#11

270 9 0
                                    

Marites POV

Di ko alam na may magiging kaibigan pala si Madam, ang buong akala ko ay ginagawa lamang nilang laruan lahat ng nakilala nila, sana naman ay totoo ang sinabi ni Madam kanina na ayaw nyang gawing laruan itong pinsan ko. Napaka swerte talaga namin sa kanila kahit na ganito ang trato nya sa akin nitong mga nakaraan. Pero kasalan kodin yon eh kaya ayos lang sa akin.

"Grabe 'no, ang bait at ang yaman ni Rachell. Pero alam mo insan talaga nung unang kita ko sa kanya nasa hallway kasi ako non tas nagmamadali ako, may nadanggi akong palaka yun natapunan sya ng juice paiyak na ako non tas biglang dumating ang super hero ko hayy" sabi nito habang may pagkamangha sa mata nya.

"Tapos ang tapang nya, nakipag sagutan sya don kay Tina, kilalang kilala sya sa school namin atsaka kinatatakutan din sya don, nilalandi kasi nun si Chase yung mala campus prince sa school namin grabe talaga balita ko pa nga gangster sila tas nakaaway nadin daw  nun si Rachell. God diko talaga maisip kung anong nangyari't inis na inis si Chase"

"Hmm oo mabuti nga at papatigilin kayo dito ni Madam para naman maalwan na kayo ni Yata, grabe talaga ang dami mong pasa puro sugat ka, bakit kasi hindi nalang kayo umalis doon eh"

"Yun na nga ang iniisip ko ngayon.. ngayong aalis na kami don ni kuya, ano nalang ang ipanggagastos ko kung di na kami makakapag trabaho sa kalendirya ni tita"

"Makakahanap din tayo ng solusyon dyan, sa ngayon ay magmadali na tayo dahil napaka mainipin ni Madam"

---Rachell's POV

"Hey Butler Hanz, ihanda mo ang kotse, aalis tayo"

"Masusunod po Madam, san nga po pala tayo pupunta, pagabi napo baka hindi na tayo payagan ni Master."

"Tsk, saglit lang tayo. Susunduin lang natin ang kuya ni Ana. Ako nang bahala kay lolo ihanda mo na ang sasakyan!" Sabi ko at nagbow naman ito saakin saka dali daling umalis.

--Flashback--

For keeping my low profile
Ginawa ko lahat nang ginagawa nang mga karaniwang nerd, ang maglakad sa daan nang may hawak na libro, salamin at nagkukunwaring hindi afford ang gumastos ng marami. Low class nerd to middle class.  Naglalakad ako ngayon papunta sa sakayan. Madadaanan ang mga karenderya, shops at padalahan ng pera ilang km lang mula sa village namin.  Mga 3 kanto bago ako makapunta sa paradahan.

Nagmumuni muni ako ngayon habang tinitignan ang malaking punong papalapit sa akin habang naglalakad ako. Sabi ng karamihan ay nasa daang taon na ang punong ito kaya naman pasimple akong nakiraan rito, napakaganda nito at napakalaki bahagya akong tumigil sa tapat nito at initaas ang kamay ko para saluhin ang palaglag ng feather ng may marandaman ako sa damit ko at tumingin dito.

"W-what the-- hey kiddo, tanggalin mo yan kung hindi ipapakain koyan sayo" sabi ko rito nang makitang nilagyan ako ng salagubang sa damit ko. Di naman ako makakagalaw habang tumatawa ang batang nasa tagiliran ko agad akong nagtatalon ng marandaman ko sa hita ko ang galamay nito at nagtatakbo nang makitang ilalagay ulit saakin ng batang ito ang nilalang nayon. Naririnig ko itong tawa ng tawa kaya lumingon ako dito, malapit nato kaya naman mas binilsan ko pa ang takbo ko, palingon pa lamang ako ng may marinig akong malakas na busina. Agad nanlaki ang mata ko at agad ng tumalon at tumambling.

 Disguise As NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon