Pinagtagpo Ngunit Hindi Tinadhana

6 0 0
                                    

***

Ito na ito na

Pakinggan ang isang makata

Isasaliwalat na ang estoryang pinagtagpo ngunit hindi tinadhana

Sisimulan natin sa pagbati ng magandang araw sa inyo mahal kong madla

Nagsimula ang lahat sa panunukso

Sa isang anibersaryo kami ay nagkatagpo

Nagkamabutihan, naantig ang mga puso

Kinalaunay nagsagutan na nga ng "kain kana po"

Tandang tanda ko pa ang musikang kanyang kinanta

"Ikaw lang, ikaw lang at wala ng iba."

Naku po ang inyong diwata, nahulog sa kanyang hiwaga.

At yun na nga po'y hiningi ko siya kay Bathala.

Medyo mahaba-haba ang ang aming tinahak na daan

May mga paghihirap pero alam ko'y masaya naman

Ngunit isang araw ako'y napahinto sa kawalan

Napatanong sa sarili 'bakit ako'y iniwan?'

Uy ikaw

Hindi kita binigyang halaga upang mapunta ka sa iba

Hindi naman kita binola at ipinasa sa kanya

Hindi kita pinaligaya upang agawin ka lang ni Angela

At hindi pa nga kita tinatapon, niresaykil kana niya

Oo, ako'y nasaktan

Umuwing luhaan no'ng ako'y iyong iniwan

Muntikan nang mabaliw nang ika'y lumisan

Pinapanalangin ko nalang ang iyong kaligayahan

Hindi man tayo sa huli

Sinisigurado ko sayo'ng lahat ng nararamdaman nito ay hindi pansarili

Pawang katotohanan

walang halong kasinungalingan, legit ito pre.

Kaso iyong tinaboy, isinawalangbahala at hindi pinili

Ramdam niyo ba ang aking pighati?

Ayos lang yan

Lahat ng sakit ay ipaubaya natin kay Kamahalan

Ito ang palagi niyong tatandaan

H'wag mong gawing kinabukasan ang dapat ay pangkasalukuyan

Pahalagahan at igapos ang kasalukuyan dahil hindi mo hawak ang kinabukasan

Dito na magtatapos ang aking tula

Bababa sa intablado'ng may ngiti sa mukha

Ako po'y malayang malaya

Tanggap sa sarili'ng kami ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana.

***

TULALÂ: Mga Liham na Dinaan sa TulâWhere stories live. Discover now