Para kay 'Insan

17 0 0
                                    

***

Musmos palang nang ika'y iniwan.
Sa isip mo'y kay dami mong katanungan.
Mga bagay na hindi mo naiintindihan.
Kung kaya't wag mo ng isipin yan.

Ipagpatuloy ang pag abot sa mga pangarap.
Bata ka pa't madami ka pang magagawa sa hinaharap.
Wag ng isipin ang mga nangyaring oh kay saklap.
Sino ka man, ano ka man, ika'y aming tanggap.

Wala man sa tabi mo ang 'yong tunay na ina.
Subalit sa ilang taon andyan si Mamie at si Tita.
At wag kalimotan ang mapagmahal na lola.
Idagdag mo pa si Dadie na ngayo'y nasa itaas na.

Madaming nagmamahal sayo't isa na ang 'yong pamilya.
Mga kaibigan na handang sumuporta.
Kapatid na palaging mong kasama,
kabiguan man o sa ginhawa.

Ilaw na tuluyan nang nawala.
Pader na tuluyan nang nasira.
Pag-asa na tuluyan nang napinsala.
"Anak, tibayan ang iyong pananampalataya."

Kung sa volleyball nagawa mong magka medalya.
Kung sa choir nagawa mong kumanta
Kung sa paaralan nagawa mong makapasa
Sa buhay, magagawa mong maging masaya.

Tila kay haba na ng tulang iyong nabasa't napakinggan.
Hindi ko alam kung meron paba itong katuturan.
Kung kaya't tatapusin ko na ito sa isang verse nalang.

Basta't ito lang palaging tandaan.
Mula noon, ngayon, at magpakailan man.
Mahal ka ni Hesus at ika'y kanyang tutulungan
Tibayan ang pananampalataya at manalig sa Kanya, mahal kong pinsan.

***

TULALÂ: Mga Liham na Dinaan sa TulâDonde viven las historias. Descúbrelo ahora