"They broke up! " ❤

688 24 0
                                    

Tinulungan ko na si Miko na kumuha ng taxi kasi medyu lasing na din siya.
Buti nalang din at di siya nagdala ng sasakyan.

Di ko mapigilng mapaiyak habang naglalakad pauwi.

Ohhhh... Bat ang tagal mo? Asan na ang beer? At bat ganyan ang mukha mo, umiyak kaba?" bigla tumakbo si Andrea palapit sakin. "Besh anung nangyari? Magsalita ka?"

"Besh.. Si Miko at ang jowa niya, hiwalay na sila." Yun ang una kung nasabi.

"Talaga besh? Ehhh diba dapat masaya ka? Bat ganyan mukha mo? At panu mo pala nalaman?" Sunod sunod niyang tanong.

"Nakita ko si Miko, umiiyak siya. Nasasaktan siya subra! Di ko kayang makita siyang ganun parang nadudurog din ang puso ko! Besh.. hindi ko lang ata crush si Miko. Mahal ko na ata siya." Bigla kong na realize ang tunay na damdamin ko para sa kanya.

"Naku naman besh.. Ang hirap nga mag move on sa crush lang mahal pa kaya?" bigla niya kung yinakap ng makita niya ang luha kong biglang umagus sa mga mata ko.

Monday na ulit. Maaga akong pumasok sa school today. Nauna na kung umalis kay Andrea.

Pag dating ko sa school tiningnan ko ang shop sa tapat. Sarado pa. Wala pa si Miko. Pumasok ako sa classroom at sumilip ako agad sa bintana. May dumating na pulang kotse. Bumaba dun ang dyosang ex ni Miko. Di nagtagal dumating ang sasakyan ni Miko. Bumaba ito at hinabol ang babae. Hinawakan niya ang kamay nitu peru hinila lang ng babae ang kamay niya at pumasok sa shop niya. Si Miko nandun lang sa labas ng shop nakatayo.

"Good morning Ma'am She.." bati ng mga bata na nagsisidatingan na.

"Good morning" ganting bati ko sa kanila. Bago magsimula ang klasi sumilip ako sa labas ng isa pang beses. Nandun parin siya nakatayu sa harap ng shop.

Tumunog na ang bell. Lunch break na!

Bago ako pumunta sa cafeteria, sumilip ako sa labas. Andun parin siya nakatayo.

Hanggang pagkatapus ng Lunch break andun parin siya... di man lang siya kumain.. Andun parin siya nakatayo. Hanggang sa uwian na. Tinitingnan ko ang likod ni Miko sa kabilang kalsada. Nakatayo parin siya. Nag aantay!

"Besh, si Miko" sabi ni Andrea.

Kinabukasan ganun parin ang nangyari. Hinahabol ni Miko ang babae peru pinagtutulakan siya palayo. Maghapon na naman siyang nakatayu. Di man lang siya umuupo o kahit umiinom ng tubig. Nakatayu lang siya nakaharap sa shop ng ex niya.

Ganun parin ang nangyari sa mga sumunod na araw. Di ko na makita ang mga ngiti sa labi ni Miko. Nakatayo parin siya sa harap ng shop ng ex niya. Biglang umulan nung hapon. Di man lang siya sumilong. Nagpaulan lang siya. Di man lang lumabas ang bruha niyang ex para bigyan siya ng payong. Di man lang ba siya nag aalala ky Miko? Ang sama niya. Siya na nga nang iwan tapus ganyan pa siya katigas?

Di ko mapigilang di magalit. Gusto ko ng puntahan si Miko at yakapin siya! Gusto kung sabihin na tama na. Ako nalang please... Peru di ko magawa.

Pagkatapus ng dalawang Linggo. Di na ulit pumunta sa shop si Miko. Di ko na siya nakita ulit. Tatlong buwan na din na wala nang Miko na laging bumabati at nakangiti sakin. Lagi parin akong nakadungaw sa bintana ng classroom ko, nagbabakasakali na makita ko ulit siya.

Di ako makatulog. Lumabas muna ko sa apartment para maglakad lakad. Nadaanan ko ang isang bar. Dalawang kanto narin ang layu mula sa apartment namin.

Nakita ko si Miko sa may kalsada. May kahalikan na babae. Ang kamay niya nakahawak sa pwet ng babae at ang isang kamay sa Leeg nito habang hinahalikan niya ng napakadiin ang babae. Biglang gumalaw ang kamay ni Miko at unti unti niyang pinapasok ang kamay niya sa maikling palda ng babae.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nang biglang my dalawang lalaking dumating, biglang hinila si Miko at sinuntok.

"Lintik ka akin yan." At biglang sinuntok ulit ng lalaki si Miko. Di man lang umawat ang babaeng kahalikan niya nakatingin lang. Dalawa pang suntok ang natikman ni Miko bago umalis ang dalawang lalaki hila hila ang babaeng kahalikan ni Miko.

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan niya ang bibig niyang my dugo at dahan dahang tumatayo.

"Miko.." bigla kong nasabi.

Napalingon siya sakin. Di ko na siya makilala. Wala na ang mga ngiti sa labi niya. Di ko na makita ang maamong mukha ni Miko dati. Puro galit na lang ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Miko" .. tawag ko ulit peru di niya ko pinansin. Tumayo siya at balak pa ata niyang habulin ang mga lalaking sumuntok sa kanya.. Tumakbo ako palapit sa kanya at hinila ko siya.

"Miko please stop. Please go home. Lasing ka na!" Pumara ako ng taxi at hinila ko siya papasok.

"Sasamahan kita para siguradong makakauwi ka ng ligtas. San bahay mo?" tanong ko sa kanya.

Sinabi niya ang address ng condo niya sa taxi driver at di na ulit siya umimik. Nakaya pa niyang maglakad paakyat sa condo niya peru hindi niya ko kinausap. Pinahiga ko na siya sa higaan niya at tinanggal ko ang sapatos niya.

Umupo ako sa tabi niya at maya maya naririnig ko na ang malalim niyang paghinga. Nakatulog na siya! Umalis na din ako pagkatapus.

Sa sumunod na araw pumunta ulit ako sa bar nayun kasi baka andun ulit siya. Wala siya sa labas. Pumasok ako sa loob ng bar. Nag ikot. Andun nga siya. Ang malala hindi lang isang babae ang kahalikan niya, dalawa pa. Sali salitan sila habang yung mga kamay ng babae naglalandas na sa dibdib niya. Nakatingin lang ako. Di rin nagtagal lumabas din ng bar si Miko. Sinundan ko lang siya. Naglakad siya malapit sa kalsada, nag aantay ata siya ng taxi. Nasa likod niya lang ako nakamasid sa kanya!

Bigla siyang lumingon. Nakita niya ako peru di niya ko pinansin. Sinundan ko lang siya hanggang sa makapasok siya sa condo niya. Isang lingo din na ganun lang ang ginagawa ko. Sinusundan siya at sunisiguradong makakauwi siya ng ligtas.

Nakikita ako ni Miko peru di niya ko pinapansin. Hinahayaan ko nalang. Baka kasi masakit pa talaga sa kanya ang nangyari sa kanila. Subrang mahal niya talaga ang ex niya.

"Besh.. saan kna nman pupunta? Susundan mo na naman si Miko? Tumigil kna pwd ba?" Panenermon ni Andrea.

Nakwento ko na sa kanya ang lahat.

"Besh gusto ko lang masiguro na makakauwi siya ng ligtas. Uuwi din nman ako agad." Sabi ko.

"Oh Sige, uwi ka agad. Gabi na nag aalala ako sayo. Uuwi pla ako bukas sa Laguna. Sa Monday ako ulit babalik. Birthday ni bunso namin kilangan andun ako. Ikaw ba ayaw mo talagang sumama sakin? Tanong ni Andrea.

"Di muna besh. Sa susunod nalang. Sige alis na ko." Lumabas na ko ng apartment at nagpunta sa bar na laging pinupuntahan ni Miko nung mga nakaraang araw.

Nakita ko si Miko may kasamang babae. Nakapulupot ang dalawa niyang braso sa beywang ng babae. Subrang magkadikit ang mga katawan nila. Medyu naririnig ko rin ang pinag uusapan nila.

"Would you like to come with me tonight?" mapang akit na sabi ni Miko sa babae.

"I'm sorry dear. I can't. May schedule ako tonight but if you want pwede ako tomorrow!" sabi ng babae sabay kindat at halik sa mga labi ni Miko. "I need to go. Please come tomorrow. Aantayin kita." Malanding bulong ng babae.

Nakatingin lang ako. Ang sakit makitang gabi gabi iba ibang babae ang kasama at kahalikan ni Miko. Peru mas masakit parin ang makita siyang ganyan. Parang pinipiga ang puso ko.

Nagpara na ulit ng taxi si Miko. Buti nalang talaga at di niya dinadala ang kotse niya pag nag iinom siya. Sinundan ko lang siya. Hanggang sa umakyat na siya sa Condo niya. Hindi ako sumasabay sa elevator na sinasakyan niya. Madalas pag akyat
ko sa condo niya nakapasok na siya. Peru ngayun nandun parin siya sa labas ng pinto niya. Nakatayo siya at parang inaantay talaga ako.

"Miko.." yun lang ang nasabi ko.

Men fall inlove after sex! (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora