Men fall inlove after sex! ❤

718 20 0
                                    

Si mommy umiiyak parin, si dad naman halatang galit peru di pa nagsasalita at si kuya nakikinig lang. Maaga na ding tinapos ang party dahil sa nangyari.

“Miko, anu ba talaga ang nangyari sa inyu ni Sheandra?” tanong ni daddy sakin. 

Hindi ko pa nga natanong sa kanila kung panu nila nakilala si Sheandra at ang anak ko.

“Dad I met her before Lex and I broke up. We became friends. She’s a teacher in a Christian School infront of Lex’s Boutique. You know what happened to me when Lex and I broke up right? My life is a mess that time. She was there for me and something happened between us. Di ko sinasadya yun peru hindi ko yun pinagsisisihan and I didn't know that she's pregnant. Di ko siya pinagtaguan dad,  mom. I was just busy sa work. " napahinto ako sa pagsasalita. 

"Okay, I admit tama si Sheandra. Kung gusto ko pwede ko naman talaga siyang puntahan kahit busy ako sa trabaho peru di ko ginawa. That time kasi hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.” mahaba kong paliwanag. Nakikinig lang sila. 

“Nung handa na kung harapin siya, wala na siya. Huli na pala ako. Ang tagal ko siyang hinanap dad. I want them in my life mom, dad please help me”. Di ko na napigilang maiyak. 

Gusto ko sila makasama. Si She at ang anak ko.

                      Sheandra’s POV

Kinausap ko sina mama at papa. Nag desisyun akong bumalik nang Bohol maaga kinabukasan. 

Handa naman akong patawarin si Miko. Kasi kahit pagbaliktarin ko man ang mundo, di mababagong siya parin ang tatay ng anak ko. Hindi pa nga lang ako handa ngayun kilangan ko munang mag isip. Alam kung di ko pwedeng ipagkait si Mikmik sa kanya peru hindi pa ngayun. Sa akin lang muna ang anak ko.

We arrived in Cebu around 7am. Nasa Pier na kami at nag aantay ng Ferry papuntang Tagbilaran Bohol 8AM pa kc ang byahe. 

Karga ko si Mikmik na mahimbing na natutulog. Subrang aga pa kasi namin na umalis kanina sa bahay papuntang NAIA. 2 weeks din kami sa Manila. Miss ko na si lola at lolo.

Medyu papasok ang bahay namin mula sa kalsada sa barangay, mga isang kilometro din ang kilangan lakarin. Malawak kasi ang taniman ni lolo ng Dragon Fruit eh at iba pang gulay at prutas. May mga alaga din silang mga manok sa likod bahay. Pagdating namin sa barangay nagpasundo lang ako ky lolo kasi medyu umulan at maputik ang daan. Merun si lolong maliit na truck na ginagamit niya sa pagbyahi sa mga gulay at prutas na ani nila papuntang bayan.

“Lolo, lola, “ tawag ni Mikmik sa kanila. Mga yakap at halik naman ang sinalubong ni Mikmik sa lolo at lola niya.

“Subrang na miss namin kayo apo”..  sabi ni lola sabay karga ky Mikmik. 

Dahil sa pagod nakatulog si Mikmik pagpasok sa bahay. Ihiniga ko muna siya sa kama at pumunta ako ng sala para makausap sina lolo at lola.

“Kumusta na apo? Kumusta na si mama at papa mo?” .. tanong ni lolo.

“Okay naman po sila lo. Busy parin sa business nila” 

“Mabuti naman kung ganun.” saad ni lolo.

“Bakit pala ang aga niyung umuwi apo. Akala ko sa susunod na buwan pa kayo uuwi.?” dii napigilang itanong ni lola.

“May nangyari po kasing di inaasahan La” .. after kung sabihin yun, biglang lumapit si lola sakin at hinawakan ang kamay ko.

“Apo,  kanina kapa balisa.  May nangyari ba? Sabihin mo sakin. Makikinig ako.” sabi ni lola habang hinihimas himas ang kamay ko. 

“La.. nagkita po kasi kami ng tatay ni Mikmik. Alam na din po niya na anak niya si Mikmik. Hindi pa po ako handa na patawarin siya La.”. di ko na mapigilan ang luha ko. 

Alam nila ang nangyari samin ng tatay ng anak ko.  

Dumating ako ditu kasama si Andrea para magbakasyon.  Peru pagkatapus ng isang buwang pamamalagi namin ditu nalaman ko na buntis pala ako. Walang ama ang batang dinadala ko peru hindi nila ako hinusgahan at tinaggap ako ng buong puso. 

 Niyakap ako ni Lola ng mahigpit.

“Naiintindihan kita apo. Naiintindihan ko.” .. sabi ni lola na naiiyak na din habang yakap parin ako ng mahigpit.

Si lolo naman ay lumapit din para aluhin ako.

“Salamat po La, Lo.” 

“Pahinga ka muna Sheandra apo. Tatawagin nalang kita kung kakain na.” sabi ni lola sabay halik sa ulo ko.

Umakyat narin ako at nahiga. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako hapon na.

Nagising ako dahil sa halakhak ng anak ko. Tiningnan ko ang oras, 4:00 na pala. Bumaba ako at sumilip sa sala. Naghahabulan si Lolo at Mikmik. 

“Ay naku apo, sumasakit na ang tuhod ni Lolo.” Tapus nagtawanan sila.

“Lo, kulang nayan sa ehersisyo” .. natatawa at pabiro kung sabi habang bumababa ng hagdan. 

Tumakbo naman palapit sakin si Mikmik.

“Mommy” .. tawag ng anak ko na may matamis na ngiti sa labi.

“Apo gising ka na pala. Di na kita ginising kanina nung tanghalian kasi ang lalim ng tulog mo. Nagugutom kana ipaghahain na kita” .. saad ni Lola. 

“Maya nalang po La, di pa ko nagugutom.” sabay napatingin ako sa labas.

 “Ang lakas pala ng ulan!” bigla kung nasabi.

“Oo apo. Kaninang tanghali pa umuulan ng malakas.” sabi ni Lolo.

Bigla akong may nakita na tao sa labas. Di ko masyadong makita kung sino, malabo ang salamin ng bintana dahil sa lakas ng ulan. Lumapit pa ko sa bintana para makita ang taong nasa gitna ng ulan. Tiningnan ko ng mabuti ang lalaki, nakalubog ang paa niya sa putik. Sinubukan niyang hilain ang paa niya peru dahil sa nakalubog din ang isa niyang paa bigla siyang natumba.

“Ay dyosko po. Lo, may lalaki po dun sa gitna ng ulan.” Medyu malayu pa siya sa bahay kaya di ko maaninag ang mukha niya.

Nakatayo na ang lalaki at pilit na lumalakad palapit sa bahay.

“Who’s that mommy?” natanong ng Mikmik ko.

“I’m not sure baby eh”.. yun lang ang nasagot ko sa anak ko na nakatingin din sa kung sino man ang parating.

“Pupuntahan ko apo. Dito ata papunta satin eh kasi wala naman tayung kapitbahay”.. kumuha si lolo ng payong at bota saka deritsu lumabas. 

Inaakay ni lolo ang lalaki para makalampas sa maputik na daan. At habang papalapit ng papalapit si lolo at ang lalaking yun, biglang kumabog ang puso ko ng malakas. Mas lalong lumilinaw ang hitsura ng lalaking naglalakad sa ulan.

Mas lumalakas ang tibok ng puso ko habang lumilinaw ang hitsura ng taong kasama na ni lolo. 

Men fall inlove after sex! (Completed) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant