa kanyang mga mata. "Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, I know this is too much to ask but please... allow me to see you again."

Sa pagkakataong iyon, hindi na nagdalawang-isip pa si Aliyah. Lumabas siya ng kotse saka sinampal si Brennan na dapat pala ay ginawa niya na noon pang hinabol siya nito sa elevator sa Maryland. And for the first time after a long while, she felt... freed. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa anyo ni Brennan. Nagkibit-balikat siya. "I owe you a slap, didn't I?"

Inalis niya ang kamay ng binata sa pinto ng kanyang kotse at tuluyang isinara iyon pagkatapos ay iminaniobra niya na palayo ang sasakyan. "Iyon na ang closure na kailangan pala natin pareho, Brennan. And I hope to never see you again."

Echoes Of I DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon