"Una't Huli"

13 0 0
                                    

***

Sa gabing malamig ang simoy ng hangin
Puso'y nakamulat at mata'y nakatingala sa bituin
Pinapangarap at dinadasal na ika'y magiging akin
Sino ka ba? Asan kana ba? Kailan kaba dadating?

Sa gabing kuryente ay nakapatay
Puso at isip ay buhay na buhay
Kailan ko ba maririnig ang iyong pakay?
Na ika'y magtanong at magpaalam kay tatay.

Sa gabing ito ikaw lang ang ini-isip ko
Nag-iisang bituin sa langit sana'y ito na ang simbolo
Na sa takdang panahon landas natin ay magkatagpo
At sa harap ng Dios sabay na mangangako

Sa gabing ito puso ko ay pangiti-ngiti
Isinasa-isip ang mga pwedeng mangyari
Parang hindi na makapaghintay ang aking mga labi
Na bigkasin ang salitang ikaw ang aking "una't huli".

***

TULALÂ: Mga Liham na Dinaan sa TulâWhere stories live. Discover now